1

1 0 0
                                    

"Bes, may sasabihin ako sayo." Di niya alam kung sasabihin ba talaga niya o didibdibin nalang niya sa huli ang nararamdaman niya.

"Ano naman yun bes, hmmm?" Wika ng dalaga, na walang ka alam-alam sa lahat, ewan ko lang kung manhid ba o nagbubulag-bulagan lang ng tila.

Nilapitan niya ang bestfriend niya at nihayapos ng yakap na waring nilalambing.

"Uutang ka na naman nu? Tiningnan niya ang kaibigan nya pero wala ito sa sariling naka tingin sa malayo.

" Hay naku Eduardo, tigil-tigilan mo ako. Nag-iipon ako ngayon. Kaya diet muna tayo." Sabay alis sa yakap sa kanyang kaibigan.

"Hindi bes, a-ano kasi. Wag kang magagalit. Promise?" Kabang tanong ni Eduardo sa kanyang bessy

"Ano ba yun? Tagal mo naman. Aalis na ako oh."

"Ah eh, bes, ah! Wag nalang kalimutan mo nalang yun"

"Ano ba! Alam mo naman ayaw ko sa taong pabitin ng mga sasabihin." Kukurutin sana ni Lyn ang kaibigan nya sa gilid ng hinuli ni Eduardo ang kamay niya.

Napatingin siya ng kusa at parang waring tinitimbang ni Eduardo at Lynn ang isa't-isa.

"Promise mo muna. Di ka magagalit, Mae Lyn?"

Nagulat si  Lynn, ng banggitin ng kaibigan niya ang totoong pangalan niya. Kaya napati-anod nalang siya.

"Oo na! Grabi naman to ang seryoso, ano bang meron  ha?" pag-iwas niya ng tingin sa kaibigan dahil parang naiilang siya.

"Bes, I.... I"

"You what, bilisan mo. Aalis pa ako. Utang na loob." Pa warik na saad ni Lyn sa kaibigan.

Wala sa sariling nataranta si Eduardo kaya't  nauutal siya sa nais niyang sabihin sa kaibigan.

Tinitimbang niya ang sarili kung. Marapa't bang sabihin niya ang ito o itago nalang para sa kanilang pagkakaibigan.

Ayaw man niyang sabihin, pero di na niya kayang itago.

"Bakla ano ba!"

Bumalik sa wisyo si Eduardo, ng narinig ang tila iratableng pagtawag ng kaibigan.

Napatawa nalang siya ng wala sa oras.

"Aba't hoy! Pinaglalaruan mulang ako! Walang kwenta. Aalis na ako bahala ka sa buhay mo!" Galit na saad ni Lyn.

Nagulat si Lyn ng nakitang bigla ngumisi ng nakakaloko ang kaibigan niya na parang may joke siyang binangit pero wala naman.

May haling insultu ang naramdaman niya sa nakita sa kaibigan kaya't parang pikon siya.

"Teka lang bes, ito naman siya. Walan naman akong ginagawa ah. Walk out agad? Hahaha"

Di pinansin ni Lyn ang kaibigan basta diretso lang siya sa lamesa kung saan nandoon ang bag niya at akmang aalos na ng bigla hinugot ni Eduardo ang kamay niya ang ikinulong sa palad niya.

"Ano ba!? Nagmamadali ako, nonsense naman yang sasabihin mo eh. Kung may gwapo kang nakita sayu na. Wala akong panahon sa lalaki ngayon kasi puro salita lang sila. Aba't kung sasabihin mong hindi naman lahat. Mag enumerate kanng ng lalaking hindi puro salit--" Hindi na natapos ni Mae Lyn ang nais niyang abihin ng bigla siyang niyakap ni Eduardo ng pagkahigpit.

Sa lahat ng oras, bes bakit ngayon pa?

Yan ang nais sabihin ni Mae Lynn sa kaibigan niya ng bigla nalang itong may ibulong sa kanya.

Sa pagbulong ng katagang yun, nagbago ang papananaw niya sa lahat ng pinaniwalaan niya at pati narin sa pagkakaibigan nila.

Nais man niyang pagkatiwalaan ang sinabi ni Eduardo pero mahirap siyang paniwalaan kung ang paniniwala mo nuon ay biglang naglaho.

Bes, alam kung mahirap pero hihintayin kita.

Alam ni Eduardo na mahirap at may possibilad na maraming magbabago sa nakasanayan niya pero hindi siya susuko. Papatunayan niyang totoo at hindi biro ang sinabi niya.

Bes, bakit akala ko ikaw ay ikaw- LYNN

Bes, di ko alam basta ko nalang naramdaman -EDUARDO

Yan ang mga katagang nais nilang sabihin ng harap harapan pero di kayang sabihin kasi takot sila sumagal sa isang labang ayaw nilang pasuking dalawa.

Mas nanaisin nilang iwasan ito at kalimutan nalang kaysa harapin ito at bigyan ng linaw.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHANGE OF HEART (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon