15

528 29 2
                                    

CHAPTER 15 ✨

Ano?? Irita kong pagkakasabi.. tapos kinuha ko lang yung bag ko..

Mag usap tayo.. ang sabi ni Edward

Mamaya nalang sa palayground marami pa kase akong gagawin eh? Cold kong pagkakasabi sa kaniya ..

Galit ka?? Sabi naman niya..

Bakit nga ba ako ganito? Bakit ako nakakaramdam ng inis? Bakit ganun? Ano naman kung gusto niya si bhessy diba?

Oo nga Marydale ano naman? Kaibigan mo lang siya diba? At kahit crush mo lang siya, hindi ka nagpapaapekto.. ang sabi ng isip ko..

Nagdere-derecho lang ako sa paglalakad hanggang sa tumakbo na ako..

MARY DALE!!!!
sigaw niya..

Hoy sabay hawak niya ulit sa braso ko, medyo napalakas kaya napaharap ako sa kaniya..

Tiningnan ko siyang masama..

Nakatingin lang din sya sa akin.. yung mga mata nya parang nagmamakaawa..

Mamaya nalang sabi eh? Sabay tadyak ko sa tuhod niya..

Aray..!! Medyo napayuko siya ng konti..

Nilakasan ko din yung pagkakatadyak eh? Pagkatapos nun tumakbo na ako..

Pagkauwi ko sa bahay, ayun kumain lang ako ng konti tapos pinakain ko narin si Querien..

Dumeretcho nako sa karinderya..

HIMALA HINDI KA LATE MAYMAY!! sigaw ni monster sa akin..

Hindi ko nalang sya pinansin, last day ko nadin naman dito eh? Kaya pinagbutihan ko nadin ng mabuti..

Lakad dito, lakad der..

Punas dito, punas der..

Sandok dito, sandok der..

Tapon dito, tapon der..

Hello yun ulit order ko ha? Ang sabi ni Tanner..

Last day ko nadin palang makikita itong si crush.. actually di ko na sya crush, ex-crush..

Sure, oyy last day ko nadin dito, salamat sa lahat ah? SAbi ko..

Parang farewell lang..

Uy teka talaga? Hindi kana ba makakadalaw dito?? Sabi nya..

Hindi na siguro sabi ko naman..

Ganun ba? May kontak kaba? Saan ka nakatira? O kahit ano? Ang sabi ni Tanner..

Tiningnan ko lang siya ng BAKIT MO TINATANONG LOOK..

Wala??? Sabi nya??

Umalis nalang ako at kinuha yung order nya..

Pagkabalik ko, may inabot sya sa akin na ballpen at papel..

Palagay naman ng address mo atsaka number please?? Sabi niya..

Anong trip neto?? =_=

Wala na akong nagawa kundi ilagay, ang kulit eh?

MAYMAY ANO NA NAMAN YAN, ANG DAMING CUSTOMER OHH?! ang sabi ni Monster..

Sige sabi ko kay crush..

Salamat ah? Sabi naman nya..

Welcome, tapos umalis na ako..

Nag asikaso naman ako ng ibang customer..

Pagkatapos ko sa karinderya..

Grabe parang nag farewell pa ata kami ni Monster.. mabait naman pala siya, niyakap nga niya ako.. at binigyan nya ako ng 500..

Ang laki nuh? Last na kase yun hahaha

Pagkatapos sa karinderya, pumunta ako sa Mini stop..

Bumili ako ng Cornetto Disk..

Hayss nagkakataon na ata kapag nadedepressed ako eto ang kinakain ko..

Pumunta ako ng playground.. i dont care kung pupunta sya o hindi..

[ EDWARD's P.O.V. ]

Halos kanina ko pa tinatawagan at tinetext si Marydale, Linteekk naman talaga!! Ang tanga ko lang kase dapat hindi ko na tinext si Kisses eh? =_= kase alam ko na naman na kung sino talaga ang gusto ko..

Alam ko na!!

*FLASHBACK*

Alam ko naman kung anong number ni Kisses, malaking stalker ata ito..

Mula nung gabing umuwi kami ni Marydale galing E.K. gulong gulo na talaga ako..

Pero sa week na lumipas, nalaman ko na kung sino ba talaga ang gusto ko, pero ang engot ko lang kase kinonfirm ko padin..

Alam ko na wala na talaga akong gusto kay Kisses AS IN WALA NA..

Yung kagabing text namin, yun na yung pinakahuling confirmation..

Nagtext ako..

Kisses, ni minsan ba hindi ka nagkagusto sa akin??

Send...

Wala na akong alinlangan, hindi na ako katulad ng dati na hanggang tingin nalang sa number nya..

Nagreply sya..

Hindi eh? Pasensya kana Edward, WALA talaga eh? Saka alam mo naman diba na may gusto na ako? At si Marco yun..

Pagkatext niya yan, napangiti ako ng sobra.. kase wala akong naramdamang sakit at kung ano paman.. siguro nga nawala na talaga yung feelings ko sa kaniya . At confirm na confirm na..

Si MARY DALE ang gusto ko ngayon..

= end of flashback =

Tapos kaninang Recess nakita ko si Marydale..

Bad timing, kase dapat ngayong hapon ko na sasabihin lahat, kaso naunahan nya ako.. =_=

Papunta na ako ng Playground ngayon..

Nakita ko na agad sya, nakaupo sa swing..

Lumapit ako ng konti, hindi nya ako napansin nasa likod nya ako banda eh.. may hawak na naman syang cornetto disk..

Oh you could just pretend, sabi niya sabay balik ulit ng top cover nung cornetto..

Yung ginagawa nya dati nung unang pagkikita namin at pag uusap..

Naalala ko na naman..

You and Me.. City on the Tree.. kanta niya..

Hindi ko na naman mapigilang tumawa..

MY CRAZY SADIST LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon