CHAPTER 3

12 1 1
                                    


Pagkagising ko kinaumagahan, nagtungo agad ako sa kwarto ni tinang.  Umalis kasi siya, may aasikasuhin lang daw.

Pilit ko'ng hinanap yung bote.

Nagbabakasakaling makita ko iyon. Mayroon talaga ako'ng kakaibang naiisip sa tuwing nakikita ko yung bagay na iyon. Feeling ko hindi talaga yun kay tinang. Parang may ibang nagmamay-ari. Tinignan ko yung ilalim nang kama niya, maraming mga kahon, binuksan ko lahat pero wala ako'ng nakita'ng bote.

Binuksan ko ang cabinet niya, kakaunti lang ang damit kaya mabilis ako'ng naghanap. Kapag sinwerte nga naman, nakita ko agad yung bote. Kinuha ko ito at umupo ako sa kama ni tinang.Tinignan ko ng mabuti iyo'ng bagay, na para bang nag-iimbistiga ng isang kasangkapan.

    Ano ba talaga ang laman nito'ng bote na 'to? ..

Kahit mahinahon lang kasi yung boses ni tinang kahapon pero alam ko'ng galit na galit siya sa pangingialam ko sa bagay na 'to.

Hindi ako sanay sa boses ni tinang kahapon .. haha..

Biglang kumatok yung pinto. Muntik ko nang mabitawan ang bote, dali-dali ako'ng nagtungo sa cabinet at tinago muli ang bote. Lumabas ako agad sa kwarto at tinignan ko kung sino yung kumakatok.

Pagbukas ko nang pinto, si tinang agad ang bumungad sa akin. Hindi ako mapakali, kinakabahan ako sa sobrang pagkagulat at dahil na rin sa pagbungad agad ni tinang. Pero nagtaka ako bigla nang makita ko ng malapitan ang mukha niya ..

Umiyak na naman ba ito'ng si tinang? Namamaga na naman kasi yung mata, at pulang pula ang kanyang mukha.

"Ah, tinang okay lang po ba kayo? Ano po'ng nangyari? Umiyak ka po ba?", bigla ko'ng naitanong habang pumapasok siya sa loob. "Wala, wala 'to. Ikaw na muna magluto nang mga miryenda para mamaya, magpapahinga na muna ako. Pagod ako ngayon, huwag mo ako'ng distorbihin".

Nagtungo siya sa kwarto niya at padabog na sinara ang pinto.
Hindi ko na talaga maintindihan, ano ba talaga'ng problema ni tinang? Kahapon pa siya'ng umiiyak. Siguro may problema sila ni papa.

Nagtungo na lang ako sa kusina at naghanda nang almusal para makakain na rin ako ng maaga, dahil magluluto pa ako ng inutos ni tinang. Ako na lang daw muna ang magluluto ng ibebenta ko mamaya.
-

Palakad-lakad na ako sa kalsada habang naglalako nang miryenda. Salamat naman at meyo maulap ngayon, kaya hindi ako mahihirapan sa pagbebenta sa kahit saa'ng kabahayan. Mga bahay lang ang pinupuntahan at pinagbebentahan ko nito'ng miryenda, hindi ko nasubuka'ng mabenta sa mga opisina. Baka kasi palayasin lang ako doon nang guard nila. Baka bawal ang mga katulad ko'ng tindera.

Habang naglalakad lakad, naisipan ko'ng magbenta sa kanila, sa mga tao sa opisina. Baka magkacustomer ako doon, hindi naman siguro lahat nang opisina ipinagbabawal ang mga nagbebenta nang ganito. Baka nga maraming bibili ng benta ko doon, ang sarap kaya nito'ng mga "cues" ko. Lalo na at ako ang nagluto nito.

Una ko'ng napuntahan ay isang napakalaking gusali. Kapag sinwerte ka nga naman Vecca!
Kabado ako'ng pumasok, humarap agad sa akin yu'ng guard ng kompanya. Masama agad na tingin ang ipinukol niya sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

Kuya ngayon ka pa lang siguro nakakita nang artista.. naku! Si kuya..

"Miss? May hinahanap ka ba? Ano'ng kailangan mo?", ano bang klase'ng tanong yan kuya? Ang sikat ko'ng artista, tapos yan lang itatanong mo sa 'kin? "Ahm, kuya kumakain ka po ba nito?", sabay pakita sa dala-dala ko'ng miryenda. "Pwde po ba'ng ibenta ko ito'ng masarap na miryenda'ng niluto ko diyan sa loob? Nagbabakasakali lang po, baka magustuhan nila, baka magustuhan niyo rin po".
"Pasensya na miss hindi tumatanggap ang kompanya ng mga tindera sa labas, maaari na po kayo'ng umalis". Edi aalis! Eto namang si kuya. Sandali naman ako doon. Ilalako ko lang itong miryenda.
Hay! Bahala na nga, subukan ko na lang sa ibang opisina.

Pababa na ako sa hagdan ng may biglang pumarada'ng magarang sasakyan sa harap ko mismo. Dito siguro 'to nagtatrabaho. Ah! Mabentahan nga!

Lalapit na sana ako sa sasakyan nang bigla ako'ng napahinto sa nakita ko. Totoo ba ito? Dito ba siya nagtatrabaho? Yung kaboses ng lalaki sa panaginip ko? Siya ba ito? Yes! Nakita ko rin siya!

Nilapitan ko ang lalaki pero bigla agad ako'ng hinarangan ng body guards niya. Hindi daw ako pwede'ng basta-basta na lang lalapit sa kanya. Sino ba siya? Ganun ba siya kayaman at kapowerful para di agad malapitan? Ang laki naman ata ng respeto nila sa lalaking 'yan.

Tinanong ko na lang ang isa nilang body guard, "Excuse me sir, sino po ba siya? Ano po ba siya sa kompanya'ng iyan?", sinagot naman agad ako ni manong body guard. "Siya si Sir Jordan Kyle Pierre, siya ang anak ng nagmamay-ari nang kompanya'ng ito".

Talaga? Anak siya ng nagmamay-ari nang napakalaking gusali na ito? Hala, ang swerte naman niya. Kaya pala ganyan ang itsura niya, malinis at disente tignan. Ang lakas pero inosente ng kanyang tindig. Mahahalata mo talaga mismo sa aura niya na isa siyang kagalang-galang na tao. Siya pala si Jordan. Iba'ng iba sa pangalan ng lalaki sa panaginip ko.

Habang tinatanaw ko siya'ng pumapasok sa loob ng building, isinasaulo ko yung mukha niya, yung kurba ng mukha, yung tangos ng ilong, ang mata niyang napakapungay. Memorays ko na!..

Nagtungo ako sa ibang gusali at swerte nama'ng nakabenta ako, at pag uwi ko ubos na ang paninda ko. Yes! Ang swerte ko naman ngayo'ng araw na 'to.

Pagod ako'ng nagligpit ng mga ginamit ko sa pagtinda. Pagkatapos ay naghanda na ako ng hapunan dahil inutusan na ako ni tinang na magluto. Habang kumakain kaming dalawa, si tinang ay tulala pa rin. Alam ko'ng ang lalim ng iniisip niya. Ramdam ko'ng may gusto siyang sabihin sa akin pero di niya ito masabi. Kaya ako na mismo ang kumausap sa kanya.

"Tinang? May problema po ba? Pwede niyo po'ng sabihin sa akin". Umalis siya bigla sa hapag at nagtago'ng muli sa kwarto habang iyak ng iyak. Naku! Ano ba talaga itong problema ni tinang. Bakit ayaw niya'ng sabihin sa 'kin?

Sa halip na istorbohin ko si tinang ay ipinagpatuloy ko na lang ang hapunan at nagligpit pagkatapos. Pwede naman siguro ako'ng maaga'ng matulog ngayon. Tapos na rin naman ako'ng magligpit at maglinis ng bahay.

Dumiretso ako sa kwarto at humiga agad sa kama. Haayy.. Masyado ata ako'ng napagod ngayong araw. E sa dami ko ba namang napuntahang bahay at mga opisina kanina kakalako ng paninda. Gusto ko na talaga'ng magpahinga ngayon.
-

" Hai Vecca, kamusta ang araw mo?", tanong agad niya sakin pagdating ko sa bahay namin.

"Masyado ako'ng napagod kakatrabaho eh. Ang dami kasi'ng customer kanina".

Sinalubong ko agad siya ng mahigpit na yakap. Mahal na mahal ko talaga ito'ng boyfriend ko. Kahit makulit minsan. Bigla akong napaisip at tinanong siya ng masinsinan.
"Ahm, Jake may itatanong lang sana ako",

"Ano ba yun?"

"Bakit kapag nandito ako sa panaginip natin, ang saya saya ko, kilala'ng kilala kita, alam na alam ko kung sino ka, memorize ko yung mukha mo. Pero bakit kapag gigising na ako, makakalimutan ko naman agad ang mukha mo? Hindi ko na matandaan. Bakit ganun?".

Lumapit ang mukha niya sa 'kin.

"Kasi mas pinili ko ito, ang makalimutan mo ang mukha ko paggising mo?".

"Ang daya! Bakit naman?"

"Kasi Vecca sa panaginip mo lang ako nag eexist. Hindi ako totoo".

He Is My DreamWhere stories live. Discover now