The Second Time Around (2)

1K 37 10
                                    

Sanya's POV

Ayokong sabihin 'to sa kanya pero kailangan niyang malaman, ang tagal ko rin na itinago sa kanya ang lahat ng nangyari.

"Rocco, meron akong anak." Sabi ko sa kanya. Nagulat siya sa sinabi ko.

"Kailan pa?" Nakita ko sa mga mata niya na nagulat siya sa sinabi ko.

"Malapit na siyang mag isang taon," sasabihin ko ba sa kanya?

"Is that why you were gone?" Tanong niya sa akin.

"Oo," kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko, ipinakita ko sa kanya ang picture ng anak ko.

He smiled, "Kamukha mo siya, Sanya" sabi niya sa akin.

"Iba ang sinasabi ng mga tao kapag kasama ko siya, yung Daddy daw niya ang kamukha niya" Huminga ako ng malalim.

"Rocco, may kailangan kang malaman tungkol sa kanya" Inumpisahan ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Rocco, nabuntis ako bago ako umalis papuntang Spain kung saan ko ako namuhay for a short time" I explain to him.

"Bakit hindi namin alam na nabuntis ka?"

"Kasi ayaw kong malaman ng mga tao at saka nung Ama niya"

"Bakit?"

"Alam ko na hindi pa ready yung ama ng anak ko na maging ama para sa kanya. At alam ko rin na magiging ok din ang lahat"

"Sanya, anak ko ba siya?" Tanong niya sa akin.

Bigla na lang ako naiyak, "Sanya, sagutin mo ako. Anak ko ba siya?"

Tiningnan ko siya sa ng maigi, "Anak mo siya Rocco, anak natin siya" paliwanag ko sa kanya.

"Paano mo 'to nagawa sa akin? At sa kanya? Hindi mo siya pinalaki ng walang ama, Sanya! Bakit hindi mo sa akin sinabi?"

"Alam ko na you had a lot going on and I found out that I was pregnant, I already left the country. Hindi tayo nagusap, everytime na I tried to talk to you, wala ka daw o busy ka" Paliwanag ko sa kanya, pero alam ko hindi niya pa rin maiintindihan ang ginawa ko.

"Sanya, you should've told me" Sabi niya sa akin.

"Sana mapatawad mo ako, Rocco"

"Nasaan siya?"

"Nasa bahay ko, kasama niya ang yaya niya. Inexpect na niya na malapit na akong umuwi. Gusto mo ba siyang makita at makilala?"

"Siyempre naman. Gustong gusto kong makilala ang aking anak"

Ngumiti ako sa kanya pero alam ko na hindi pa niya ako mapapatawad sa ngayon.

-

Rocco's POV

"Anak mo siya Rocco, anak natin siya" Sanya confessed to me. Nabigla ako sa sinabi niya. May anak ako, isa akong ama.

Pero bakit niya tinago sa akin? Mas gugustuhin ko na maging ama sa anak ko. Sana naintindihan ni Sanya yun.

"Sanya, kailan mo siya pinanganak?"

"March 9"

"Magkalapit kami ng birthday?" Napangiti ako.

Ngumiti si Sanya, "Oo, magkalapit nga ang birthday niyong mag-ama"

Masaya ako na may anak ako, ang wish ko lang sana ay nalaman ko. Hindi ako galit kay Sanya, pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi niya kaagad sinabi sa akin.

"Excited na akong makita ang anak ko, Sanya. Ano nga pala ang panglan niya?"

"Raphaela ang pangalan niya," Napangiti ako.

"You named her after me?"

Sanya nodded, "Oo, kasi alam ko naman na magiging mabuti kang ama sa kanya"

"Salamat Sanya"

"Malapit na pala tayo sa amin" Sabi ni Sanya.

Sinabi niya sa akin kung saan ako liliko, huminga ako ng malalim.

"Malapit mo ng makita ang anak natin" Sanya said to me.

I can't help but feel butterflies, sobrang excited ko na finally makikita ko na ang anak ko.

SanRo // RocSan StoriesWhere stories live. Discover now