Chapter 1: Transferee

57 5 0
                                    

Nathalie's POV

Nagising ako ng tumunog ag buwisit kong alarm clock. I got up and stretched my arms. Humikab ako at tinignan ko oras. Shit! 7:30 na, late na ako! First day pa naman ng school namin dahil bagong school kami pupunta. Mga transferees eh. Galing kami sa Korea nag aral last year dahil sa business ng mga parents namin. At ngayon ay babalik na kami dito para tapusin ang high school namin, last year namin ngayon. Agad akong bumangon at naligo. Pagkatapos na pagkatapos kong maligo, naghanda agad ako para sa school. Sinuot ko ang uniform ko. Yung black blazers, ang palda ko na hanggang itaas ng tuhod, black knee socks, at school shoes. Sinuot ko ang fake kong glasses. Kailangan eh. Kailangan kong mag-disguise na parang nerd para hindi mahalata ng mga kalaban namin sa Gangster World.

Lumabas ako ng mansion namin. Pagkalabas ko, nakita ko ang iba kong mga kaibigan o kaya't cousins, mula sa mansion nila. Magkakatabi lang kasi ang mga mansion namin. Kaming lahat ay nagsusuot ng peke na salamin for the sake of our gang lives. Si Avah, ang buhok niya ay tinali ng pig tails. Si Yanah, naka-ponytail ang buhok. At si Missy (tawag namin ni Melissa) naman, hindi niya tinali ang buhok niya. Lahat ng mga buhok namin, kahit tinali pa o hindi, napaka-buhaghag. Parang hindi kami marunong magtali ng buhok namin. Hindi naman sa hindi talaga kami marunong, we just did it on purpose para mag mukha talagang nerd.

"Hey guys!  Dali na, male-late na tayo!" Sigaw ko sa kanila.

"Teka lang, gutom pa ako!" Sabi ni Avah, habang lumapit silang tatlo sa akin.

"Lagi ka namang gutom eh! Siya nga pala, ang ganda ng buhok mo ah." Singit naman ni Yanah in a sarcastic tone.

"Dali na kayo guys! Malapit na mag alas-otso." Sabi ni Missy.

"Tara na nga." I rolled my eyes tapos pumunta kami sa mga sasakyan namin, which is all Ferrari. Black ang sa akin, pink ang kay Avah, blue ang kay Yanah, at maroon naman ang kay Missy. Oo na, sobrang yaman na namin.

Nag-drive na kami papunta ng school. Dumaan kami sa speacial gate kung saan walang masyadong tao dumadaan kasi mahaba pa ang lalakarin mula sa gate hanggang sa campus. Doon kami dumadaan kasi ayaw namin malaman nila na mayaman kami. Nag-park kami at tumakbo patungo sa flag ceremony. Pero kapag minamalas nga naman, mayroon pang teacher nakakita sa amin.

"Are you new students here? Why are you late?"

"Because we-" pinutol niya ang sasabihin ko.

"No explanations. Detention, young ladies." Patanong tanong pa kung bakit late kami tapos hindi pala niya kami pasasagotin? Wow, bilib talaga ako.

"But Ma'am, it wa-" pinutol na naman niya ang sasabihin ni Avah.

"No need. You are now not allowed to join the flag ceremony. Go to the office and find your scheds and find your classrooms." Sabi ni Mrs. Sungit. Tse. Hindi niya ba kami kilala? My mom owns this freaking school! I thought that she already talked with the teacher about our situation? They already know that we're gangsters and wears a disguise at school. New teacher ata.

Aangal sana kami pero ang daming students eh. 

"Sige na nga. Ang sungit mo naman, ma'am. Wala ba talaga kaming chance? New students nga kami eh." Sabi naman ni Yanah. Hays, si Yanah talaga, kahit kailan.

"Sundin na lang natin, Yanah. Tayo na lang ang mag bigay ng chance ni Mrs. Strikta dito." Ito naman si Missy oh.

"Ginugutom ako, pwede dumaan muna tayo sa cafeteria?" Sabi ni Avah.

Were Both Gangsters INLOVEWhere stories live. Discover now