Patuloy sa paglaban ng buhay.

8 0 0
                                    

Sabi nila kabataan ang pag-asa ng bayan.
Paano kung trenta porsyento ng kabataan ay walang pinag-aralan? Paano kung trenta porsyento ng may pinag-aralan ay hindi kabataan?
Uunlad kaya ang ating bayan?

Umagang masigla, uumpisahan ang aking pakikipagbaka.
Sa paaralan kung saan ang daan patungo sa aking pangarap, na magbibigay sa akin ng magandang kapalaran.

Kain, ligo at konting polbo, ayos na 'to.
Usok galing sa bumubusinang jeep. Traffic sa gitna ng malawak na kalsada, badtrip late ang abot ko nito!

Mga magagandang establisyemento na halos araw-araw pinupuntahan ng mga tao, balang araw magkakaroon din ako ng isa sa mga ito.

Ngunit paano? Kung ang bawat pagtakbo at pagtigil ng pampasaherong jeep na ito ay nakasalalay sa pangarap ko.
Paano ko maabot ang pangarap na nais ko? Kung gaano kabagal ang trapik dito ay siya namang bilis ng panghuhusgang natatanggap ko tuwing mababang marka ang nakukuha ko?

Gano'n na ba ang pagtakbo ng mundo?
Maling pagkilos ko lang kalat na sa mga tao?

Mga matang naka-masid sa pagdaan ko sa pasilyo.
Pinagmamasdan ang bawat hakbang ko, mula sa pagka-ayos ng buhok hanggang sa ayos ng aking mga sapatos.
May nanapala ba kayo?

Bakit kailangan kong mag-ayos na dapat naayon sa mga mata ninyong maaayos? Ay, teka. Maayos ba 'yan? Kung maayos 'yan, bakit kahit maling paggalaw ng langgam ay inyong pinagmamasdan?

Akala ko ba ayaw niyo sa mga mapanghusga? E, 'di ibig sabihin ayaw niyo rin sa sarili niyo?
Mga walang magawa sa mundo, mag-aral na nga lang kayo!

Aaralin ko muna ang lesson na ibinigay sa matematiko.
Hindi ako nakiki-uso, sadyang mahina lang ako sa asignaturang ito.

Mga numero na mayroong mga kasamang letra, na sa akin ay nagpapahirap ng tunay. Sana magamit ko ito sa aking tunay na buhay.

Isa pa ang asignaturang Filipino, sariling wika ang pinag-aaralan dito pero bakit nahihirapan ako? Isa na ba 'ko sa mga nagtataksil sa bansa ko?

Nagiging dayuhan sa sariling bayan.
Kapwa pilipino'y nagsisiraan.
Nasaan na ba ang kaban ng bayan?

Totoo bang libre dito sa unibersidad na aking pinapasukan?
Makakaya kaya ng gobyernong magbigay ng isang daang porsyento na bayarin ang martikula ng halos isang milyong mag-aaral sa kolehiyo?
E, silaw ang mga iyan sa mga perang pinaghirapan ng ibang tao.

Mga nakabarong, nakaupo sa umiikot na upuan at kunwari nakikinig sa pinag-uusapan sa isang malawak na silid na malamig, sila'y nagbabangayan.

Paano? Paano ba magkakasundo ang mga ito? Paano makakaya ng isang tulad kong estudyanteng malabo pa ang kapalaran na magbigay, pagkakaisa sa aking bayan?

E, may problema pa ako sa pamilya. Kulang na kulang kasi ang pambayad sa kuryente at tubig, pagkain pa namin?

Kailngan ko na bang sumuko sa aking pag-aaral?
Ititigil ko na bang ang pagtuloy sa aking pangarap?
Paano ako magsisimula?
Wala na bang ibang paraan? Bakit ito pa?
Sabi niyo kayamanan ko ito, bakit inaagaw niyo?

E, isa lang naman ang pangarap ko.
Ang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo at maging ganap na propesyonal na linsensyado, upang mabigyan ng maunlad na buhay ang pamilya ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mind vs. HeartWhere stories live. Discover now