Sanya's POV
Kaka-break lang niya sa girlfriend niya. Ayokong maging rebound sa kanya. Pero alam namin parehas na may gusto kami sa isa't isa.
Hindi kami nag usap ng isang taon, isang taon na nakipag date din ako sa ibang mga lalaki at siguro siya din, naka move on na siya at nakipag date din sa ibang mga babae.
Sa araw nito, alam ko na magkikita kami kasi magkakatrabaho kami. Inihanda ko na ang sarili ko at ang puso ko sa kung ano man ang pwedeng mangyari.
"Sanya, kumusta ka na?" Kilala ko ang boses niya, kahit nakapikit pa ang mga mata ko. Alam ko ang tunog at timbre ng boses niya.
"Rocco, mabuti naman ako. Ikaw?" Umupo siya sa harapan ko, napagmasdan ko muli ang mga ngiti niya.
"Mabuti rin. Busy sa trabaho pero ok lang din"
Nakikita niya ba na kinakabahan ako? Hindi ko alam kung ano ang ike-kwento ko o itatanong ko sa kanya.
"Sanya, busy ka ba after this?" Tanong niya sa akin habang nagre-ready ako. Wala pa akong bahid na makeup sa mukha ko.
"Wala naman, bakit?" Gusto ba niyang maki pag date sa akin mamaya? Breathe, Sanya
"I was wondering kung gusto mo sana na makipag dinner sa akin mamaya, tayong dalawa lang"
Ay diyos ko. Handa ako.
"Sure" Yun lang ang sinagot ko sa kanya, pero napangiti naman siya sa aking sagot. Kinakabahan ako pero masaya ako.
-
Rocco's POV
I finally built up the courage to start something with her again. Isang taon din ang nakalipas, naiintindihan ko kung bakit ayaw niya nung una ko siyang tinanong. At tama naman siya.
Natapos din ang trabaho namin parehas at I made sure na mangyayari ang gabing ito, "Sanya, hihintayin na lang kita sa lobby"
"Salamat, mabilis lang ako" She tells me.
"Take your time"
Sobra kong saya na she agreed to go on a dinner with me.
Hindi rin ako matagal na pinaghintay ni Sanya, she walking down the stairs. She was dressed simpler, which I preferred.
Sobrang ganda niya, walang makeup, naka jeans, white shirt at ang kulot niyang buhok na nakalugay lang.
"Hi, tara na?" I offered to hold her hand and I'm glad she took it.
We drove to the restaurant, Yuan Bistro.
"Hi Sir Rocco, table for two?" The hostess asked me. I was a regular here also I partly own it.
"Eto yung restaurant na na-kwento mo sa akin noon di ba?" Tanong sa akin ni Sanya.
"Oo, eto! Dream come true para sa akin"
The hostess led us to our table, it was the private spot, no one knows that we're both here. It's going to be a private dinner for us to talk.
Napansin ko na naiilang na si Sanya, "Are you ok?"
"Oo, ano ba ang masarap dito?" Tanong niya sa akin"
I recommended her the main meals that I know we both can enjoy. And gladly she did when the food came to our table.
Kung ano ano na ang pinaguusapan naming dalawa, sobra ko siyang na miss. Ang tagal ko rin siyang hindi nakita.
Buong araw at gabi, may isa akong tanong para sa kanya. Until na I got the courage to ask her, "Sanya.. pwede pa ba?"
"Rocco.." she starts to say, please say Yes!
"May kailangan kang malaman tungkol sa akin" Sanya tells me.
"Ano ang dapat kong malaman?" Hindi ako prepared sa sagot niya sa akin.
YOU ARE READING
SanRo // RocSan Stories
FanfictionCURRENT STORY: The Second Time Around Fictional Stories about Sanya Lopez and Rocco Nacino. I love this loveteam.