Song for this part : Imagination by Shawn Mendes .
~
"Sorry miss I didn't mean-" I cut him off. Hindi ko alam kung anong uunahin ko, ang pagpunta sa comfort room o ang pagsapak sa lalaking to. Tila ba lumabas ang lahat ng hinanakit ko sa mundo ng binatukan ko ang isang to. Hmp! Kulang pa yan sa kamalasang binigay mo sakin ngayon araw na to!
"Aray! What did you just did? " tanong niya, habang nakahawak sa binatukan kong parte. Obvious ba?
"Isn't it obvious? Sino ka bang ponsyo pilato ka ha? Kanina mo pa akong umaga binunggo tapos ngayon binunggo mo na naman ako? Bulag ka ba ha? " tila hingal kong sigaw sa kaniya. Nawala na rin ang nararamdaman kong pagihi, dahil sa lalaking to.
He smirked. A serious smirked!
Parang gusto ko yatang tanggalin ang braces ng lalaking to ha! He deeply sighed and answer me."If you want me to introduce myself in a presentable manner. First,take a look to the name of this restaurant, that's my surname, and Second if you will going to ask my name . Oh! That's VMiguel ,and now can I excuse myself? Sorry miss"
This monkey! His getting to my nerves! E ano ngayon kung siya ang may-ari ng restaurant na ito? Kaya kong bumili ng triple pa sa laki nito!Dahil sa inis ko, dumiretso na lang ako sa aking upuan at nakita ang nakahain kong inorder. Hindi ko narin naramdaman ang naudlot kong pagihi.
Napalitan naman ang mood ko ng maamoy ang favorite ko, Lasagna. Na-miss ko tuloy ang Mommy ko, lagi niya akong pinagluluto nito. Kung nasan ka man ngayon Mom, sana maayos ka at masaya na ngayon.
Nang matapos ko ang huling higop ng aking Iced Tea, tinawag ko na ang waiter para sa bills. I waved my hand para kunin ang attention nito. And he immediately walks towards me.
"How much?" Tanong ko agad na pinapatungkulan ang mga kinain ko.
Nagulat naman ako ng nagbitaw siya ng di ko inaasahang mga salita,
"Binayaran na po ni Sir Viel, and he's asking for your number" tanong niya habang nakangiti .
Ano raw? Number ko? Asa ka pa! Kaya kong bayaran ang kinain ko! Bugok! Anong akala mo sakin? At hinihingi mo pa ang number ko? Never in a Million Years, monkey!
"Pakisabi sa mukang unggoy mong boss, hindi ko ibibigay ang aking number, and accept this, I will pay for what I've eaten" sabay abot ng 1 thousand bill.
Anong gustong iparating ng Unggoy na yun? Na dapat maalala ko ang mga mukha niyang mukhang unggoy sa pagkaing binayaran niya? Never in my dead body! Kahit hindi na ako pumunta muli dito! Madaling humanap ng ibang restaurants!
I will never go back to Gonzales' Diner. Never ever!
"B-but ma'am, Ang sabi po ni sir-" bago pa niya tuluyang ituloy ang nais niyang sabihin,tumayo na ako at sinabing
"Just keep the change, and please say this to your boss, kulang pa ang 1 thousand sa halaga ng cellphone na nasira niya kani-kanina lang, Thank you and Good Bye " sarkastiko kong bilin.
Nakakailang kamalasan na ba ang nangyari sa araw na ito? Nakakainis na ha! Hindi na ako magdadalawang isip na tanggalin ang braces ng lalaking yun pag nakita ko muli yun! Grrr!
Bakit ba ako masiyadong naapektuhan sa lalaking yun? Sshhh! Shut up Ellyce! Siyempre naman, inirita ka niya buong araw diba? Natural lang na magalit ka sa mokong na yun!.
YOU ARE READING
Falling into Pieces (VMG's One Shot)
FanfictionI'm just a fangirl that deeply inlove with Vmiguel. So, I've done this one shot . I'm looking forward to have a lots of readers. So I will give my all to make a wonderful story ☺️❤️. -alexandragonzales❤️