Hindi ito showcase of talents na kung saan may kakanta, tutula, gigiling, magta-tumbling o 'di kaya’y mag-e-exhibition. Wala lang talaga kaming maisip na matinong title para sa main agenda na ito kaya oks na 'yan!
Hindi na kami magpapatumpik-tumpik pa. Kung contestant ka, required kang basahin 'to. Kung hindi naman at napadaan ka lang, basahin mo pa rin dahil “you’ll miss half of your life” 'pag pinalampas mo 'to. Ikaw rin! Sige ka! Seryoso kami dito. Hindi kami marunong mag-joke. Ano ba'yun? Haha!
So, 'eto na! Oy, oy, oy, oy! 'Wag atat! Excited ka naman masyado. Stay put ka lang diyan! So, 'eto na nga. Dito n’yo malalaman kung anong role ng Team Lumot sa susunod na round. Kung seryoso ba silang ituloy ang contest o 'wag na lang? Pero siyempre, itutuloy 'yan! Pinakakaba ko lang kayo. Kalma lang!
Para sa unang bola… KICKMASTER!
Ang taray ng tawag, ‘no? Tipong maninipa lang! Yah! Tigigidig, tigidig, yah! Haha! Si Kickmaster po ang magsisilbing game master ng contest na ito. Bakit Kickmaster ang tawag? Maiba naman! Siya ang magsasabi sa mga contestant na mapipili para sa susunod na round kung ano ang kanilang gagawin. Siya rin ang pinakamakapangyarihan sa contest na ito para panindigan ang title ng contest na ito na ‘RUMBLE.’ Ibig sabihin, magra-rumble-rumble tayo sa contest na ito hanggang sa magkalumut-lumot na tayo 'til the end! Bwahahaha! Basta siya ang salarin ng lahat.
Pero sino nga ba ang KICKMASTER natin? Well… 'Wag ulit kayong atat! Malalaman n’yo sa next page. Oy! May kasunod pa 'to. 'Wag kayong magmadali sa next page. Hinay-hinay lang. Namnamin n’yo muna ang susunod na bola.
Para naman sa huling bola… (Oo, huli na ‘to! Nagmamadali nga kasi kami.) THE SIDEKICKS!
O, 'di ba? Ang astig lang! Mayroon po tayong 5 SIDEKICKS! LIMA! FIVE! SINCO! Malinaw ba? Kung malabo, mangyaring magpatingin sa optalmologist. Ano namang silbi ng mga sidekicks na 'yan? Ano ba sa tingin n’yo ang ibig sabihin ng sidekick? Taga-sipa ba sa iba’t ibang sides? Oy! Magtigil! 'Wag ka ngang literal. Actually, nagkaroon ako ng short interview kay Microsoft Encarta. Hindi ko rin kasi alam ang sidekick. Ssh! 'Wag kang tatawa! Tatalsik ka sa’kin. Sabi niya, a sidekick is an associate or companion who is sometimes considered subordinate. Tapos hindi pa siya nagpaawat, ah! Binigyan niya pa 'ko ng synonym. Anong akala naman niya sa’kin? Definition lang naman hinihingi ko. So sabi niya pa, ito raw ang kaakibat ni sidekick - assistant, helper, associate, partner, colleague, subordinate. Naintindihan n’yo ba? Intindihin n’yo 'yan! Nahirapan akong hagilapin ang schedule niya, ma-interview lang siya. Umayos kayo!
So 'eto na nga, konting seryoso nga muna. Ang limang sidesick na ito ang magsisilbing kasangga sa labang kakaharapin ng mga contestant na makakalusot sa Round 1. Sila ang #1 tagapayo, #1 tagalait, #1 taga-laugh trip at #1 taga-suggest kung paano magiging patok sa masa ang mga gawa ninyo base sa makalumot nilang pag-iisip. 'Wag nang magreklamo kung bakit palaging #1. Gusto nila ng tuwid na tuwid. Ayaw nila ng baliko!
Kung isa ka sa mapalad na napili para sa susunod na round, pipili ka ng isa sa limang sidekick na gusto mong maging sidekick mo. ISA LANG DAPAT! Bawal ang selfish! Uulitin ko. ISA LANG! Isa pang ulit! ISA LANG! Oks na? Ikaw dapat ang pipili, hindi sila, hindi ang readers mo at lalong hindi si Pres. Aquino. Sosyal mo naman kung gano’n! Required kang magkaroon ng sidekick. 'Di pwedeng hindi! After all, this is one of your privileges. So, grab it now! For free!
FAQs (Kahit wala pang nagtatanong, pinangunahan ko na.)
1. Kailan po pipili ang mga contestant na nakalusot sa Round 1?
- 'Pagka-announce ng mga pasok sa susunod na round, pipili na agad-agad!
2. Bakit po agad-agad ang pagpili?
- Ang pag-ibig ay may quota. Sa bawat limang umiibig, iisa lang ang nagiging maligaya. Ang ibig ko lang sabihin, may quota po kung ilan ang pwedeng makasama ng isang sidekick.
3. Ilan po ang quota?
- Wala pa. Depende sa makakapasok.
4. Ilan po ba ang makakapasok?
- Depende kung mami-meet nila ang average na kailangan.
5. Ano po bang average ang kailangan para makapasok?
- Ay, naku! Balikan mo ang mechanics at 'wag mo kong tinatanong nang paulit-ulit. Nandoon 'yun sa mechanics!
6. 'Di ba sabi mo po pipili agad-agad 'pag nakapasok nga sa next round? Paano nga 'yung quota? Paano namin malalaman? Ang gulo mo!
- Oo. Pipili nga agad-agad! Sasabihin din namin agad-agad ang quota 'pag in-announce kung sinu-sino na ang mga nakapasok. Siyempre, doon na papasok 'yung moment n’yo na pipili kayo ng gusto ninyong sidekick. Gets mo na? Ang kulit mo!
7. Opo. Gets ko na! 'Di kaya ako makulit, nililinaw ko lang. 'Eto pa, hindi ko naman kilala ang mga sidekick na 'yan. How can I assure myself na matutulungan nila ako?
- Kilalanin mo sila.
8. But how?
- Ganito 'yan… 'Di ba sa next page, ipapakilala si KICKMASTER? Sa susunod na page naman, ipapakilala ang 5 SIDEKICKS. And that is the answer to your question!
9. Ah! Na-e-excite ako! Hihi! Mababait kaya sila? Serious type kaya ang mga 'yun? Ano sa tingin mo?
- 'Di pag sinabi ko sa’yo, hindi mo na babasahin ang next page? -_-
10. Uy, hindi, ah! Grabe ka naman! 'Eto, last na tanong ko na. Anong masasabi mo sa contest na ito?
- Buti naman naisipan mong last na 'to! Well, to answer your query. In this contest, we don’t want you to suffer. We just want to you to fight for this battle with your own armor. It is not who will win or lose but it is how you learn the process of fighting. So guys, choose the best armor that you can have! God bless!
PS. Oks ba? Kung hindi naintindihan, basahin lamang ng paulit-ulit hanggang sa ma-memorize mo na. Salamat!
PQ. (Pahabol Question) Paano kapag 'yung gusto kong sidekick eh naka-quota na? Saan ako pupunta?
- Nak ng! Nakapagpahabol pa nga ng tanong! Kung naka-quota na siya, eh 'di puntahan mo 'yung apat pang sidekicks. Pumili ka ng isang bet mo sa kanila para maging sidekick mo.'Yun lang 'yon!
SPQ. (Super Pahabol Question) Pa'no ko po icocontact 'yung napili kong sidekick ... ippm ko ba? itetext? tatawagan? o kakatukin sa bahay nila? SAGUTIN NYO ITO DALI!!!!!!!!!!!!!!!!
-Try mong harangin sa may kanto! Bahala ka na, kung friendly ka at friends kayo sa FB madali na 'yan. Kung Super Friendly ka at may number ka niya, mas madali na 'yan. Kung mayaman ka naman at may address ka niya, o alam na!
Pero seryosong sagot, depende 'yan sa sidekick na natipuhan mo.