1

1.3K 45 0
                                    

CHAPTER 1 ✨

Asan na ba yung kutsara at tinidor ko? Takte lang, kakain na lang nawala pa yun? Isang pares lang naman kasi ng kutsara at tinidor ang meron ako.

Mag isa lang naman kase ako sa bahay namin malapit sa bahay nila bhessy. Unica hija lang po ako sa pamilya namin. Ang papa ko?? He is living underground. Ang sosyal niya! Ayy nako.. PATAY NA!

Nakatira kami sa Cagayan, dapat sabay sabay kaming pupunta dito sa Maynila kaso naudlot kasi nga wala na si Papa [=_=]

Hirap ang pamilya namin mula ng tumira si papa sa lupa, kaya ayun pumunta kami dito ni Mama sa Maynila, dito sa bahay na ito. Ginamit namin yung pearang naipundar ni Papa para mabuhay dito. Ang main reason namin ng pagpunta ng Maynila ay para makapag aral ako. Tapos siyempre nakilala ko si Bhessy ang saya kasi malapit lang yung bahay niya dito sa bahay namin.

Nung nakagraduate nako ng elementary, iniwan nako ni mama.. [=_=]

Bago pa man niya ako tuluyang iwan mag isa....

Mag aral daw ako ng mabuti.. wag daw ako susuko, alagaan ko daw ang sarili ko, kase malaki nadaw ako. At nandyan lang daw siya para sa akin. [=_=]

Naaalala ko na naman yung payo ni mama, tapos yung day na yun!

Yung feeling na wala ka ng paki kung magsama man yung uhog at luha mo, ayun habang umiiyak ako nakayakap ako sa kanya..

At yun na nga wala na si mama, umalis na siya.. iniwan na niya akong tuluyan...

Dahil umuwi na siya sa Cagayan....

Nasa Cagayan na si Mama ngayon, gusto ko sana sumama sa kanya kaso halos kulang na yung pera pauwi. Ang hirap ng buhay namin dito paubos nadin kase yubg pera na naipundar ni papa. Naaawa nako kay mama eh? Para na siyang Super Mama, sa umaga katulong siya, tapos pinapauwi siya mga bandang 3pm lang naman.. tapos pag sapit ng 3pm may magpapalaba sa kaniya, matatapos yun hanggang 6pm, tapos pupunta siya sa nag gagawa ng balot, at yun maglalako siya.

Ang hirap talaga ng buhay sa maynila, hindi naman kase nakatuntong ng college si mama, kaya ayun wala siyang matinong trabaho. Eh kung nasa probibsya siya makakapagtanim siya dun, at mabubuhay na kami, pwde na niya itong ibenta, eh di may kita agad?

MY CRAZY SADIST LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon