Entry 8

5 0 0
                                    

Eada's P.O.V.

Nagising ako ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko, at mumunting ingay sa paligid ko. Nakita ko ang pag alala sa mga mata nila ng makita nilang nag tutuluan ang mga luha ko. Nanaginip ako. Napanaginipan ko nanaman.

Agad na hinawakan ni Allen ang mag kabila kong balikat at tinanong kung ayos lang ako.

"Anong nagyari? Bakit ka umiiyak? Bakit ka sumisigaw? Nanaginip ka ba?" Agad kong tinanggal ang kamay niya sa magkabila kong balikat buti nalang nalaman kong absent ang teacher namin. Agad akong tumakbo palabas ng room para makauwi.

Bagsak ang katawan ko ng maka dating ako sa condo ko. Sobrang bigat ng katawan ko, sobrang sama ng pakiramdam ko, at sobrang sakit na parang may humihiwa sa ulo ko. Agad akong napa bagsak sa kama at pinilit na pumikit. Napa hinga ako ng malalim ng maalala ang nangyari. Nakuha ko ang atensyon nila. Nakatingin lahat sila sa akin. Nanaginip ako. Naalala ko ang mga mata niya. Ang mata ng taong gumawa ng kahayupan sa akin. Ang taong may kasalanan kung bakit ako ganto ngayon.

Nagising ako sa tunog ng phone ko at pagkabangon na pagkabangon ko napahiyaw nalang ako sa sakit ng ulo at ng katawan. Agad kong dinampot at nakitang tumawag ang mama ko.

"M-mamsy" ulas ko. Narinig kong napasinghap si mama sa kabilang linya.

"Anak! Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang boses mo? May sakit ka ba? Gusto mo bang puntahan ka namin diyan? Hindi. Pupunta kami diyan." Nag aalalang bigkas ni mama.

"A-Ayos lang po ako mamasy, m-masakit lang ang ulo ko. Hindi po kasi ako naka kain kanina, nalate ako ng gising. Gagaling po ako ma. H'wag po kayong mag-alala." Nangangatal na sagot ko.

"Sigurado ka ba princess? Nag aalala kami ng mama mo. Sabihin mo kung di mo na kaya, pupunta kami diyan." Narinig kong boses ni papa.

"Opo pa, h'wag po kayong mag alala, ayos lang po ako. Papahinga lang po ako, mawawala din to." Matipid na sagot ko.

"O siya Naomi, ingat ka ha? Mag dasal ka palagi okay? Dadalaw ako saiyo sa makalawa? Kapag free si Papsy mo isasama ko okay ba iyon? Sa ngayon mag pahinga ka muna. At kung di mo kaya, h'wag ka nalang pumasok ha? Sige na Naomi, mahal na mahal ka namin ng papsy mo. Laging mag dasal. We love you Nak." Ngumiti lang ako at nag paalam na din.

Binalak ko na bumangon pero napadaing lang ako dahil sa sobrang sakit kaya sa huli ay bumalik na lang ako sa pwesto at natulog na lang ulit.

Kinaumagahan, agad na napabalikwas ako at dumiretso sa c.r. at nag suka ni hindi ko na dinaing ang sakit ng katawan ko. Dahil sa walang kain kahapon halos puro hangin lang ang nailalabas ko. Pagkatapos kong mag mumog ay agad akong bumangon na kahit nang hihina ay pilit kong pumunta sa kusina para uminom ng gatas pati na rin ng gamot. Pag katapos ay bumalik na agad ako sa pagkakatulog.

Her Darkest SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon