Part Four: Emotions

49 2 0
                                    

(A/N: depressed ako ngayon, pareho kami ni Beatrice, ahuhuhu)

Beatrice's POV

"Good morning!!" -ako.

"Good morning din, Bee!" sabay gulo sa buhok ko. 

"Bat ang aga mo yata Danny?" alas-otso palang kasi ng umaga, nandito na agad siya sa school.

Kaya naman ako maaga kasi fashion show na today, mamayang 4, kaya  kailangang maaga para maayos ko na lahat. 

"Wala, gusto ko lang sanang tumulong?" -Danny. "Teka, bakit parang namumugto yung mga mata mo? Bee, umiyak ka ba?"

"H-ha? Ah, hindi no!! *wagay-way ng kamay* Hindi lang ako nakatulog sa kaba." tsk, a lie.

After nung nangyari kahapon, hindi ko na mapigilang umiyak, hanggang sa nakatulog na ako.

"Alam mo namang alam kong nagsisinungaling ka, right?" 

"......." -ako

"Bee, ano bang nangyari? Sino ba nagpaiyak sayo? Tatanggalan ko ng ilong." 'Di ko maintindihan tong si Danny kung nagbibiro ba siya o worried lang.

"Wala, ano ka ba..." 

"Wag kang magscandalo dito, God Beatrice, grow up!!"  

"Wala..." 

"Wag kang magscandalo dito, God Beatrice, grow up!!"

Napaiyak na lang ako bigla. Naalala ko na naman yung mga nangyari kagabi.. 

Ang hirap tanggapin na sa isang normal na araw, nasira yung relasyon na meron kami. Nasira yung pinakamahalagang bagay sa buhay ko. Nasira yung tiwala ko sa taong pinakamamahal ko.

Mahal na mahal ko siya eh, kaso hindi talaga yata sapat yun para hindi ka saktan ng taong mahal mo..

Niyakap ako ni Danny, "Si Joseph ba may gawa nito sayo?" tanong niya. 

And with that napahagulgol na lang ako, buti na lang andyan si Danny, pano na lang ako kung wala siya?

"Yung gagong yun, binalaan ko na siya, pero heto ginago ka niya. Let me guess, may iba siyang babae?"

Tumango ako.

"Dito ka lang muna ha, may gagawin lang ako. Wag kang aalis dito ha? Hintayin mo ko." utos ni Daniel.

"S-sige.." 

Bumitaw na siya sa pag kakayakap niya sakin. At hinalikan ako sa noo..

Pinag-masdan ko siyang lumakad papalayo sakin..

 Kakayanin ko kaya kung pati siya mawala sakin??

---

Daniel's POV

"Wala, ano ka ba.." -Bee.

There is something bothering her, alam ko yun. Simula ng makita ko  siya kanina, ngiti palang alam ko na. 

"Wala..." 

Bigla na lang siyang napaiyak, sabi ko na eh. 

Niyakap ko siya, ayoko talagang makita siyang nasa gantong kalagayan. Pero kailangan niyang umiyak. 

"Si Joseph ba may gawa nito sayo?" tanong ko. Hindi siya sumagot pero mas lalo namang lumakas yung iyak niya.

"Yung gagong yun, binalaan ko na siya, pero heto ginago ka niya. Let me guess, may iba siyang babae?"

Tumango siya.

Sabi ko na eh. Langya siya, kung ano ang pag-aalaga ko, ganon naman ang pang-gago niya kay Bee. 

Humanda yang Joseph na yan, this time hindi ko na sya palalagpasin.

"Dito ka lang muna ha, may gagawin lang ako. Wag kang aalis dito ha? Hintayin mo ko." sabi ko.

"S-sige.."

Bumitaw ako, at hinalikan siya sa noo.

**

Pumunta ako sa court, dahil alam kong nandun si g*go. Naglalaro ng basketball.

At di nga ako nagkamali.

Lumapit ako sa kanya, at bumayo ng suntok. Tumba siya eh.

"Walang hiya kang hayop ka! Kung hindi mo kayang pahalagahan si Beatrice, kukunin ko na lang siya sayo!" -ako

Tumayo siya, "Hahaha, ako pa nga ang hayop? Nahihiya naman ako, ang bait bait mo kasi!" 

"Wag mo akong sisihin sa mga nangyari sayo dati! Hindi ko kasalanang mahalin ako ng taong mahal mo!" -ako

Babayuhin na din sana niya ako ng suntok, buti napigilan ko.

"Get a grip Joseph! Wag mong ibunton kay Beatrice ang galit mo sakin, wala siyang ibang ginawa kung hindi mahalin ka! Pero hindi ka man lang tumitingin sa kanya, nakatingin ka pa rin sa nakaraan. Tandaan mo 'to, hindi ka sasaya kung lagi kang magiging gag*"

Sinuntok ko ulit siya, at walang lingon-lingong umalis.

Ano ba kasing nagustuhan ni Beatrice dun sa lalaking yun? Wala naman kamahal mahal sa taong yun..

Nandito naman ako, handang mahalin siya ng buong puso..

**

Beatrice's POV

"Bee, ice cream oh." 

Napaangat ang ulo ko at nakita si Danny, may hawak na dalawang ice cream.

"Ginagawa mo naman akong baby eh." natatawang sabi ko, pero kinuha ko pa rin yung ice cream. 

"Baby naman kita uh.." sabi niya.

Nanlaki yung mga mata ko, 

baby daw niya ko? 

"Syempre, baby sister! Hehehe.." 

"Ang weird mo Danny ha. Pero salamat sa ice cream!" nakangiti kong sabi.

Ngumiti si Danny, ang pogi talaga nitong best friend ko. Kaya nga crush ko 'to eh.

 --------

hahah, crush pala eh.

GOOD EVENING everyone!! Ayan, nakapag-update rin.

Infairness nawala yung lungkot ko habang ginagawa ito. hahaha :D

Si Joseph yung nasa gilid :D

I Love the Way You LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon