Special Delivery

537 63 6
                                    

Tagalog Fanfic Challenge
AMACon4 Day 16
PROMPT: Tamang Pagkakamali

*ding dong*

"Sandali lang! Be there in a minute!" Sigaw ni Maine habang kagat-labing iniisip kung ano pa ang kulang sa program nya.

*ding dong*

"O sya, o sya! Pampasira naman ng focus ito o! Pag ito bill lang, naku!!!" Naiinis na sagot ni Maine sa kung sino man ang nang-iistorbo sa kanya. Naniguro muna siya na nai-save na nya ang program nya bago nagmamadaling binuksan ang pintuan.

"Hmm, wala namang tao," pabulong nyang sinabi habang nililingon ang paligid. Nanlaki ang kanyang mata nang matanaw ang delivery man na papalapit na sa elevator.

Tumingin sya sa kanyang paanan at tama nga ang kutob nya! May package na namang dumating! Dali-dali nya itong dinampot at binasa ang address.

"721... hala! Mali na naman!" Nagmamadaling tumakbo si Maine para habulin ang delivery man. Eksaktong sa sandaling iyon, may dumating na elevator at sumakay agad ang mama.

"Kuya! Sandali!" Humahangos na tawag ni Maine sa Delivery Man subalit parang wala itong narinig. Tuluyan nang nagsara ang pinto ng elevator pag-abot nya dito.

"Gaaah!" Sa inis nya ay nahampas nya ang elevator. "Ano ba naman itong si kuya!? Why does he always deliver these packages to me kahit na obvious namang mali yung address?!?" Kunot-noong tanong ni Maine sa sarili habang hawak ang package na muling iniwan sa harapan ng unit nya.

"Unit 721 naman ang nakalagay sa package, while my unit number is 712. Hindi kaya medyo naduduling si kuya sa dami ng packages na dinideliver nya?"

Sa anim na buwan nyang pagtira sa Destiny Tower, parang halos buwan-buwan ay nagkakamali ang delivery man sa paghatid ng package para sa unit 721 sa kanya. Mabuti at nasa bahay lamang sya madalas kaya nahahabol nya lagi ang nagkakamot ng ulo na mama. Ito ang unang beses na hindi nya naabutan ang nagde-deliver para maitama ang mali nito.

Nagkibit balikat na lamang si Maine at muling bumalik sa kanyang unit. Ipinatong nya ang package sa lamesita at umupo muna sa sofa habang tinitigan ito.

"Hintayin ko na lang kayang bumalik dito si kuya? Pero... paano kung importante yung package?" Nakatulis nguso nyang pagmumuni-muni. "Ipabigay ko na lang kaya kay Manong Guard? Pero... bababa pa ako sa lobby para gawin yun e nasa parehong floor naman kami nitong si..."

Hinawakan nyang muli ang kahon, sinuot ang kanyang antipara at tiningnan kung kanino ito nakapangalan. "Hmm, Richard Faulkerson, Jr. Aba, aba, aba, porendyer ba itong kapitbahay ko? Kunsabagay, hindi naman mura ang mga unit dito. Di bale, mamaya na lang kita poproblemahin, may deadline pa ako sa trabaho ko."

Muli nyang inilapag ang kahon, pagkatapos ay bumalik sa kanyang laptop para magtrabaho.

Isang freelance programmer si Maine at dahil panahon ng mga thesis ngayon, marami syang tanggap na maliliit na trabaho maliban pa sa kanyang malalaking proyekto. Hindi sya lumaki sa marangyang buhay pero dahil sa matalino, masipag at madiskarte, natanggap at nakapagtapos sya sa isang prestihiyosong unibersidad kahit na maaga syang naulila sa kanyang mga magulang.

Nagtrabaho muna sya sa isang malaking kompanya bago nya naisip na mag-freelance na lamang. Hawak na nya ang oras nya, madaming klaseng programming language pa ang natututunan nya. Masinop at matiyaga si Maine kaya hindi na rin nakakapagtaka na sa edad na 27, nakakuha sya ng condo unit sa Destiny Tower nang dahil sa ganda ng trabaho nya. Hindi pa naman sya tapos magbayad sa unit nya pero masaya si Maine na habang maaga pa, nagsisimula na syang makapagpundar ng sarili nyang ari-arian.

SerendipitousWhere stories live. Discover now