Panibagong taon,Enroll na naman,
First dayyyyyy, worst dayyyyyyy
Nandito ako ngayon sa labas, eto naman lagi yung tambayan ko, pagpasok ko,
Normal lang katulad nang dati, classmate ko siya, again,Whattttttt!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Classmate ko siya, nakakahiya naman, yung pinag gagawa ko sa kanya ,,,,,
Ang worst, katabi ko siya, o diba grabe si destiny di ko naman hiningi yung basbas kung makabigay naman, pilit namin na ilayo yung upuan namin, tapos yung gamit ko nilagay ko talaga sa gitna, walang angalan,Tumagal ng tumagal, na iinlove na ako sa kanya, kung kailan wala na kaming pake sa isat isa, tapos nalaman ko na may bago na pala siyang mahal, tapos ako eto, nanghihinayang na pinaghintay siya nang ilang taon, di ko nalang siya pinansin, kahit masakit na sila na yung tinutukso at hindi kami, bakit ang sakit, sobra, bakit parang ginulpi yung puso kong nagmamakaawa sa pag mamahal mo.......
Ilang araw ang lumipas iniwasan ko kahit masakit ginawa ko ang lahat kahit I block ko pa siya sa fb, ngiti lang ako ng ngiti kahit deep inside, puro problema na itong buhay ko, pero kinakaya, hanngang sa napag desisyunan na ng parents ko na dun ko nalang ipagpatuloy yung pag aaral ko sa Europe.
Simula nun, umabsent na ako dahil inaasikaso namin yung papel naming magkakapatid, wala pa silang idea kahit yung mga kaibigan ko, sabi ng ate ko pumasok daw ako para makapag paalam, sabi ko wag na sayang lang yung uniform, dinaan ko nalang sa biro ang lahat nag pa drop na rin ako kasi bukas na yung flight ko, 12 ng madaling araw, bago kami pumunta nakita ko yung mga kaibigan ko may dalang teddy bear sabi nila pinabibigay daw niya, ako naman tong si tanga dinala papunta dito, eh pano ako makakalimot kung dadalhin ko yun, inisip ko nalang na memories na rin yun bago ako umalis, tapos nag kwento rin sila tungkol sa kanya, nakakabwisit rin sila eh ipinamumukha pa na may mahal na siya iba, tapos bakit parang nagseselos ako, pero naisip ko rin, bakit ako nasasaktan eh wala namang kami....
Nandito na ako sa airport, time check 6:32, nakita kong online yung kaibigan ko, tapos nag chat siya,
Uy sabi niya I unblock mo daw siya,,,,,
Huh? Paano mo nalaman? Sabi ko,
Sinabi niya,,,, para na rin daw makapag start kayo,,,
Ako ulit tong si tanga, ginawa i unblock ko daw siya, ginawa ko tapos,
Ok na,,,
Nag send pa ako ng picture na friends na kami ulit, tapos binilugan ko para malaman na friends na kami.....
Pagkatapos nun nag off na ako kasi andyan na yung plain,,
14 hours ang biyahe ko at sa wakas nakarating na rin ako...
Binuksan ko yung group chat namin, naka online siya, tapos pinalitan niya yung nickname niya na " were friends " nag taka naman ako
Tapos nagchat yung kaibigan ko sabi niya na kaya daw ganun kasi binilugan ko yung word na friends kaya akala niya na na friend zone ko siya,
Pero di naman yan yung gusto kong sabihin eh, bakit parang nag iba ata,kaya ko binilugan kasi baka di niya makita, pero mukhang nagkamali ata siya ng akala eh, siguro ang tingin niya ay pinaglalandakan ko na kaibigan ko lang siya, pero,,,,,,,,,,,,,,,,,pero di naman yun yung sasabihin ko eh, akala mo lang yun, akala mo lang pero hindi eh,
Kaya ngayon pareho kami ngayon na friend zone, nakakatawa lang, nagpakatanga ako sa kanya at nawala lahat yun dahil sa akala, eto ngayon ako, sinusubukan na makalimot
Habang siya masaya kasama ng taong mahal niya.Siguro di siya karapat dapat sa pagmamahal ko, siguro nga, sino ba namang lalaki ang mang iiwan dahil sa akala, diba? Pero move on na, bakit ko nga pala kailangan mag move on eh wala namang kami, diba ang sakit, ang sakit, sakit, sakit,
Pinagtagpo ng kapalaran, pero hindi tayo itinadhana ng tadhana
Siguro nga friends LANG tayo, at hanggang dun nalang siguro
Paalam na kaibigan
Taas kamay ang mga single🙋🏻🙋🏻🙋🏻🙋🏻
Mabuhay ang mga single🎉🎉🎉😝😝
Mamatay ang dahilan kung bakit kami single ( joke )
Para sa mga single,,,,,,,, na kagaya ko pag sinabihan ka na tanga, wag kang magagalit kasi, alam mo ba ibig sabihin ng TANGA
T-otoo
A-kong
N-agmamahal sayo
G-aano man kasakit
A-y titiisin koTHE END
BINABASA MO ANG
" We're Friends " ( her POV )
Short StoryShort story lang po para sa mga na friend zone