First Shot

49 3 2
                                    

Song for this shot : Lego House by Ed Sheeran
~

"Punyemaaaaasss!" Naging sigaw ko na lang dahil sa inis ko. Bakit ba kasi binangga ako nang lalaking yun? Pati yung phone ko nahulog sa sidewalk at nasira! Kagagaling ko pa naman sa dance practice sa school namin! Iniimbiyerna agad ako ng mokong nayun! Tapos nung sinigawan ko siya, parang walang narinig! Kundi lang siya guwapo! Oopps Wag ngayon Ellyce . Pag nakita ko yun, nako! Yun na ang huling araw niya Grrrrrr!


Pano yan? Nandun pa naman ang mga reviewer ko? Mga pictures ko! Hays.


Nagpagdesisyunan ko nalang na pumunta sa mall para bumili ng bagong phone , tutal magagamit ko pa naman ang sim ko, no need to buy another one.

Pagpasok ko sa mall,napayakap nalang ako sa sarili ko dahil tumagos sa balat ko ang lamig , dahil maliban sa pawis na pawis ako, ay nakashorts at Tshirt lang ako. Kung minamalas ka nga naman oh!


Pumunta agad ako sa Bilihan ng cellphone. Pagpasok ko lumapit agad sakin ang mukhang nagaassist sa mga customers.

"Good Morning Ma'am? How can I help you ?" tanong ng sales lady.

I deeply sighed. At sinagot ang babae.

"I need cellphone na matibay at hindi basta-basta nasisira pag nalaglag sa semento, yung tipong maipambabato ko na rin sa taong bumangga sakin kanina" Hindi ko rin alam kung bakit lumabas sa bibig ko yun . Dahil sa galit narin siguro. Madali pa naman ako mainis. Pagod na nga ako kanina,binunggo pa ako ng walang hiyang lalaking yun! Grrr!

Napainhale ng malalim ang babae at bakas sa kanya ang pagkagulat sa mga sinabi ko.

"A-a-eh k-kung ako po ang papipiliin ng matibay na cellphone, I will choose Iphones ma'am" pautal niyang offer. Sa tingin ko, ayos din naman ang Iphone, kaysa sa cellphone ko kaninang kong nasira ng mokong na yun !

"This way ma'am" pagpapatuloy niya at nakangiti niya akong nilead sa section ng mga Iphones.

"Ahm, this one is Iphone 6, maganda po ang specs nito, 19,000 pesos. And this one is Iphone 6+ which is the second latest iphone na nirelease, 24,000 pesos ma'am, and This is Iphone 7 and this is-" di na niya naituloy ang kanyang sasabihin ng mapagdesisyunan kong yung Iphone 7 na ang bilhin ko, alam ko namang maganda ang isang ito, masyado pa siyang maraming dakdak.

"Too talkative, How much is that?" Tila nagulat ang babae sa asta ko.

She gasped.

"45,000 thousand pesos ma'am" sagot niya. Hindi na masama, siguro ito na nga ang bibilhin ko.

"It comes with headseat,charger,case ,-" pinutol ko muli ang kaniyang sinasabi niya.

"Okay, I'll get it" tila bored kong sabi, Malaki ang ngiti niya akong nilead sa parang counter at pinaghintay ng mga 3 minutes para daw ayusin ang unit .
Inabot ko naman ang Pera sa cashier at binigay naman ng babae ang cellphone.

May bilin pang may Warranty daw ito, at nag 'Thank you' , kung nais pa daw bumili ng cellphone ay dun daw muli sa kanila bumili. I smiled in reply at naglakad palayo.

Tinignan ko naman ang Gold cased kong bagong cellphone. At nakalagay nadin naman dito ang sim ko kanina. At nakitang may nagtext ,binuksan ko naman ito at nakita kung anong laman.








Shy ❤️ :
Sis! How are you? Alam kong tapos ka na sa dance practice mo, See you at Rest house, 4 pm . Take care!

2:56 pm. January 16 ,2016 .







I smiled . Si Shy ang childhood friend ko, para nasiyang kapatid sakin. Simula nang ako'y inulila na ng mga parents ko, Siya ang kasangga ko, at tumulong sakin. Okay! Ellyce enough the drama.

Alas 3 palang naman at may time pa bago ako pumunta sa rest house nina Shy. Napagdesisyunan ko munang pumunta sa restaurant para kumain .

Umupo naman ako sa bakanteng upuan na medyo malapit sa entrance ng restaurant. At lumapit naman ang waiter.

"Good morning! Can I get your order ma'am? " masaya niyang tanong.

As usual , yung paborito ko naman lagi ang inoorder ko dito.

"One medium lasagna,Large fries,solo pizza and Iced tea will do, less Ice Please" sabi ko naman.

"5 minutes ma'am" at pagkasabi nun, naglakad na siya papuntang counter para gawin ang order ko. Naramdaman ko naman na naiihi na ako, San ba naman napunta ang tao pag naiihi?

Tumayo naman ako at naglakad patungong Comfort room,  nang nagvibrate ang phone ko kinuha ko naman ito at



Ano bang meron sa araw na ito at sinuwerte ako na lagi akong binubunggo?



"Sh*t! " naging sugaw ko na lang . Sa inis at gulat ko na rin.

Nilingon ko naman ang lalaking nakabangga sakin


At sa ganda talaga ng araw na ito,at pinagpapala ako.














"IKAW NA NAMAN!?"

Falling into Pieces (VMG's One Shot)Where stories live. Discover now