Halos manlumo ako sa mga nakikita ngayon. Nagkakagulo na ang lahat! Nagkalat ang mga royal knights sa paligid at pilit na pinipigilan ang mga mga rebeldeng Xier na ngayon ay nasa loob na ng palasyo!
"Simon!" mabilis na tawag ko sa kaibigan noong makita ko itong tumatakbo patungo sa kung saan. He immediately stopped from running then looked towards my direction.
Ibinalik ko sa dating anyo ng katawan ko at mabilis na bumaba mula sa ere. "Queen!" Simon said and run towards me. Mabilis naman akong napahawak sa pader na malapit sa akin. Sa hindi malamang dahilan, bigla akong nanghina. I immediately shook my head and relax my body. Mukhang nabigla ko ang katawan ngayon dahil sa ilang beses kong ginamit ang Xier form ko! Humugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at tumingin sa nagkakagulong paligid.
Kanina noong makapasok ako sa main gate ng palasyo ay agad akong binalot ng takot noong makita ang mga katawang wala ng mga buhay. Hindi ko alam kung gaano na katagal ang gulong mayroon ngayon sa palasyo! I was late! Kung nakabalik lang sana ako agad dito, sana'y hindi na aabot sa ganitong sitwasyon ang gulong ito!
"My Queen, are you okay?" Simon gently asked. Inalalayan niya akong makatayo nang maayos at nanatili sa tabi.
I took a deep breath and slightly nod at him. "Yes. I'm good. Nanibago lang marahil ang katawan ko sa ilang beses na pagpapalit ng anyo ko kanina." I paused and remembered something. "Have you seen Ara?"
Kita ko ang pag-iling nito sa tanong ko. "Kararating ko lang din dito sa palasyo. Hindi ko pa ito nakikita."
Napatango akong muli. "Come on," yaya ko at nagsimula nang maglakad muli. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako noong biglang nanlabo ang paningin ko. Mabilis kong ipinikit ang mga mata at ikinalma ang sarili. Damn it! Nag-aalalang umalalay muli sa akin si Simon at nanatiling nakatayo sa tabi ko. "I'm fine now," mahinang saad ko at muling iminulat ang mga mata. "Kailangan na nating magtungo sa chamber ng dating reyna."
Mabilis ang naging pagkilos namin ni Simon. Dahil pamilyar na kami sa pasikot-sikot sa buong palasyo, hindi na kami dumaan pa sa main entrance. Iniwasan muna namin ang daang iyon at minabuting makarating agad sa silid ng aking ina. And when we finally reached her room, Simon immediately opened the door in front of us, and we saw nothing. Wala na ito sa silid niya ngayon!
"Marahil ay nakaalis na ang mga ito sa palasyo," seryosong saad ni Simon na siyang mabilis na ikinailing ko.
My mom won't leave the palace! I know her. Kahit ano mang mangyari, alam kong hindi basta-bastang aalis si mommy sa palasyo. She'll do everything to protect this place! Kagaya nang ginawa noon ng aking ama, alam kong gagawin din nito ang lahat para protektahan ang lugar na ito!
I sighed and decided to leave her room. Kung wala siya rito, paniguradong kasama na ito ngayon ni Lorenzo! Akmang hahakbang na sana ako palabas ng silid noong biglang yumanig ang buong paligid. Nanlaki ang mga mata ko at agad na binalanse ang katawan upang hindi matumba. "Shanaya!" tawag ni Simon sa akin at mabilis na hinawakan ako. Mas lumapit pa ito sa akin noong mas lumakas ang pagyanig ng buong paligid.
Wala sa sariling napaawang ang labi ko noong maramdaman ang isang pamilyar na kapangyarihan. "It's her." I said, almost a whisper. Hindi ako maaaring magkamali! Kilala ko ang kapangyarihan nito! It's definitely her power!
"Her?" takang tanong ni Simon sa akin. Unti-unting humina ang pagyanig kaya naman ay lumayo na sa akin si Simon.
"My mom. This power... Simon, alam kong sa kanya iyon!" What's happening, mom? Malakas ba ang kalaban namin kaya ginagamit na ng aking ina ang kapangyarihan niya? Is the situation here that bad? "Let's go, Simon. Hanapin na natin sila!" nagmamadaling wika ko at lumabas ng muli sa silid ng ina.
![](https://img.wattpad.com/cover/89787936-288-k638087.jpg)
BINABASA MO ANG
Shanaya: Queen of the Fairies (Soon To Be Published)
FantasyKingdom of Tereshle Story #3 [COMPLETED] Shanaya. Queen of the fairies. She doesn't want the crown nor the throne. Para sa kanya, mas nanaisin pa niyang mamuhay ng matiwasay sa labas ng kanilang kaharian, ang Xiernia. Noon pa man, itinatak na ni Sha...