Part One: Love is Blind

97 3 0
                                    

Calling Joseph <3 ...

"oh?" ayan na naman yang tono niyang parang 'i don't care'. hayss..

"Hi babe, kamusta?" masigla kong bati.

"Ayos lang." 

"Ah, eh ku-" di niya ako pinatapos ( _ _ )'

"Beatrice, I have to go. Busy ako eh. Bye." 

*tooot-tooot*

Bad mood na naman yata siya. Oh kaya, busy lang talaga?

================/////=================

Ako si Angela Beatrice L. Salvador. Sixteen years old. Nagbi-birthday tuwing March 11. A fourth year high school student. I live in a house. I eat human food. I have a nose, a mouth-

hahahahaha. Teka, pang siraulo na 'tong aking mga sinasabi. Eh, kasi ang boring naman kung masyadong formal. As I've said ako nga si Beatrice Salvador, isa akong jolly person. Hindi ako madaling malulungkot or mainis, but if I did, nako matakot ka na! haha, de joke lang. I love eating, singing, dancing, playing volleyball, and Kent Joseph S. Rodriguez ( ^____^ )

=================/////=================

Ang boring naman ngayong araw.. Saturday kasi ngayon, that means no classes. Pero kung tutuusin mas gusto ko sa school. Kasi andun si Joseph eh ( ^___^ )

Punta kaya akong mall? Tama! para naman may magawa. Busy pa rin daw kasi si Joseph eh..

Naligo na ako at nagbihis. Naka-shorts at polo shirt lang ako. Okay na 'to di naman kasi ako maarte pagdating sa damit. Basta may damit. haha

"Ma, punta akong mall. May papabili ka?" tanong ko kay mama bago umalis. Galing ko mag-paalam ano? haha.

"Wala naman. Kailangan mo ba ng pera?" -mama. The best talaga 'tong si mama. 

"aha, kahit 1k lang ma." -ako.

Inabot ni mama yung pera.

"Oh, ingat ka ha." tapos umalis na 'ko.

(sa mall)

Daming tao ah. Sale yata ngayon? Mwahahahaa..

Makakapag-shopping ako! Marami naman akong dalang pera. Di lang 1k no, haha. ( ^____^ )

Pumasok ako sa department store at pumili na ng magagandang damit at takbo papasok ng fitting room.

Yun oh! Galing ko talaga pumili! Lahat bagay. 

*Louder, louder, louder, I'm starring out, out-*

Oh my tumatawag sa aking celpunin. hahahaha.

Calling.. Daniel..

"Hey? Danny, how are you?" of course masigla ang aking bati.

"Oh, hey Bee. I'm fine. Ikaw?" aba, pinapantayan niya ang aking enerzzy.

"Oks lang din. Ba't napatawag ka?" - ako

"Nasan ka?" tanong niya.

"Nandito sa mall! Nagshashopping! hahaha, bakit?"

"Puntahan kita dyan uh. hintayin mo ko. nasan ka nga pala sa mall?" daldal nito. hahaha.

"Nasa dep. store po."

"Ah, sige. See ya."

Call ended..

Nako, si Danny talaga. Mahal na mahal ako..

Bilang isang FRIEND :D

Kala niyo kung ano na no? Hahaha. Remind ko lang, may boyfie na ako. hehe ( 0///0 )

Anyways! Mabayaran na nga itong aking mga napili.. Ay, ang haba ng pila. No choice, kailangang pumila. 

Grabe, 10 minutes na 'ko dito pero ang layo ko pa rin. ahuhu ( T~T )

"Of course, dear." -yung babae ko sa harap. Ba yun, landi naman ng boses niya. 

"Haha! You're so naughty!" aba kinilig pa!

"Oh, sure. See you in awhile. Yeah, bye Joseph. Mwah!" 

Joseph?? Joseph daw ba?? Kausap niya si Joseph ko?! 

Ay, hindi yan. Marami namang Joseph sa mundo eh.

Oo, tama. Hindi siya yun..

***

Daniel's POV

Nasan na kaya yung si Bea??

Ang hirap maghagilap! Dami kasing tao eh.

==================/////==================

Ako si Run Daniel B. Aguilar. Ayoko ng tinatawag ako sa first name ko. Ang pangit kasi eh, hahaha. Pero mabait ako no, di lang halata. Ang pogi ko kasi eh. hahahahaa, loko lang.

Mahilig ako sa team sports.Like, basketball and volleyball. Well actually nahawa lang ako kay Beatrice sa pagvavolleyball eh. Mahilig din akong tumugtog ng gitara. Kaso hindi sa pagsayaw. Hahaha.

==================/////===================

( _") Look to the right.

("_ ) and to the left.

Nasan na ba yun??

"I don't care b*tch!! How dare you sneeze in my face?!!!" -may sumigaw.

"Sorry! Sorry talaga! Ito oh panyo, pupunasan na lang kita!" teka?? Boses yun ni Bee uh??

Pumunta agad ako dun sa lugar kung saan nang galing yung boses ni Bee.

(A/N: Bee is Beatrice. Tawag lang ni Daniel yun kay Bea ^___^)

"DON'T TOUCH ME!!!" 

Biglang tumalsik si Bee, at napahiga sa sahig. "Beatrice!" napasigaw ako.

Tumakbo ako kung papunta sa kanya. Langyang babae yun, makatulak sagad eh.

"Bea?! Okay ka lang?" Kinakabahang tanong ko. 

Kita ko na gulat na gulat siya sa nangyari.

"ah, oo.." Mahina niyang sabi.

Tinayo ko siya at humarap dun sa tumulak sa kanya. Di porket babae siya palalagpasin ko na yung ginawa niya. 

"Excuse me miss. Hindi sa pagiging pakielamero pero.. Ang arte mo! Kung maka-asta ka kala mo ang ganda, ganda mo! Tsk. Next time, ilugar mo sarili mo ha! Parang ma-achingan lang eh, kala mo naman natalsikan ka ng tae!" -ako 

"What?! How dare you!" tapos namula siya ng todo. Hahahaha. Pikon na pikon na yan. "Argh! Morons!!" hahaa. Sabay nag walk-out. May nabangga pa nga siya eh, dami palang nanuod samin. haha.

"Pfffft!!! hahahahahahahaha!!" Biglang tumawa si Bea. "What a shame!! Hahahaha." 

Napa-smile ako. Atleast okay lang siya. Siguro kung ibang babae yung nandun kanina sa kalagayan niya sobrang mahihiya yun, pero si Bea, iba talaga siya. Nakuha pang tumawa eh. 

"Tara na." Yaya ko. At kinuha yung mga dala ni niya. 

Tamo 'to, ang dami na agad nashopping.

"Danny, thanks uh." tapos ngumiti siya, ang ever so bright smile niya.

"No prob Bee, basta ikaw. Tara kain na tayo." sabi ko.

End of Part One.

======================================

 bakit malungkot ang batang kambing?????

 kasi..

May balbas nanay niya!!!! XD

 ======================================

Yehey!!! Tapos na ang part 1!! 

Please guys wag niyo munang husgahan ito kasi start pa lang naman.. Pero thanks for reading. 

VOTE.LIKE.COMMENT.

 .KIA.

 ayun nga pala sa gilid si Daniel :)

I Love the Way You LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon