1. Paki-explain kung bakit ang ganda/gwapo mo sa paningin ng iba.
- EXPLAIN?! ‘Di ba pwedeng makuntento na lang sila sa pagtingin at ‘wag na nilang ipa-explain? Mahirap bang intindihin na pinanganak akong maganda, nabubuhay na maganda at mamamatay na Diyosa? LOL. XD (‘Di naman bawal ang emoticon dito, ano po?)
2. Paano ka nakaka-cope sa ganitong sitwasyon? Hindi ka ba nahihirapan?
- Ikaw ba naman mula pagkabata ay pinagkakaguluhan na ng Madla ay ‘di ka pa masasanay. Sanayan lang ‘yan. Medyo lang naman, minsan kasi kailangan maging humble para naman hindi lang ang Diyosa kong mukha ang nakikita nila, pati na rin ‘yung mala-Diyosa kong ugali.
3. Ikaw ba ay certified Team Lumot? Patunayan!
- Naku! Ang dali naman niyan. Sabihin ko lang dito ang salitang “SARILING SIKAP”, “MAHABA”, “MALAKI” at “MASARAP” ay napatunayan ko na ang karapatan ko sa grupong ito. WAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.
4. Sa Team Lumot, sino ang hindi mo mapantayan ang kalumutan ng utak? Pakibigyang linaw.
- Walang pagdadalawang isip! Si Louie a.k.a LULUBOY, BS Kalumutan po kaya ang kinuhang kurso niyan, nagmasteral pa! Si Ate Cy ang susunod, tapos si Kim, then Maine at ang huli ay si Athena. Ako? Naman! Inosente ako... Itanong mo pa sa kanila... (Pero kung ako sa ‘yo, ‘wag na lang. Ako lang honest sa kanila eh... Alam na)
5. Kailan ka magseseryoso? Idetalye!
- Kapag tumigil ka sa kakatanong! Ka-imbyerna ka, ang dami mong tanong, tapos hindi ka pa pala naniniwalang seryoso ako. Ikaw, kailan mo ko seseryosohin? PAKI-EXPLAIN, LAB YU!
6. Seryoso ka na ba o hindi? Kung seryoso ka, anong gagawin mo bilang sidekick? Kung hindi ka pa seryoso, kailangan mo pa ring sagutin ang tanong. 'Wag ka nang lumusot! Walang butas.
-Butas? Ang dami kayang butas, halos lahat ng Team Lumot may butas, ‘yun nga lang ikaw ang maghahanap. Clue. Nakatago. LOL. Teka, sidekick, gagawin kong literal. Sisipain kita kung saan ka nararapat. Kung anong pedestral dapat mo tungtungan, kung saan ka dapat tumayo at manindigan. (Kunyari maalam daw ako.) Kaya expect na hindi magiging masarap ang lahat. Magiging masakit lalo na kung FIRST TIME mo. Marami kasing nagsasabing masakit talaga ‘yun sa una kaya aaraw-arawin natin at nang masanay ka. (Wala na kong sense kausap.) #TeamLumotFTW
7. Bakit ikaw ang dapat nilang maging sidekick? Ipaliwanag sa pamamagitan ng hindi seryosong sagot.
-Haayss! Malay ko sa kanila. Sinasabi ko na, wala kayong kinabukasan sa tulad ko. Ang tanging makukuha niyo lang ay kaligayahan tuwing gabi o ‘di kaya pwede rin sa umaga basta free ka. Kung ano ‘yun? ABANGAN! CLUE: MASAYA! MAINIT! MA--- malalaman niyo din ‘yun... LOL
8. Sino ba talaga ang ka-labteam mo sa Team Lumot? Paki-explain.
-Teka, kakailanganin mo ng Calculator para malaman mo. Medyo may formula kasi ito para makasiguro ako. Ayon kasi sa pagkaka-alam ko.
If x= <3
(x + Luluboy) / (Maine+ x) * [(Kimmy + Athena) – (Luluboy + Me) * (Ate Cy + x)] = Loveteam
Oh, gets niyo ba? Sagutin niyo at malay niyo malaman natin kung sino nga ba ang Loveteam sa grupong ito. Pagkasagot niyo, paki-txt ako ah. ASAP!
9. Maaari ba kayong magbigay ng tips kung paano mag-backread ng mabilisan at walang mintis?
- Madali lang ‘yan. ‘WAG KANG UMABSENT KAPAG NANDIYAN NA SILANG LAHAT! LAGOT KA KUNG NAGKATAON.
10. Sa 1-9 na tanong dito, anong pinakapaborito mo. Pakiexplain para makumpleto ang quotang 10 sa tanong.
-WALA! Sino ba naman kasi ang gumawa sa mga tanong na ‘to? Hanapin niyo at susunugin ko sa Luneta na hubad-baro! Tignan ko lang kung ‘di magtanda. WAHAHAHAHAHAHA