LIGHT POLLUTION
#UHSMonthlyTrivia
#UHSJanuary2017
Ano sa tingin n'yo ang mangyayari kung sakaling i-shutdown ang kuryente sa buong bansa o buong mundo?"When a massive power outrage struck southern California in the 1990s, Los Angeles residents reportedly called 9/11 to express alarm about strange clouds hovering overhead; they were seeing the Milky Way Galaxy for the first time!!!"
Totoo ba na maaaring makita ng tao sa langit ang galaxy at iba pang bagay sa kalawakan? Paano iyon mangyayari at sa anong paraan?
Alam n'yo ba na dahil sa tinatawag nating "light pollution" kaya hindi natin nakikita nang direkta ang mga stars o iba pang bagay sa kalawakan. Pero kung sakaling ishu-shutdown ang kuryente sa buong mundo o sa buong bansa at tatanggalin ang ilaw sa poste, sa bahay, at sa buong paligid, pati ang ibang infrastructures, ay maaari mong makita ang galaxy, stars, at iba pang bagay o heavenly bodies sa kalawakan!
Subukan mong pumunta sa mga desserts o sa mga hindi urban na lugar, doon mo mas makikita nang malinaw sa langit ang mga bagay-bagay na nasa kalawakan. Dahil nga sa walang light pollution sa lugar na iyon, totoong doon sila makikita nang malinaw. #WexPinas
At iyan ang isa sa short trivia na handog ng UHS para sa inyo ngayong buwan. Kaya sa lahat ng mga haunters, never stop haunting... Mysteries are everywhere!
BINABASA MO ANG
Horror Trivia Collection Vol. 2 (University of Horror Stories)
HorrorMay mga bagay sa mundo na hindi mo dapat makita, pero kailangan mong matuklasan. Kaya naman naisipan ng University of Horror Stories na pagsama-samahin sa babasahing ito ang ilan sa mga mind blowing horror trivia na maaaring magbigay ng bangungot sa...