UHS TRIVIA OF THE DAY
"DEEP WEB"
ANO NGA BA ANG DEEP WEB?
Tinatawag din na hidden web at deep net. Ang Deep web ay isang parte ng internet na kung saan ang mga nilalaman nito ay hindi naka-index sa isang normal na search engine kaya ito ay 'invisible' sa mainstream public.
Isang pananaliksik noong 2001 sa University of California, Berkley ang nagsabi na ang deep web ay binubuo ng 7.5 na petabytes (7,500 na gigabytes) ng information. Sa taong 2003 tumaas ito ng 91.850 petabytes.
Para ma-access ang parte ng internet na ito, kailangan mong gumamit ng TOR (The Onion Router). Ang TOR ay isang anonymous network of nodes na intended para itago ang IP at protektahan ang privacy ng user.
Ang TOR ay sponsored ng US Department of State Bureau of Democracy, Human Rights, and Labor, Radio Free Asia, SRI International at iba pa.
Sa loob ng deep web, maaari kang makabasa ng mga ipinagbabawal na libro o babasahin. Makakakita ka rin doon ng bentahan ng mga ilegal na droga. Meron din doon na iba't ibang mga serbisyong tulad ng hacking, hitman for hire at mga tao na kaya raw nila magnakaw ng kahit anong bagay na iyong ninanais. Talamak din doon ang bentahan ng mga baril. May iba't ibang tao roon na nag-a-advertise ng kanilang goods sa isang specific na forums. Halimbawa ay ang copied credit cards sa isang credit card fraud board. S'yempre walang pagpapalitan doon ng pera o tseke kundi kailangan mong gumamit ng bitcoin upang makuha ang iyong goods. Naglalaman din ang deep web ng hindi common na nakikita sa surface web gaya ng child porn, animal bestiality, hardcore hurt porns at iba pa.
Kung isa ka sa mga tao na mahihilig sa mga conspiracy theories, ang deep web ay isang lugar na magandang puntahan. Maraming mga sikreto roon na nakatago, na 'yong iba nga na sites ay inalis na mismo ng FBI.
Ang mga journalist sa mga heavily censored na bansa ay ginagamit ang deep web upang magkaroon ng komunikasyon at pakikipagpalitan ng impormasyon (dahil nga sa ibang bansa tulad ng China, banned ang mga websites na kagaya ng Facebook, Google, Twitter, at iba pa).
Sa deeb web din naglalabas ang mga whistle blowers ng baho at sikreto ng kanilang gobyerno.
Ang pag-click sa maling link (na naka-enabled ang Javascript sa iyong TOR browser) ay maaaring magresulta ng isang malaking problema. A javascript exploit can be used to upload malware intro the user's computer, na ang ibig sabihin ay puwedeng may ma-install na keylogger na walang kaalam-alam at ang iyong mga password ay mabuking at sureball na kuha. Maaari rin na magkatopak ang PC. Siguradong mamamaalam na sa mundo ang PC mo kapag matindi pa sa matindi ang virus o malware na pumasok sa iyong system.
Kaya mag-ingat po tayo sa pagda-dive sa deep web. Ang pinaka-emportante naman talaga ay huwag kang gagawa ng mga ilegal na bagay at huwag magda-download ng kung anu-ano pero kung normal user ka lang at tipong babasahin lang ang dinadownload mo, wala namang harm.
Highly advisable din na huwag gumamit ng PC na nagra-run lang sa Windows kapag magda-dive ka sa Deep Web dahil mas madali kang mapasukan ng virus. May ilang nagsasabi na mas safe daw mag-browse sa android phone kaysa sa PC dahil ang PC ay Windows OS lamang ang gamit at ang android naman ay Linux.
- Credits to Deep Web PH
MORE INFORMATION ABOUT DEEP WEB
What is Deepweb?
Ang "Deep Webay ang parte ng internet na hindi sakop o indexed ng mga search engines. Nandiyan na yung mga webpages na hindi na naka-link sa main page, hidden FTP services o open directories, at yung mga websites na pwedeng ma-access ng mga protocols katulad ng TOR, I2P, FreeNet, OpenNet, etc. Yung mga nakikita nating content mula sa search engines is part ng "Surface Web".
BINABASA MO ANG
Horror Trivia Collection Vol. 2 (University of Horror Stories)
HorrorMay mga bagay sa mundo na hindi mo dapat makita, pero kailangan mong matuklasan. Kaya naman naisipan ng University of Horror Stories na pagsama-samahin sa babasahing ito ang ilan sa mga mind blowing horror trivia na maaaring magbigay ng bangungot sa...