Before The Dawn [2]

675 35 6
                                    

Before The Dawn [2]

          - tiffanism

Nagising ako na wala ng katabi. Agad kong hinanap si Kuya pero hindi ko siya nakita, baka lumabas na naman. Naghanda na ako ng breakfast namin. Tinawag ko sina nanay nung ready na yung mesa. Hindi na naman namin kasabay si Kuya kumain. Si tatay, halatang masakit ang ulo.

"Nasaan na naman si Michael?"

 

"H-hindi ko po alam eh."

Biglang may pumasok, si Kuya pala. Umupo siya sa tabi ko at nagsimulang kumain. Natuwa naman ako, nag-aalala kasi ako eh. Hindi rin kasi siya kumain ng dinner kagabi.

"Michael, may malapit na paaralan dito sa nilipatan natin, mag-enroll kayo mamaya." sabi ni nanay. Hindi man lang sumagot si Michael, para ngang wala siyang narinig.

"Wag po kayong mag-alala 'nay." ako na lang yung sumagot.

---

Sinusundan ko lang si Kuya. Hindi ko kasi alam kung saan yung school na tinutukoy ni nanay eh. Tumigil si Kuya sa isang school na may napakataas na gate at napakaraming vandals. Hindi mo mahahalata na school yung building na nasa harap ko.

Pero wala naman akong choice eh. Kailangan kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko, hindi dapat ako maging mapili. Ngumiti ako. "Pumasok na tayo kuya."

"Pwede ba.." tiningnan niya ako ng masama. "Wag mo akong tinatawag na KUYA, hindi kita kaano-ano." yun lang at nagsimula na siyang maglakad.

Napahawak ako sa dibdib ko. Sinaktan na naman ako ni Kuya, emotionally. Pero hindi ko pa rin kayang magalit sa kanya. Sinundan ko na lang siya. Pumasok siya sa Guidance Office. Nakatayo lang siya dun. Nakatingin lang din sa kanya yung teacher na naroon. Parang sanay na yung teacher sa mga studyante na katulad ni Kuya.

"Ahm, good morning po."

Ngumiti sa akin yung teacher. "Good morning din. Anong maitutulong ko sa inyo?"

"Ahm, mag-eenroll po sana kami." napataas yung kilay niya.

"Wala ka bang kasamang magulang o di kaya'y guardian?" tanong sa akin nung teacher.

"Wala ho eh. Kami lang ni Kuya."

"Kuya mo siya?" tinuro niya si Kuya Michael.

"O-opo."

 

"Hindi. Hindi ko siya kaano-ano." biglang nagsalita si Kuya. Lumapit siya dun sa teacher. "Ano ba, hindi mo pa ba kami bibigyan ng application form?"

"K-kuya.." hinawakan ko si Kuya sa braso pero tinanggal niya rin ng marahas.

Before The Dawn (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon