8

586 33 4
                                    

CHAPTER 8 ✨

[EDWARD's P.O.V.]

Jollibee 🐝🐝

Ui nakakahiya, libre mo na ata lahat edward..

Hahaha nahiya ka pa niyan? Nakarating kana dito lahat lahat at naubos mo na yung pagkain mo, sasabihin mo nahihiya ka pa.. hahahaha ang kulit ng lahi nito..

*sapak*

Nang aasar kaba? Buti nga eh sinabi ko pang nahihiya ako..

Aray ko naman Marydale, joke lang eh? Hahaha saan na tayo sunod? Tanong ko sa kaniya..

Teka nga wait, ano bang meron? Bakit mo ako nililibre? Di kayaaaaa......

Biglang bumilis tibok ng puso ko.. teka nga, bakit ba ako kinakabahan kung malaman niya na ako si Edward John na may gusto kay Kisses.. oo nga, ang gulo..

Birthday mo ba ha Edward??

Hahahaha hindi ah?

Asus tara uwi na tayo.. sabi niya..

Sure ka marydale? Talagang kain lang tayo ngayon?

Yup!!
Tapos sumakay na kami ng jeep pauwi..

May joke ulit ako..

Ano??

May isang magsasaka, sabi niya sa anak niya. Lalaki na talaga ang anak ko kasi magsasaka na! Anong balak mong itanim sa sakahan mo anak? Hahaha  natawa ako bigla kase naalala ko yung joke natoh..

Hala? Baliw kana Edward? Ano sabi nung anak?? HAHAHAHA pssss... baliw ka na talaga!

Hinde, natawa lang kase ako marydale..

[ MARY DALE's P.O.V. ]

Bumaba na kaming jeep habang naglalakad kami, ano ba kase yung sinabi ng anak? Tanong ko kay Edward, parang baliw kase, nagjojoke tapos tatawa..

Hmmm.. saglit lang ha? Gusto ko kase may feelings..

Tse...!!!

Sige na nga marydale tara dun tayo sa play ground..

Tapos ayun dumaaan muna kami sa playground kahit gabi na. Umupo ulit kami sa swing..

Oh dali na, ikwento mo na kasi.. nakakacurious eh?

Hmmm.. sabi ng anak...

Magtatanim po ako ng Flowers 💐🌸🌷🌹🌻🌺 Papsiii... Lots And Lots of Flowers po.. 😄

Hahahahaha sa sobrang tawa ko, pinagpapalo ko siya.. hahahaha baklang bakla yung pagkakasabi niya.. hahahaha makulit pala talaga itong si Edward..

Awwwttsss.. pagrereklamo niya.. hahahaha bakla ka!!! Sabay batok sa kaniya!! Hahahaha

Hoy ah?!! Hindi ako bakla!!

Wushuuu... bakit baklang bakla yung pagkakasabi mo?? Hahahaha tapos hinampas ko naman yung braso niya.. nakakatawa talaga di ako makamove on..

Aray! Aray! Kanina ka pa ah? Tapos tinusok niya yung tagiliran ko..

**BLAG**

nahulog ako sa swing.. anlakas kaya ng kiliti ko.. pero tawang tawa padin ako.. napahiga nalang ako buti nalang medyo madamo dito sa playground..

Hahahaha flowers papsiii..!! Lots & LOts of flowers... hahahaha

Hala baliw! Di ka titigil dyan?? Tapos kiniliti nya ulit ako..

Ano ba? Ayoko na!! Hahahaha

Ang cute mo pulang pula kana hahahaha tapos kiniliti nya padin ako..

Langya ka, hinuli ko yung dalawang kamay niya tapos...

Yaaaaahhh!!
Ni- wrestling ko siya kaya naman napahiga siya..

Baliw ka! Ako naman ang gaganti ngayon.. sabi ko tapos umupo ako sa tuhod niya para wala siyang kawala.

Aray..!!
Bleeeehhhh..!!
Tapos bigla ko siyang sinabunutan, hahaha ..

Hoy hoy hoy, murder na yang ginagawa mo saken marydale..

Hindi ko padin binitawan ang buhok niya, loko siya eh? Kaso...

Bigla niya akong kiniliti kaya naman napabitaw ako sa buhok niya.. tapos hinawakan niya yung dalawang kamay ko at tinulak niya ako..

O_____O

Hoy hoy kababata niyo pa, anong ginagawa nyo dyan sa damuhan?

Nagkatinginan lang kami ni Edward, nakaluhod siya tapos nasa gitna ako sa pagitan ng tuhod niya. Ay ang gulo, basta parang nakapatong siya sa akin na hindi, kase nga nakaluhod siya..

Ang awkward pala ng posisyon namin. Tinulak ko nalang siya ng malakas..

Awww...

Hahaha buti nga! Bleeehhh... sabi ko sabay tayo!

Ano ba ginagawa niyo? Alas otso palang ng gabi, saka kung may balak kayo wag naman dito. Sabi nung matandang tanod.

Po?? Masama na po ba ang may gawin dito?? Sabi ko.. tapos tumayo nadin si Edward.

Ano hija? Talagang may ginagawa kayo dito?? Sabi ng tanod..

Ayy ang engot naman tong tanod na eto eh? Malamang may ginagawa kami diba?? Nag uusap nga kami eh? Kaso umatake sa kakulitan itong si Edward..

MY CRAZY SADIST LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon