CHAPTER 4

5 1 0
                                    

  After 9 years...

 

    "Vecca anak, may magandang balita ako sa'yo", habang nag aalmusal kami ay tumawag si papa. Hindi ko maiwasa'ng tignan si tinang. As usual, masungit parin kahit walang sinasabi.

"Ho? Ano yun tay?"

"Nak may nakita ako'ng isang restorant doon sa kabilang kanto kahapon, naghahanap sila ng waiter, baka gusto mo'ng mag apply doon anak?"

Natuwa naman ako kay tatay. Kahit papaano naramdaman ko na ayaw niya talaga sa ginagawa ko araw-araw, siyam na taon na akong nagbebenta ng kung ano, tinitiis ang init para lang may pera'ng pangkain.

"Ay talaga po pa? Naku, pupuntahan ko yan mamaya, baka pwede ako doon", lam ko namang wala akong tyansang makapasok sa resto na yun. Wala ako'ng alam sa mga ganun eh, tapos hindi man lang ako nakagraduate ng highschool. Kahit high school lang.

Pero hindi ko aayawan si papa, alam ko'ng gusto niya ring magtrabaho ako doon.

9 years na ang nakalipas pero wala pa ring nagbago samin, sa pamumuhay namin.

Kung swertehin man ako at makapagtrabaho ako doon... sana nga.. ay baka madagdagan yung pang-ipon para sa araw-araw naming gastusin. Mabawas bawasan konti yung paghihirap namin.
-

Nagbihis na ako pagkatapos kong maligo. Umabut ako sa isang oras sa pagbabad sa banyo, sinigurado ko talaga na mabango ako para di ako mapahiya pag haharap na ako sa mag iinterview sakin mamaya.

Nagsuot lang ako ng plain na blue shirt at black na jeans, sapatos na sira pero magagamit pa naman, okay na siguro 'tong suot ko.

Nagpaalam na ako kay tinang, syempre hindi na sya nakatanggi sa gagawin ko dahil bukod sa desisyon iyon ni papa ay alam naman niya na malaki ang maitutulong ko kung mag a-apply ako sa trabahong 'yon.

Mahal ko sila ni papa... gusto ko'ng baguhin ang pamumuhay namin. Ayokong nakikita silang nahihirapan..
-

Mula dito sa kinatatayuan ko ay tanaw ko na ang malaking restaurant na pag a-applyan ko.

Sana naman matanggap ako dito.

Ayoko na sa buhay namin. Nahihirapan na kami ng husto.

Lumapit ako kay manong guard at tinanong kung saan mag a-apply, sinagot naman niya ako na sa counter lang daw ako didiretso at sabihan ko lang na mag aapply ako.

Kinuha ng cashier ang resume ko at dineretso ako sa mag iinterview daw sakin, at aba.. manager nila ang mag iinterview.

Wwooohh .. kinakabahan ako.
-

Natapos ang interview at ipinaliwanag ng manager sakin ang dapat kung gawin, hintayin ko lang daw ang text nila kung pumasa ba ako sa interview, saka daw ako makakapagtrabaho sa kanila.

Nang makauwi ako sa bahay ay di ko nakita si tinang, baka may pinuntahan na naman yun. Dumiretso ako sa kwarto, nagdasal ako saglit, na sana matanggap ako sa trabahong inaplayan ko kanina.

Nang matapos ako sa pagdadasal ay humiga ako saglit sa kama. Huminga ako ng malalim nang biglang nag ring yung cellphone ko, este cellphone pala naming lahat. 3 in 1 to eh. Dito lang nilagay sa kwarto ko.

Nagtaka naman ako kung bakit iyon tumunog, ang naalala ko kasi bukas pa nila ako itetext sa inaplayan kong trabaho.

Bumalikwas ako sa pagkakahiga at tinignan ang message na nakatatak sa cellphone. Binuksan ko ito at si papa lang pala ang nag text. Tinatanong niya kung kumusta daw ang intervie ko. Nireplayan ko naman siya agad

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He Is My DreamWhere stories live. Discover now