Comeback

225 6 0
                                    


"Mommy where's my daddy?" sabi ng bata

"Miggy sabi ko naman sayo diba nasa malayo ang daddy mo" mahinahong sabi ni Karylle

"Nasaan po ba siya Mommy? Ever since hindi ko pa po siya nakikita, naiingit po ako sa mga classmates ko" malungkot na sambit ni Miggy

"Soon anak" sabi ni Karylle at niyakap ang kanyang anak

Karylle's POV

Oo hindi namin kasama ang tatay niya. Matagal na kaming hiwalay simula nung nakita ko siyang kahalikan ang kanyang lalaki. Oo lalaki kasi bakla ang aking asawa, dating asawa. Hindi ko alam kung ano ang mali sakin at lagi na lang akong sinasaktan. Pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako na babalik siya sa akin, sa amin ni Miggy.

"Mommy malapit na po ba natin makita si Daddy?" Miggy

"Oo nak malapit" sabi ko at pilit kobg nginitian ang aking anak

Araw araw yan ang tanong ni Miggy. Sobra na akong naaawa sakanya. Bata pa siya para madanas ang mga ganitong bagay. Napakahirap sa isang ina na makita ang anak mo na nangungulila sa kanyang ama. Vice nasan ka na ba? May balak ka pa bang balikan kami? Mahal mo pa kaya ako? Kasi ako mahal pa rin kita kahit ang sakit ng ginawa mo sa akin. Ganoon ako katanga para ibigin pa kita.

Vice' POV

Aaminin ko mahal ko pa rin si Karylle. Yung nahuli niya akong may kahalikan na lalaki nadala lang ako dahil lasing na rin ako noon. Ang laking tanga ko lang nung nakita niya kami, hindi ko manlang siya hinabol, hindi manlang ako nakapagpaliwanag sakanya hinayaan ko ang gulong iyon na hindi na maayos hanggang sa sumuko na siya. Dahil duwag ako nagpakalayo layo ako sakanya. Mahal mo pa kaya ako Karylle? Ako kasi mahal pa kita at walang nagbago doon. Hahanapin kita Karylle. Intayin mo ako. Bubuuin ko ang pamilya natin.




_____________________________________

AN: so short ud lang po ito isiningit ko lang sa pagrereview ko :)) sorry medyo busy kasi hehe.
May part 2 po! :)) Thank you po sa mga nagbabasa mwaps!

Don't forget to vote!

@bayshreeel

ViceRylle One Shot StoriesWhere stories live. Discover now