Prologue

24 5 1
                                        

KEZZIAH'S POV

"Buntis ka?"walang lingon na sabi niya habang nagpipigil ng galit."Ano ba ang naging pagkukulang namin sayo ziah at naging ganyan ka?".

"Patawarin niyo po ako ma.Tataggapin ko po kung ano ang magiging desisyon niyo.Kung hindi niyo po ako kayang taggapin dito ay aalis nalang kami ng anak ko.Bubuhayin namin siya ni Nathan."

"Bubuhayin?Bakit ano ba ang trabaho niyong dalawa ng wala mong kwentang nobyo?Mga studyante palang kayo at wala kayong alam sa pagpapalaki ng bata.Ano nalang ang magiging buhay niyo?jusko....!!"sabi niya sabay tapon ng hawak niyang baso."Alam mo Ziah?napakataas ng pangarap namin sayo ng tatay mo.Ginawa namin lahat makapagtapos kalang pero anong ginawa mo?Sinayang mo lang ang lahat ng yun.Wala kang kwentang anak."sabi niya habang nagpipigil na saktan ako.Kitang kita sa kanyang mata na gusto niya akong saktan pero hindi niya magawa sa akin.

"Ma?pasensya na po talaga.Ayaw ko naman talagang mangyari to sa akin eh.Lahat rin naman ginawa ko para makapagtapos ako pero ng dumating si Nathan sa  buhay ko siya lang yung lalaking minahal ko ng ganito at alam kong mahal na mahal din niya ako.Kaya kakayanin na ming buhayin ang anak namin."sabi ko habang humahagolgol.Hindi ko naman inaasahang dito pala hahantong ang buhay ko pero nandito nato ehh .Kailangan  kong harapin.Bubuhayin namin dalawa ni Nathan  ang baby namin gagawin namin lahat para makaranas siya ng maginhawang buhay.

Hindi ko na hinintay na magsalita pa si mama at pumunta na akong kwarto ko.Kinuha ko lahat ng gamit ko.

Natapos na akong magkuha at pinagmasdan ko ang kinalakihang kwarto sa pinakahuling beses na nandito ako.Habang pinagmamasdan  ko  ito ay hindi ko mapigilang mapahagolgol.Bumalik sa akin yung mga panahon na binabasahan ako ni mama at papa ng story para mabilis akong makatulog.Naalala ko yung  naghahabulan kami ng kapatid kong si Danica na ngayon ay nagtatrabaho na sa states.

Napaupo ako sa sakit na nararamdaman ko.Wala na atang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon.Dinis-appoint ko si mama at si papa.Alam kong mas lalo silang nasasaktan kaysa sa akin ngayon.Ramdam ko yun.

Sinara ko na ang pinto dahil ayaw kong may maalala na naman sa kwarto na makapagpapaiyak sa akin.

Habang pababa akong hagdan ay nakita ko si mama na yakap yakap ni papa.Bago lang siguro siya dumating galing trabaho.

Habang nakikita ko silang nagyayakapan ay biglang nanghina ang tuhod ko.Nag-uunahan na namang lumabas ang mga luha ko.Ang pinakaayaw kong makita sa buong buhay ko ay ang makita ang mga magulang kong umiiyak.Parang tinutusok ng karayom ang puso ko sa tuwing nakikita ko silang ganyan.Pero ang hindi ko alam ay ako pa pala mismo ang makapagpapaiyak sa kanila.Ako na labis na inaasahan nila.

Napalingon sa akin si mama at si papa.Sa mga oras na yun ay iba na ang tingin nila sa aking dalawa.Pakiramdam ko ay hindi nila ako anak kung tingnan nila.

Nakikita ko sa mga mata nila ang halohalong emosyon.Pero mas nangingibabaw ang Sakit.

Ayaw kong makita silang ganun kaya umiwas ako ng tingin.Pinigilan kong umiyak para mapakita sa kanila na kaya ko to.Kaya kong buhayin ang anak ko.Kaya naming buhayin siya ni Nathan.

Malapit na akong makalabas ng pinto ng magsalita si papa.

"Sa oras na tumapak ka palabas ng pintuan.Asahan mong hindi mo na kami makikita."malamig na sabi niya na nakapagpataas ng balahibo ko.

Ang kanina ko pang pinigilang luha ngayon ay lumabas na.Napakasakit ng nararamdaman ko ngayon.Halo halo na lahat ng emosyon.

Hindi ko sila nilingon.Ayaw kong makita ang mga reaksyon nila.Alam kong labis silang nasasaktan ngayon.Pero wala akong magagawa.Dumating to sa buhay ko at kailangan ko iyong taggapin.Hindi ako katulad ng ibang babae na nakakaya nilang patayin ang sarili nilang anak.Walang kaluluwa ang mga katulad nila.

Until I Let You GoWhere stories live. Discover now