Friends

69 2 0
                                    

Fieldtrip na namin ngayon sa Ilocos, medyo mahaba-haba ang biyahe..

Excited na kong pumunta sa “pagudpod” na sinasabi nila.

Pero ang masaya talaga ay buti na lang at pinayagan ako ni Papa lalo naman tong si Mama, nung una ayaw pa pero papayag din naman pala.. Effective talaga sa mga magulang ang konting lambing, kiss sa pisngi, yakap sa katawan at *boom* PAYAG NA .

Nagdala ako ng maraming pagkain para sa SARILI KO at hindi para sa SARILI NG IBA. Dami kasing nanghihingi. Feeling ko tuloy mga walang pambili tong mga to. Tapos yung iba kung makahingi Feeling close pa.. Madamot na kung madamot noh. Isip bata na kung isip bata. Eto ako eh.  Bella Garcia nga pala :)  <3 :P

“Bella sasakay na tayo ng bus!”

“Ahy sorry po Mam” nakakahiya naman oh. Tsk mamaya ko na nga aayusin tong mga dala ko sa bus..

Ayun, nakita ko name ko! Ayos!

Nga pala, wala akong bestfriend pero marami akong friends. Sa panahon kasi ngayon, hindi na ko nagtitiwala sa mga kaibi-kaibigan na yan. Lalo naman sa mga lalaki hahaha OO! NBSB ako dahil sapat na sakin ang pagmamahal ng family ko, nila Papa at Mama saka sabi naman nila darating at darating yan malay natin nasa daan na pala joke.

“Heto na ang isip bata! Hahah”

Lumingon ako sa gawing kanan ng upuan ko at nakita ko si Yvelis Ramos. Nginitian ko lang siya. Ayoko kasi ng may kaaway. Usong uso ngayon ang mga war freak bakit kaya?

Haay salamat. Aalis na rin ang bus...

“Teka lang po!!” bukas ang bintana ko kaya narinig ko siya. Lumingon ako at nakita ko ang isang lalaki..

Tinitignan ko lang siya habang tumatakbo habang hinahabol ang bus namin

“Can’t you hear me?”

“Ha?” hindi ko masyadong marinig ang boses niya

“Itigil niyo ang bus!”

“Stop!” nataranta ako kaya napasigaw ako sa bus namin. Huminto naman ang bus at napansin ko ring nagsi-tinginan ang mga kabatch ko

Pumasok ang lalaking nakita ko kanina sa bintana..

“Oh Mr. Francis de la Vega. I thought you're not coming with us. Sit down beside Bella Garcia” sabi ni Mam Isabel

Ngayon ko lang napansin na nagtitilian ang mga babae dito sa bus. Bakit kaya?

“Sino po mam?”

“Bella Garcia. There!” sabay turo sakin

Dito siya uupo?? Nakakainis naman oh!! Pano yung mga gamit ko? Ang dami kaya nito!

Lumapit siya at agad ko namang tinanggal ang mga gamit ko..

“Bella, right? Ilang araw tayo sa Ilocos?”

“3days”

“Eh parang pang isang linggo yang dala mo ah”

“Ano bang pakialam mo?” defend ko sa sarili ko

“Pakialamero akala mo naman gwapo” sabi ko sa sarili ko pero ang totoo pinarinig ko talaga sakanya

“Gwapo naman talaga ko Miss Bella Garcia” sabay kindat sakin

Tiningnan ko siya at binigyan ng isang napaka fake smile...

 “Francis? I’m Yvelis. Nice to meet you. You’re so handsome pala talaga sa personal” at nakita kong inilahad ni Yvelis ang palad niya kay Francis at agad naman nitong tinanggap

Feeling ko MAHAL na kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon