Chapter 1: Meeting him

13 0 0
                                    

Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko ngayon. Haysss

"Cindy, okay ka lang?" Tanong ni Gail.

"Yeah"

"Good. Im so happy for you eto na yun oh ikakasal ka na finally"

"Ang tagal ko tong hinintay. Akala ko hindi na darating tong araw na to"

Halos maluha ako..

"Misha! Bakit naman ikaw ang umiiyak jan?" Tanong ni Gail sakin

"Wala masaya lang ako para kay Cindy"

Hindi ko alam. Ako na lang ang hindi kinakasal sa amin. Si Gail kasal na, si Cindy ikakasal na din. Hindi naman sa nagmamadali ako dahil bata pa naman ako pero bakit ganun single ako simula ng pinanganak! 26 na ako!

"Ano kaba Misha! Darating din yun" alam agad ni Gail ang nasa isip ko.

Kailan kaya siya darating. Nakakalungkot isipin pero ni kahit manliligaw wala! Waaaaa!!

Hindi naman ako panget. Hahaha. Oo maganda ako. O sakin na nanggaling.

Kinaumagahan
Andito kami sa coffee shop. Day Off kasi namin ng mga Bff ko.

"So kamusta naman ang honey moon niyo ni Albert, Cindy?" Matawa tawang tanong ni Gail sakanya. Habang ako naman hinahalo halo ko yung kape ko.

"Kailangan ko paba sagutin yan!?" Natatawang sagot ni Cindy. Halos wala ako sa mood makipagusap.

"Misha are you fine?" Gail

"Yeah. Masama lang pakiramdam ko" walang ganang sagot ko. Napagod ako sa mga paper works na tinapos ko sa opisina kahapon. Haysss

"Hay nako. Wag ka ngang ganyan! Kilala kita, ayan o punong puno ng insecurities yang mata mo! Ikaw talaga ayusin mo kasi yang pananamit mo at style mo. Mukha ka ng manang"

oo na aaminin ko mejo naiinsecure din ako. Hello? Dati okay lang na wala akong boyfriend kasi ineenjoy ko pa ang pagiging single ko pero mararamdaman mo talaga pag tumatanda kana na gusto mo na din magsettle down at magkaanak. Ayoko tumandang dalaga no.

"Hoy nakikinig ka ba te? Hay nako misha! Wag ka nga sumimangot jan sige ka tatanda ka lalo"

Grabe talaga to si Gail. Etchosera na nga ang dami dami pa nasasabi. Mapanlait talaga to. Sabagay may point siya. Kung wala ako sa uniporme ko bilang Controller ng isang company maluluwag ang damit na sinusuot ko naka eye glasses din ako at hindi ako mahilig sa make up. Napipilitan nga lang akong maglagay ng liptint sa pag nasa work dahil haharap ako sa mga client at iba ko pang katrabaho. Gaya ngayon nakawhite tshirt lang ako at pants. Hindi ko hilig magdress at kung ano pa jan.

"Oo na ikaw na maganda" sagot ko at inirapan siya

"Asus! Yan nanaman siya. Hayaan mo papakilala kita sa pinsan ko" sagot naman ni Cindy.

Meron namang mga nanliligaw sa akin NOON.. pero simula ng grumaduate ako ng college ayun hindi na muli pang nasundan yung mga nanligaw sakin.

"Tara na nga." Aya ko sakanila

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Gail

"Mall?"

"Ay nako. 3pm na pala kailangan ko na umalis. Magagalit nanaman kasi ang asawa ko pagka hindi ako nauwi ng maaga. Hahaha" sabi ni Gail

"Okay"

"Misha ako rin. May family dinner pa kasi kami nila Albert" sabi ni Cindy

"Ah sige okay lang. Hapon na din naman. Uuwi nalang ako ng sa condo." Sagot ko at umalis na kami sa coffee shop.

Loving YouWhere stories live. Discover now