Wala ng totoo ngayon.
Lahat plastic.
Lahat pwedeng balewalain. Hindi mo man nakikita sa mga taong hindi mo kilala.
Makikita mo naman sa taong nasa paligid mo.
Mapapansin mo na lang ang bastos na ng ugali nila.
Kung pano kanila husgahan, na para bang ang perpekto nilang tao.Tss -,- lahat yon.
Makikita mo.
Idilat mo lang ang iyong mga mata mo at pakalinisan mo lang ang iyong mga tenga.
Dahil lahat nakikita at lahat naririnig.
Wag ka ng dumagdag pa sa kanila.
Binabalaan kita, mag ingat ka! Dahil hindi lahat kaya mong pagkatiwalaan.
Hindi lahat pwede mong bigyan ng galang at respeto dahil maraming iba dyan na kung tratuhin at husgahan ka na para bang isang laruan.
Laruan na akala mo'y walang naririnig at nararamdaman. Laruan na akala nilay hindi nasasaktan.Kung magmamahal ka naman sa Diyos at pamilya mo na lang ibuhos.
Dahil wala kang mapapala kung bumaling ka sa iba na wala naman ibang ginawa kung hindi mag paasa.
Tapos sasabihin "mis interpretation" lang ang lahat. Kingina.
Edi sana una palang sinabi na niya diba?
Pero hinde, e.
Kinailangan mo pang umamin sa kaniya na parang tangang humugot ng lakas ng loob tapos babalewalain ka lang pala niya. Lahat ng sayang nararamdaman mo, pati ang kaba dyan sa dibdib mo, lahat ng yan mapapalitan ng luha at sakit.
Dahil hindi lahat ng tao kayang ibigay sayo ang gusto at kailangan mo.
Hindi lahat ng tao kailangan mo para sa buhay mo.
Hindi lahat ng tao pwedeng magpasaya sayo, at hindi lahat ng tao kayang suklian ang ibinigay mo.
Kaya sinasabi ko sayo, mag ingat ka!Kung hindi mo naman na kaya, wag mong kakalimutan na meron kang kaibigan na handang dumamay sayo.
Hindi yung parang kang timang na umiiyak ng umiiyak ng dahil lang sa depresyon.
Hindi naman nila malalaman kung ayos ka o hindi.
Dahil wala naman silang mahika para basahin ang laman ng isip mo at malaman ang takbo ng utak mo. -,-Ikaw na ang lumapit dahil ikaw ang may kailangan.
Wag kang magdrama na para bang tunay kang nag-iisa.
Anong akala mo sa sarili mo? Nagbubukod tangi? Tss.Dahil dyan, makikita mo ang tunay na taong masasandalan mo kapag bigo ka na sa lahat. Dyan, mo makikita ang mga tunay na taong hindi ka makakalimutan at hindi ka babalewalaan. Kaya't magpa salamat ka na lang dahil may mga kaibigan ka pa, dahil bilang na lang ang mga yan.
-Mga Letra at Salita ni Binibining Trise💛
YOU ARE READING
Mind vs. Heart
PuisiSa pamamagitan nito nasusulat ko kung ano ang kasalukuyan na nangyayari sa buhay ko at sa pamamagitan nito naisusulat ko din ang mga nararamdaman ko.