Chapter 2

7 2 0
                                    




Isang taon na rin ang lumipas at eto ako ngayon mag eenroll kasi panibagong taon nanaman, turn na namin sa counter ng makita ko ang lalaking laman parati ng aking isip, nasa labas siya may kasama na matangkad na babae di ko na lang sila pinansin at itinuon ang pansin sa aking cellphone.

Nagbabasa ako ngayon sa wattpad, habang nagbabasa ay hindi ko mapigilan na mapangiti dahil sa kilig, kinagat ko nalang aking mga labi, habang nagbabasa ay napatanong ako sa aking sarili kung kasama mo ba ang taong mahal mo ay parang may dadaloy na kuryente sa katawan mo, kasi yung ang parati kong nababasa tuwing nag mamahal ang bida, ako kaya, kailan kaya dadating ang lalaking mamahalin ako, pag kasama ko kaya siya may dadaloy kayang kuryente sa katawan ko kagaya ng nakasulat,sa istoryang ito, pero ang tanong,,,,,,,

Magmamahal kaya ako????

Napagpasiyahan ko na umuwi na, bibili kasi kami ng gamit para bukas....




First dayyyyyyy,,,,,,,, worst dayyyyyyyyy,,,,,,,,,,

Yan ang katagang parati ng sinisigaw ng aking isip, pero bakit ang mga ibang estudyante ay excited, alam ko na first day ngayon pero bakit kailangan maging excited di ko na sila pinansin at pumunta nalang ako sa room ko, bago pa man ay nakita ko na ang iba kong kaklase last year sumabay nalang ako sa kanila, habang naglalakad ay hindi nila maitago ang excitement nila, pero ako eto nasa likuran nila ayoko rin naman makipagsiksikan ang sikip kaya

Eto na ako ngayon na sa harap ng pintuan ng aking panibagong room, di ko maiwasan na kabahan, pero eto na talaga, eto na ang magiging pangalawang bahay ko at ang mga estudyante na nasa loob ay ang aking mga kapatid pero bakit yung iba may crush na classmate nila, eh ang turo please naman ay ituring sila na kapatid,

Pipihitin ko na ang door knob ng may nag bukas nito kaya di ko binuksan, naabutan ko ang mga classmates kong nag iingay yung iba naglalaro, yung iba patagong nag se cellphone inikot ko ang aking mga mata, wala akong ibang nakita kung hindi ay mga classmates ko dati may mga nag stay dito meron din naman na nag transfer dito, pansin ko dahil bago lang ang kanilang mga mukha sa aking paningin pero ng inikot ko pa ang aking mga mata ay may nakita akong lalaki, he's wearing a green bag, nang humarap siya ay,

Tumingin siya sa aking side at ngumiti gamit ang kanyang mapaglarong labi,

Nginitian ko rin siya at umiwas ng tingin, ayaw kong makita niya na mamula ako tumingin nalang ako sa ibang side,then I realized,,,,,,,,




Classmate ko siya!!!!!!!!!!

" We're Friends " ( her POV )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon