~Friendship with a vampire~

13 1 0
                                    

Habang papasok ako sa Campus ay parang lumulutang ako, hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari at bakit tatlong beses na akong nanaginip ng nakakatakot.

Naalala ko ulit yung sinabi ng babae sa panaginip ko.

"Faye tulungan mo akong mahanap si LER"

Paano ko siya matutulungan? at saan ko siya hahanapin?
Bakit ganito? bakit nangyayari ito?
Anong gagawin ko?

-Lunch time-

Sinabi ko kay Jefferson ang tungkol sa mga panaginip ko.
At hindi na kami pumasok sa klase namin. Pumunta kami sa Lab kung saan naroroon ang mga machine na may technology ng mga science fiction.

Binuksan ko ang machine at sinuot ang sci-fic na shade.
Ang sabi ni Jefferson makikita ko raw ang buong pangyayari tungkol doon sa panaginip ko.

At sa pangyayaring nakita ko ay,
may isang matandang ermitanyo na gustong ipasa sa akin ang pagiging isang sorcerer, nag-sisisi siya dahil may dalawang taong nagmamahalan na pilit niyang pinaghihiwalay, dahil yun ang kanyang tungkulin, ang itama ang pagkakamali at gawin ang nararapat.

At ang magkasintahang iyon ay si Tricia at si LER. Noong huling araw ng pagkikita ng magkasintahan ay nakasalubong ni LER ang matandang ermitanyong sorcerer, at naglaban silang dalawa dahil tungkulin ng sorcerer na pigilan at itama ang mga maling pangyayari, kaya gusto niyang ibalik si LER sa pinanggalingan niya.

Sa huling bahagi ng laban nila ay nagmakaawa si LER. Ginusto niyang maging ganap na tao at hiniling niya sa sorcerer na tulungan siya nito.

Nakita ng sorcerer na totoo ang pagmamahal ni LER kay Tricia, at kinausap niya ang master niya kung pwede bang mangyari ang ninanais ni LER. At pumayag naman ang master ng Sorcerer tuluyang naging tao si LER.

Pagkatapos ng pangyayaring yun ay tumakas na si LER sa kanila, at agad na pinuntahan si Tricia. Ngunit may nakapagsabing wala na raw ito. Mula noon hindi na nagkita ang dalawa, at nagpakalayo layo na rin si LER.

Samantalang si Tricia ay hinanap si LER, pinuntahan niya ang lugar ng mga bampira, noong una ay muntik na siyang maging hapunan ng mga bampira, pero dahil nalaman ng lahat na kasintahan siya ang anak ng Pinuno ng mga bampira, ay hindi siya sinaktan ng mga ito. Nagpasya si Tricia na maging isa sa kanila sa paniniwalang muli silang magkikita ni LER at pwede na silang magsama.

Pagkalipas ng maraming taon hindi na bumalik si LER, dumating ang araw na natuklasan ng sorcerer ang lugar ng mga bampira at tuluyan na silang binabalik kung saan sila nararapat.

Maliban lang kay Tricia, dahil taglay na ni Tricia ang pagiging isang bampira pilit siyang nakipaglaban sa sorcerer. At sa pakikipaglaban ay  sinisigaw niya ang mga salitang.. .

"Hindi ako pwedeng mawala! magkikita pa kami ni LER at magsasama kaming dalawa" .

Nang marinig ng sorcerer ang sinabi ni Tricia ay napatigil siya at dahil doon ay nasugatan siya ni Tricia, ng mapansin ni Tricia na nanghihina na ang sorcerer ay agad siyang tumakbo papalayo. Hinabol pa ito ng sorcerer dahil gusto niya rin itong tulungan. Pero hindi niya na ito naabutan.

Yun lang ang huling nakita ko sa mga pangyayari. Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. At gusto kung makatulong kay Tricia. Dahil sa humanga ako sa kwento ng pagmamahalan nila ay nais kung makatulong sa kanila.

Pag-dating ko sa bahay ay dumiretso ako agad sa library.

"Tricia handa na akong tulungan ka."

Talaga hindi ka na natatakot sa akin.

Bigla na naman siyang lumitaw sa aking harapan.

Oh, my! medyo natatakot pa, pero pwede po wag niyo akong gulatin.

Okay, Salamat Faye mabuti ang kalooban mo.

Walang anu man po.

Faye doon din ako lumaki sa lugar niyo napunta lang ako dito dahil kinuha ako ng lolo at lola mo na maging kasambahay.

Ganun po ba.

Oo, pero dahil sumugal ako sa pag-ibig kaya ito ganito na ako ngayon.

Bilib nga po ako sa inyo. Gagawin niyo ang lahat makasama lang yung taong minamahal niyo.

Oo, Faye si LER lang talaga ang nagparamdam sa akin ng totoong pagmamahal kaya handa kong gawin ang lahat makapiling lang siya.

Pero paano natin mahahanap si LER.

Yun din ang hindi ko alam Faye.

Maaring wala na siya ngayon sa lugar na ito.

Bakit? Saan siya pumunta?

Ayon sa nalaman ko si LER ay isa ng ganap na tao ngayon.

Tao? Paano?

Dahil sa pagmamahal niya sayo kaya ginusto niyang maging katulad mo.

Kung ganun wala ng dahilan para magkita kami ulit. Hindi pa rin kami pwedeng mag-sama.

Pero may paraan pa. Tulad ng ginawa ni LER pwede ka rin maging tao ulit.

Pero paano Faye?

Hahanapin natin ang matandang ermitanyong sorcerer. Matutulungan ka niya.

Okay Faye salamat.

Matapos ang araw na yun ay nagsimula na rin akong magtanong tanong sa bagay na yun. Tuwing umuuwi ako galing school ay walang ibang tinatanong sa akin si Tricia. Kundi yun ay kung may balita na ba tungkol kay LER.

Childhood CrushWhere stories live. Discover now