Sidekick #1

249 12 4
                                    

1. Paki-explain kung bakit ang ganda/gwapo mo sa paningin ng iba.

Aba! Eh bakit ako ang mag-eexplain eh paningin naman nila iyon. Basta sigurado akong maganda ako!!!!

2. Paano ka nakaka-cope sa ganitong sitwasyon? Hindi ka ba nahihirapan?

Sa anong sitwasyon? Sinong nahihirapan? I’m invincible! Walang mahirap sa akin!

3. Ikaw ba ay certified Team Lumot? Patunayan!

Weh? Ako kaya ang nagpangalan sa grupo ng lumot! Sigurado akong kapag pinatunayan ko sa iyo eh matutulala ka nalang forevah!

4. Sa Team Lumot, sino ang hindi mo mapantayan ang kalumutan ng utak? Pakibigyang linaw.

Aminado akong hindi ako ang master ‘pag dating sa kalumutan. Pumapangalawa lamang ako kay Luluboy. Bibilhan kita ng eyeglasses at contact lenses para mas malinaw.

5. Kailan ka magseseryoso? Idetalye!

Ngayon na! Kelan ba ako naging hindi seryoso? Idetalye mo nga? Kelan? ha? Kelan?

6. Seryoso ka na ba o hindi? Kung seryoso ka, anong gagawin mo bilang sidekick? Kung hindi ka pa seryoso, kailangan mo pa ring sagutin ang tanong. 'Wag ka nang lumusot! Walang butas.

Anong walang butas? Ang dami kayang butas? Hindi mo ba nakikita ang mga butas? Seryoso ako!

7. Bakit ikaw ang dapat nilang maging sidekick? Ipaliwanag sa pamamagitan ng hindi seryosong sagot.

Hindi man ako ang nangunguna ‘pag dating sa kalumutan, alam kong lamang na lamang ako sa ibang sidekicks. Kung ano ang lamang ko sa kanila --- malalaman mo lang kung ako ang pipiliin mong sidekick! Marami akong alam na kalumutan na pupwede kong ibahagi sa inyo sa napakamurang halaga. But wait! There’s more!!! For an additional 99cents … you could also get a free demo … kung ano ang idedemo ko, eh saka mo na iyon malalaman … choose me and you’ll learn everything …

8. Sino ba talaga ang ka-labteam mo sa Team Lumot? Paki-explain.

Si Luluboy dapat pero selfish ako … ayoko ng may kahati … kaya … ang sarili ko talaga ang kalabteam ko!

 9. Maaari ba kayong magbigay ng tips kung paano mag-backread ng mabilisan at walang mintis?

Ay! Expertise ko ‘yan! Hindi lingid sa madla na ako ang reyna ng backread!  Gan’to kasi ‘yan …

Una – mag message ka ng pagkalaki-laking mga letrang  S T O P

Pangalawa – i-cross mo ang fingers mo na sundin nila ang utos mo na hindi sila nagtutuloy na magmessage habang nagbabackread ka.

Pangatlo – kung hindi tumalab ang S T O P … subukan mo naman ang F R E E Z E. Then repeat the process.

Kung hindi pa rin … subukan mo ang mga salitang ito – HALT, CEASE, HOLD, PAUSE, at STANDSTILL.

Kung wala pa rin d’yan ang tumalab … eh wala na … sumuko ka na sa pagbabackread!

10. Sa 1-9 na tanong dito, anong pinakapaborito mo. Pakiexplain para makumpleto ang quotang 10 sa tanong.

S’yempre #9! Obvious bang para sa akin talaga ang tanong na ‘yan?

Royal Rumble Special NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon