CHAPTER 2

10 1 0
                                    

Wala sa sarili ako'ng naglalakad sa daan papunta sa bahay namin. Naiisip ko pa rin yung nangyari kanina.

Madilim na nang makauwi ako sa bahay. Napansin ko agad kung gaano na kaliit ang bahay na tinitirhan namin ni papa. Naaalala ko pa kung gaano ito kalaki dati.

Yung dating malaking tahanan ay naging isang simple at maliit na kubo na ngayon. Para bang mansyon na naging kubo. Yung dating tatlong palapag na bahay namin ay naging isahan na lang ngayon. Kung gaano kalawak ang lupa na tinitirikan ng bahay namin noon ay ganun din kalawak ang nawala.

Aray.. sumasakit na naman yung ulo ko .. tigilan ko na muna yung pag-iisip ko nang kung ano-ano ngayon. Kakagaling ko palang sa hospital. Ayoko nang bumalik doon.

Nakakapagod humiga sa malambot na kama na iyon. Naaalala ko lang yung dati ko'ng sobrang laking kama. Prinsesa turing ni mama at papa sakin noon. Pero ngayon...

Naglakad na ako diretso sa bahay, bubuksan ko na sana ang pinto nang may narinig akong malakas na hagulhol. Parang nanggagaling iyon sa kwarto ko..

Alam ko ang boses na yun. Boses yun ni tinang. Alam na alam ko ang boses niya ..
Sigurado akong si tinang yung umiiyak. Pero bakit naman siya iiyak?

May problema ba siya? May nagawa ba akong hindi maganda kanina? Naku! Baka meron, papagalitan na naman ako nito.
Kailangan ko siyang puntahan nang malaman ko. Baka may maipaliwanag pa ako kung sakasakaling may pagalitan ako. ... wag naman sana ..

Ipinagpatuloy ko ang pagbukas nang pinto nang bumungad sa akin ang mga damit na nagkalat sa sahig. May mga ibang gamit din na parang itinapon ito dahil nabasag ang iba.
Anong nangyari dito? Sino namang gumawa nito? si tinang lang naman yung andito. At sa pagkakakilala ko sa kanya, ayaw niya nang kalat. Naiinis siya kapag makalat ang bahay.

Dumiretso na muna ako sa paglalakad. Nakita ko sa mesa ang isang supot nang kung ano mang pagkain ang nasa loob nito. Umuwi ba si papa? Di pa naman niya day off ngayon eh.

Dinig na dinig ko pa rin ang hagulhol ni tinang. Pero mas nakakabuti siguro kung hindi ko na muna siya pupuntahan at kakausapin. Baka bulyawan at saktan lang ako nun.

Pinulot ko ang mga nagkalat na damit at sinimulan ko ang paglilinis sa bahay. Ayoko nang perwisyuhin pa si tinang sa pagligpit ng mga ito, alam ko'ng malaki talaga yung problema niya. Nararamdaman ko mula sa kanyang pag-iyak.

Habang abala ako sa paglilinis, may napansin ako'ng bagay na kumikinang, nagmula ito sa isang sulok. Dali-dali ko itong pinuntahan at nakita ko ang isang bote. Maliit na bote. Pinulot ko ito at may napansin ako'ng tatlong nakatuping papel sa loob nito.

Ang ganda nang bote, hindi siya isang ordinaryong bote lang. Sa labas nito ay may nakadisenyong bulaklak na plastik. Mga naggagandahang bulaklak. Ang takip nito ay pormang paru-paru. Makulay ito.

Napansin ko'ng may nakasabit dito'ng isang kulay asul na ribbon. Binasa ko agad ang nakasulat.

"My Dream" ...

Kanino naman ito? Sinong nagmamay-ari nang bagay na 'to?

"Anak" ..
"Pa? Ang aga niyo po atang umuwi ngayon? Day off niyo po ba?"
Nagmula si papa sa kwarto, sa kwarto kung saan umiiyak si tinang. Tinago ko ang bote sa likuran ko.
"Ah oo anak, humingi ako nang permiso sa boss namin na mag day off ngayon.. Siyanga pala, may ulam riyan sa mesa, pakihanda na pagkatapos mo'ng maglinis diyan para makakain na tayo"
"Opo pa", sagot ko kay papa.

Agad naman ako'ng nagtungo sa kusina at hinanda na ang hapag para makakain na kami. Nilagay ko ang bote sa mesa nang sa ganun ay hindi nila ito maapakan, at para na rin madali ko itong makita mamaya.

Habang abala ako sa paghahanda ng pagkain, biglang lumabas mula sa kwarto si tinang. Namamaga pa rin ang kanyang mga mata at namumula ang kanyang buong mukha.

Dumiretso siya agad sa hapag at bigla na lang siyang nagulat nang makita niya ang bote sa mesa. Laking gulat ko din naman ng bigla niya itong kinuha.

"Ahy tinang akin po iyang bote, pasensya na po, wala po kasi ako'ng malagyan kaya pinatong ko na muna sa mesa", huminto muna ako sa paghahanda at nagtungo ako kay tinang nang sa ganun makuha ko ang bote. Sa halip na ibigay ni tinang ang bote sa akin ay hindi niya man lang ito tinangkang bitawan. Hinarap niya ako.

"Ikaw ba talaga ang nagmamay-ari ng bote na ito? Sigurado ka?", kinabahan ako bigla sa tanong niya. "Vecca akin itong bote na 'to. Ibinigay ito sa akin nang isang malapit ko'ng kaibigan, sana sa susunod huwag mo'ng galawin ang mga bagay na hindi mo naman pagmamay-ari."

Aba! Ang hinahon ni tinang magsalita ngayon ah. E paano andiyan kasi si papa. Pero bigla akong kinabahan kanina, akala ko sasaktan niya ako kasi inangkin ko yung bagay na sa kanya dapat, hindi ko pagmamay-ari.

Ang dami 'atang nangyari ngayong araw na ito. Mas mabuti pang magpahinga na ako. Habang nakahiga ako dito sa kama, hindi pa rin mawala sa isipan ko yung mga nangyari kanina. Ang pag-iyak ni tinang na hanggan ngayon di ko pa rin malaman ang dahilan. Yung nakita ko'ng bote, na sa tingin ko may ibig sabihin doon. Pakiramdam ko kasi hindi lang yun basta-bastang ibinigay ng kaibigan niya. Alam ko'ng may ibig sabihin ang bagay na iyon.

At yung nangyari kanina sa hospital.

Yung napakapamilyar na lalaking tumulong sa akin ..

Ni hindi ko man lang siya nakilala. Nagtataka ba kayo anong nagyari? Ganito kasi yun, pagkatapos ko'ng magising bigla ko na lang siya'ng nakita. Tinanong pa nga niya ako kung okay na ba ako. Sinagot ko naman siya na hindi na masama ang pakiramdam ko. Pagkatapos nun, bigla na lang siya'ng lumabas at di na bumalik. Hindi ko man lang siya nakilala at napasalamatan ng maayos sa pagtulong niya sa akin.

Pinauwi ako ng driver niya, siya lang ang sunod na humarap sa akin, nakausap ko siya sandali at pinauwi niya naman ako.
Napakamisteryoso talaga ng lalaki na 'yon.

Bakit ba kasi ganito yung palagi ko'ng napapaginipan? Iba iba nga yung eksena, iba iba yung nangyayari pero iisa lang ang palagi ko'ng kasama. Isang lalaki. .. siya yung parati'ng nasa panaginip ko, siya yung palagi ko'ng kasama.. pero hindi ko naman alam kung sino siya. Naaaninag ko ang mukha niya kapag nasa panaginip kami pero kapag gigising na ako, bigla ko nama'ng nakakalimutan yung itsura niya. Ewan ko ba kung bakit ganun.

Hanggang ngayon, dala dala ko pa rin sa isip ko ang mga tanong na hindi ko makuha yung kasagutan.

Kung bakit nasa panaginip ko siya ..

Kung bakit nakilala ko siya sa panaginip ..

Kung bakit naging kaibigan ko siya sa panaginip ..

At..

Kung bakit mahal na mahal ko siya ..

Kahit sa panaginip lang ..

He Is My DreamWhere stories live. Discover now