CHAPTER 1

18 5 5
                                    

My princess. ... I don't really know how to tell this to you .... but .... I ...... I love you ...

    

     "Veca!!.. Gumising ka na riyan at tanghali na!! Marami ka pang gagawin!"... naalimpungatan agad ako sa ingay ni Tinang, "Oho ... bababa na po..", mula sa napakagandang panaginip at pagkakatulog nang mapayapa ay naglaho lang ito bigla dahil sa malakas at sobrang nakakairitang boses ni tinang.

Bumangon na agad ako at inayos ang aking higaan.

Pagkatapos maligo ay dali-dali akong nagbihis. Kinuha ko ang ubod sa simple ko'ng damit at isinuot agad.

Hindi kasi ako mapili pagdating sa mga kasuotan, ayos na sa akin yung simple lang. Eh, wala naman talaga kasi akong mapagpipiliang damit na isusuot dahil kaonti lang yung damit ko. Mahirap lang kasi kami.

Pansamantala akong huminto sa aking pag-aaral dahil sa kahirapan, at para na rin makatulong sa bahay.

Mayaman kami noon, si Papa ay nagmamay-ari nang isang napakasikat na Mall sa bansa, habang si Mama naman ay isang CEO sa napakalaking kompanya.

Pero simula noong madiagnosed si mama nang Heart Cancer, nagsimula nang masira yung buhay namin, hanggang sa kalaunan ay nalugi rin ang Mall ni papa dahil sa sobrang bayarin ni mama sa pagpapahospital, at mga operations, kung saan saang bansa na siya dinala para lang makahanap nang pinakaekspertong doktor na maaaring makapagpagaling kay mama.

Pero ilang buwan ding nagtiis si mama sa kalagayan niya, ilang buwan niyang tiniis ang araw-araw na halo-halong sakit sa katawan niya. Pinipilit niyang labanan ang kanyang sakit dahil ayaw niya daw kaming iwan.

Hindi niya gusto'ng iwan ako dahil masyado pa akong bata para mawalan ng ina. Hanggang sa hindi na niya nakayanan ang sakit na naramdaman.

Nang mamatay si mama, nagsimula na ring magkasakit si papa, ang sabi nang doktor isa na rin daw sa dahilan kung bakit nagkasakit si papa ay dahil sa sobrang kalungkutan niya sa pagkawala ni mama.

Nasasaktan ako para kay papa. Alam ko kung gaano niya kamahal si mama. Kahit bata pa ako noon, nakikita ko at nararamdaman ko kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.

Mahal na mahal ni papa si mama, alam ko kung gaano niya ito pinahahalagahan kahit na wala na ito sa piling niya.

Pero bigla nalang akong nadismaya kay papa. Hindi ko akalaing magagawa niya iyon sa amin ni mama.

Ilang taon matapos mawala si mama, bigla ko na lang nabalitaan na may bagong lihim na karelasyon pala si papa.

Hanggang sa hindi nagtagal ay ipinakilala niya ito sa akin.

Maganda naman si Tinang. Akala ko nga magkakasundo kami dahil sa medyo bata at maamo niyang mukha.

Sabi ni papa, ninang ko daw yan si tinang. May dalawampung ninang ako at kasama na doon si tinang. Noong nabubuhay pa si mama, nakikita ko na si tinang na palaging kasama ni papa. Kasi nga raw matalik nila itong kaibigan ni mama, at mahirap lang daw si tinang kaya tinutulungan siya ni mama at papa. Bela ang totoo niyang pangalan.

Hanggang sa ayon na ang nangyari, step-mother ko na ngayon si tinang.

Mabait siya sa akin, kapag andiyan si papa. Inaalagaan niya ako at tinuturing na parang totoo niyang anak.

Pero kapag wala si papa, dahil paminsan minsan lang siya umuuwi sa bahay mula sa pagtatrabaho niya bilang Construction Worker ay saka ko na mararanasan ang mala tigre niyang personalidad. 

Minsan kapag wala si papa ginagawa niya akong katulong sa bahay. Pinahihirapan niya ako, ipinapagawa at iniuutos niya sakin lahat nang gawain niya. Hindi naman ako pwedeng tumanggi kasi parurusahan niya ako. Sasaktan, sasampalin ng paulit-ulit o di kaya ilulublub niya yung mukha ko sa malaking balde na may lamang tubig.

He Is My DreamWhere stories live. Discover now