Nathalie's POV
"Sorry were late"
"Omg, ang gwapo nila!"
"Oo nga! Ang hot pa!"
"Sa'kin 'yung nasa harap!"
"Sige, pero sa'kin 'yung nasa likod!"
Wow, kung maka-tsimis parang mga artista sila ah. Hindi naman sila ganyan ka gwapo eh. Saan ang gwapo diyan? Mukang wala naman. Tsaka, bakit parang may nararamdaman akong masama? Tinignan ko silang Missy at mukhang hindi rin sila komportable. Lalong lalo na si Yanah. Ang sama ng tingin niya sa kanila.
"Ang dami atang late comers ngayon. Detention for the four of you. Go on and introduce yourselves." Sabi ni Mrs. Lopez.
Pumunta sila sa harapan at ang mga babae, ayun, tsimis parin ng tsimis.
"Ako si Draven Angelou Villarael." Nag-smile siya at nag-wink sa mga girls. Tse, kinilig sila dun? And daming piercings niya ata at tsaka tattoos. Teka, ngayon ko lang napansin pero sila palang apat ay may piecrings at tattoos? Bakit may masama talaga akong feeling?
"Ako si Shawn Jacob Rodriguez." Simple niyang sinabi, at nag-bow.
"My name is Zachary James Scott. You can call me Zach~!" At nag-wink rin siya at kinilig naman ang mga babae. Nakita ko si Yanah at ang sama talaga ng tingin niya dito kay Zach. Nakita rin siya ni Zach at biglang lumamig ang paningin nito. Hmm, I smell something fishy.
"Ako naman si Zane Damon Fox." Mahina niyang sabi na halos hindi ko na narinig.
"Sige boys, umupo na kayo." Utos ni Mrs. Lopez.
Umupo sila sa likoran namin. Umupo 'yung Shawn sa likod ni Avah, si Zane ay sa likod ni Missy. Nang umupo si Zach, ayaw ata niyang umupo sa likoran ni Yanah pero wala siyang magawa dahil umupo na si Draven sa likoran ko which is the only chair left kaya umupo na lang rin siya sa likoran ni Yanah. Ano bang meron sa dalawang 'to?
"Ang malas. Ang pangit naman ng nasa harap natin, bros." Sabi nang Draven na iyon. Aba, talaga lang ha? Suntokin ko kaya siya?
"Oo nga. Nerds lahat. Kahit sana 'yung sexy na lang pero wala eh." Aba, sumasali pa 'yung si Zach? Pareho pala talaga sila.
"Wag na lang natin pansinin. Baka ma-insulto sila sa kapangitan nila." Sabi naman nang Shawn na 'yon.
Si Zane naman, tahimik lang. Silent type yata.
Yanah poked me, which is nasa tabi ko lang siya, "Nate, pwede ko silang balian ng buto? O kaya't saksakin lang?"
Nag buntung-hininga nalang ako, "Wag na, mahalata pa tayo diyan, pero good idea sana 'yan eh. Sarap nilang patayin. Wag na lang natin pansinin. Mga ugok 'yan eh."
Classes went by and it was lunch time. Pumunta kaming apat sa cafeteria at umupo sa isang tables doon. Si Avah, ang excited ng kumain. Minsan nga naisip ko kung bakit ang sexy at fit parin niya kahit kumakain na parang baboy.
"I can finally eat~!" Sabi ni Avah at kumagat sa burger niya. At hindi lang 'yan ang kinakain niya. May chocolates, cotton candy, at tsaka lolipop.
"Paghinaan mo naman ang pagkain mo, Avah. Baka tumaba ka sa lagay na 'yan." Sabi naman ni Missy.
"Tse! I won't get fat, don't worry."
"O sige, hindi ka tumataba pero wag kang humingi ng tulong kapag magka-Diabetes ka ha." Sabi ko sabay giggle.
YOU ARE READING
Were Both Gangsters INLOVE
Teen FictionAno ba talaga? Hate or Love? Ano ang nanalo? Kaya mo 'bang magmahal sa isang taong hinding hindi mo naman gusto? Kasi ang gang, Bad Ass Bitches, para sa kanila ay talagang imposible 'yun. Lalo na patungo sa lalaking gang na Extreme Bad Boys. Ano ba...