Sana ako na lang
Sana ako na lang ang taong pinapahalagahan mo
Sana ako na lang ang taong nagbibigay saya sa puso mo
Sana ako na lang ang nagpapangiti sayo
Sana ako na lang sinasabihan mo ng problema
Sana ako na lang sinasabihan mo ng sikreto tungkol sa mga taong ayaw o gusto mo
Sana ako na lang ang taong kasama mo sa imahinasyon
Sana ako na lang
Sana ako na
Sana ako
SanaHindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito pero ang hiling ko ay sana malaman mo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko
Hindi ko alam kung may hangganan itong nararamdaman ko dahil sa tuwing nakikita kang masaya sa iba kirot ang abot nitong puso ko
Hindi mo man ito maramdaman sa ngayon inaasam kong sana mapansin mo kahit sa mga alaala lang natin noon.
Kahit isang araw, isang oras, isang minuto o kahit isang segundo man lang, mapansin mo sana itong puso kong balot ng kalungkutan.
Di ko alam kung nararamdaman mo ba o pilit kang nagpapakamanhid sa kadahilang ayaw mo akong makita
Wag mo sanang bigyan ang puso ko ng matinding motibo para mahalin ka ng todo, dahil ayokong lumalim ang pagtingin ko sayo.
Sinusubukan kong turuan ang puso ko kung paano umiwas sa mga bagay na pinapakita mong magpapahulog ng loob ko, dahil nararamdaman ko sa huli ay masasayang lang at wala namang sasalo sa nararamdaman ko, pero anong magagawa ko kung pati itong puso ko ay kasangga ko pati sa katangahan ko.
Hindi lahat ng tao sa mundo magiistay sa buhay mo yung iba dumating lang para saktan ka, para bigyan ka ng leksyon.
Wag mong sanayin ang sarili mo sa mga bagay na alam mong hindi naman permanente. Dahil sa huli ikaw din ang masasaktan, ikaw din ang mawawalan.
Masakit pero kailang tanggapin at unawain.
Kaya ngayon magpakatatag ka. Magpakatotoo ka sa sarili mo. Tuparin mo ang mga pangarap mo. Wag dalhin ang sarili mo sa pagkakalugmok. Hindi lang siya ang taong nagmamahal sayo. Marami pang tao dyan na magbibigay inspirasyon sayo.Twitter: @quennietwinnie
YOU ARE READING
Mind vs. Heart
PuisiSa pamamagitan nito nasusulat ko kung ano ang kasalukuyan na nangyayari sa buhay ko at sa pamamagitan nito naisusulat ko din ang mga nararamdaman ko.