1. Paki-expalin kung bakit ang ganda/gwapo mo sa paningin ng iba.
- Hindi ko talaga alam. Basta ang natatandaan ko lang, sila ang nagproklama sa’kin na gwapo ako. Siyempre, being humble as I am, dine-deny ko noong una. Pero ayaw talaga nilang pumayag na hindi ako gwapo kaya hinayaan ko na lang sa paglipas ng mga araw.
2. Paano ka nakaka-cope up sa ganitong sitwasyon? Hindi ka ba nahihirapan?
- Hirap na hirap talaga ako noong una! Hindi ako sanay na tinatawag nila akong gwapo. Pogi, oo pa! I’m used to it. Pero ang gwapo? Nanibago talaga ako. Then later on, unti-unti na rin akong nasasanay.
3. Ikaw ba ay certified Team Lumot? Patunayan!
- Oo. Kelangan ba talagang patunayan 'to? Sa anong aspeto ba ang gusto mo? Sa pagtayo, sa pagdapa, sa paghiga o sa pagbangon ba? Sabihin mo lang! Hahaha!
4. Sa Team Lumot, sino ang hindi mo mapantayan ang kalumutan ng utak? Pakibigyang linaw.
- Lahat sila! Wholesome kaya ako. Ito ang tunay na pagkakasunud-sunod ng ranking together with their percentage.
Top 1 – IntoxicatingMadness (99%)
Top 2 – Assirc (98%)
Top 3 – Justmainey (97%)
Top 4 – defininghappiness (96%)
Top 5 – cylevine (95%)
Top 6 – louieadrielle (69.69%)
See? Ang baba ng percentage ko!
5. Kailan ka magseseryoso? Idetalye!
- 'Pag promoted na 'ko sa posisyong gusto ko. Anong posisyon? Basta 'yung masa-satisfy ang pangangailangan ko. Hahaha!
6. Seryoso ka na ba o hindi? Kung seryoso ka, anong gagawin mo bilang sidekick? Kung hindi ka pa seryoso, kailangan mo pa ring sagutin ang tanong. 'Wag ka nang lumusot! Walang butas.
- Bakit walang butas? Dapat meron! O sige na nga. 'Pag ako ang sidekick mo, ang wala ay magkakaroon at ang meron ay mawawalan, ang bawal ay magiging dapat at ang dapat ay magiging bawal, ang magulo ay magiging maayos at ang maayos ay magiging magulo, at higit sa lahat, ang pagsusulat ay magiging realidad ng buhay at ang realidad ng buhay ay magiging pagsusulat. Gets mo ba 'to? Ano? Hindi? *facepalm* Intindihin mo! Bangag ako nang tinayp ko 'yan.
7. Bakit ikaw ang dapat nilang maging sidekick? Ipaliwanag sa pamamagitan ng hindi seryosong sagot.
- Simple! Dahil ako ang magpapaligaya sa kanila. Hahaha!
8. Sino ba talaga ang ka-labteam mo sa Team Lumot? Paki-explain.
- This is really the toughest question I’ve encountered here. Marami talagang nail-link sa’kin dito pwera lang si Ate CY. Baka magalit si Hersheys ko 'pag 'di siya ang sinabi ko. Sorry, girls! But my heart and soul belongs to Justmainey.
9. Maaari ba kayong magbigay ng tips kung paano mag-backread ng mabilisan at walang mintis?
- Online-online din lang 'pag may time.
10. Sa 1-9 na tanong dito, anong pinakapaborito mo. Pakiexplain para makumpleto ang quotang 10 sa tanong.
- 'Yung #4! No sweat.