Tagalog Fanfic
AMACon4 Day 17 Challenge
PROMPT: Panatang MakabayanPanatang Makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungang
maging malakas, masipag at marangal.December 2000
"Paglaki ko, magiging governor din po ako ng Laguna!" pagmamalaki kong banggit sa aking mga magulang.
"Talaga ba?" natatawang sagot ni Daddy o mas kilala bilang Gov. Richard Faulkerson, Sr., ang kasalukuyang gobernador sa lalawigan ng Laguna.
"Opo, daddy! Gusto ko po na makatulong sa mga tao kagaya ng ginagawa ninyo ni mommy. Saka sabi po ninyo, kahit sina lolo saka yung lolo ng lolo nyo, naging gobernador po. Gusto ko pong maging kagaya ninyo, daddy!" Sambit ko pagkuwa'y biglang yakap sa aking ama.
"Sige, Rj, sa susunod na eleksyon, samahan mo ako sa kampanya ha? Tapos ikaw sasagot dun sa mga tanong ng mga tao tungkol sa mga programa natin ha?"
Iiling-iling si Mommy Rio habang nakatitig sa amin. "Hoy, Ricardo, wag mong kunsintihin yang anak mo! Ang bata-bata pa nyan, hayaan mo munang mag-enjoy ng pagkabata nya."
"You heard your mommy, ha? Wag mo muna daw ako kulitin at maglaro ka lang daw muna. Baka mapalo ako ng mommy mo pag di ako sumunod," natatawang sagot ni Daddy.
"Talaga lang! No more discussions about politics muna! And ikaw naman, Rj, for now, I just want you to do well in school and enjoy being a normal eight-year old boy. The right time will come for you to follow in your daddy's footsteps."
"Opo mommy! Sige po, puntahan ko na si Kuya sa room namin!" At tumakbo muna ako sa itaas para makipaglaro kina Kuya RD at Riza.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo
ng aking magulang,
susundin ko ang tungkulin
ng mamamayang makabayan:
naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal
nang buong katapatan.March 2013
"Congratulations, anak! Sigurado akong proud na proud ang mommy mo sa iyo ngayon kung... kung nabubuhay pa sana sya," maluha-luhang bati ni daddy sa akin sa araw ng aking pagtatapos sa kolehiyo.
Tangan ang aking cap habang nagtatanggal ako ng toga, natigilan ako at napangiwi sa sinabi ni Daddy.
"I really hope so, dad. I hope I made mommy proud. Hindi ko kasi nasunod yung lahat ng bilin nya sa akin and I feel guilty about it. I promised mommy na I would study well and that I wouldn't focus on politics too much while I'm still in the University. Pero..." kamot-ulo kong sagot kay Daddy.
"Hey! Wag mong isipin yan! Your mommy would be so proud of you. She did tell you to not only study but make sure you have fun whle you're at it. Hindi ka ba naging masaya bilang Student Council President? Sa palagay mo ba mas naging masaya ka kung hindi ka tumakbo para sa Student Council?"
Napangiti ako sa sinagot ng aking ama. "Well, it wasn't easy, but I just couldn't help it! Parang may compulsion ako na tumakbo and hope that if I won, I'd be able to make a difference in the lives of my fellow students. Like this program we had where we helped sponsor students who were really smart but did not have the means to study in a good school... um, masyado na ba akong nadala?" Tanong ko sa aking pamilya na natatawa na lamang sa akin.
"Naku, Kuya, kung hindi lang kita kilala, maiisip ko minsan na nababaliw ka na yata," sagot ng kapatid kong si Riza pagkakapit nya braso ko. "Hindi ka masyadong um-attend ng mga party kahit na si Dad na ang pumipilit sa iyo. Hindi ka nag-girlfriend kahit na yung babae na ang lumalapit sa iyo. Parang si Maine lang yata yung madalas mong makasamang babae and that's only because you both are passionate about the Student Council projects."

YOU ARE READING
Serendipitous
FanficA collection of drabbles and fanfics written for the AMACon4 Audition period