Misha's POV
Nakauwi agad ako sa condo. Muntik na akong makatulog sa biyahe hindi ko alam parang ang bigat bigat ng katawan ko. Binagsak ko ang katawan ko sa kama ng bigla bumukas ang pinto ng banyo
"Where have you been?" Tanong ni Abe na habang nagpupunas ng basa niyang buhok. Hindi ko to pinansin dahil inaantok na talaga ako.
"Hey I am asking you Misha"
Antok na talaga ako e. Wala ako sa mood magsalita
Naramdaman ko ang pagdampi ng labi ni Abe sa noo ko bago ako makatulog ng tuluyan.
~
Napabangon ako agad ng maaninag kong madilim na.
"Omy!!!!" Sigaw ko
"What the heck?!" Gulat na gulat si Abe
"Nakatulog ako. Huhuhuhuhu. Bakit hindi mo ako ginising!!" Sabi ko kay Abe
11pm na. Hindi pa pala ako nakapalit. Bastos din tong si Abe e. Hindi man lang ako ginising para magdinner!
"Hindi mo man lang ako ginising para kumain!?"
"I did" sabi ni Abe
Flashback
"Love wake up dinner is ready"
"Wag ka ngang maingay!!"
"Gising kana Love"
"Shut up Abe!!! Papatayin talaga kita!!"
End
Kwento niya. Ang himbing ng tulog ko huhu di ko maalala
"You get mad at me nung ginising kita you even yelled at me. As always" sabi niya sabay pikit uli ng mata niya. Nagtatampo ba siya?
Hindi nalang ako nagsalita at pumasok na ako ng banyo para makapagpalit.
After ko magpalit nakita ko si Abe na mahimbing na natutulog. Nagugutom na ako. *yawn
Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko. Gusto ko ng Mcfries.
"Where are you going?" Nagulat ako ng biglang magsalita si Abe
"Mcdo" sagot ko
"Mcdo?!! Misha.. its already 12mn!"
"Gusto ko magMcdo!" Sigaw ko
"Tsss. Papadeliver nalang tayo"sabi niya at tumayo siya sa pagkakahiga
"Ayoko! Gusto ko sa mcdo mismo! Ako ang bibili!"
"What is wrong with you woman?"
Sinamaan ko siya ng tingin
"Fine. Ill accompany you."
"Ayoko!"
"Wag na matigas ang ulo Love" kinuha niya ang susi sa kamay ko at lumabas na kami ng condo nakapajama pa siya at white shirt lang.
Nang makarating kami sa Mcdo agad akong bumili ng maraming fries hehe ang saya naman at 3 sundae.
Napansin kong todo ngiti tong ateng sa cashier kay Abe. Bakit ba siya ngumingiti nakakainis!"What are you smiling at?" Taray kong tanong
"Wala po maam" sagot naman niya
"Im sorry for my wife, wala lang sa mood yan"
"Okay lang po sir"
Tinakeout nalang namin yun dahil biglang nagbago ang isip ko ayoko makita ang mukha ng babaeng yun. Pacute ng pacute nakakainis. Sa condo ko nalang kakainin yung binili ni Abe.
YOU ARE READING
Loving You
RandomLove hurts but are you willing to endure all the pain just to be with the one