Before The Dawn [4]

694 42 12
                                    

Before The Dawn [4]

          - tiffanism

Kasalukuyan kong tinatapos yung mga homeworks ko. Nasa sala ako dahil hindi pwede sa kwarto. Natutulog na kasi si Kuya- este Michael na pala sa kwarto. At siya yung tao na hindi makatulog kapag nakabukas ang ilaw. Kaya heto ako at nasa sala. Napatingin ako sa orasan, 11pm na. Ako na lang ang gising sa amin.    

Nung natapos ko na yung mga homeworks ko, agad ko na itong nilagay sa bag ko at dahan-dahang pumasok sa kwarto. Mahirap na, baka magising si Kuya.. papagalitan na naman ako. Napangiti ako nang nakahiga na ako sa kama. Ang sarap talaga matulog.    

Hindi nagtagal at nakatulog din ako. Pero bigla akong nagising dahil may bigla akong narinig. NAKAKATAKOT.    

Agad akong umupo at nagsumiksik sa pinakagilid ng kama. Niyakap ko ang sarili ko. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagtulo. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako makahinga!    

Narinig ko na naman yung tunog na yun. Mas lalo akong napahagulhol. NAKAKATAKOT.    

Takot ako sa KIDLAT. Umuulan ng malakas ngayon kasabay ng malalakas na kidlat. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot sa kidlat. Hindi ko alam. May kinalaman siguro sa nakaraan ko, tanging ang mga magulang ko lang ang nakakaalam.

Hindi ko na malalaman pa ang dahilan dahil matagal ng patay ang mga magulang ko.      Naramdaman kong nagtayuan lahat ng mga balahibo ko nang muling kumidlat. Sunod-sunod ito. Hinigpitan ko ang yakap sa tuhod ko at itinago ang mukha ko. TAMA NA!    

Naramdaman kong bumaba si Michael mula sa taas ng double deck na kama. Mas lalo akong natakot. Nagising ko siya dahil sa mga malalakas ko na iyak! Ayaw na ayaw niya pa naman na nagigising ko siya.    

Alam ni Michael na takot ako sa kidlat. Pero ito ang unang pagkakataon na makikita niya akong umiiyak dahil sa kidlat. Ayos lang naman noon na umiyak ako pagkumikidlat dahil may sarili akong kwarto, pero ngayon.. kasama ko sa kwarto si Michael.    

"S-sorry.." tiningnan ko siya. Nagulat ako dahil hindi galit ang nakikita ko sa mga mata niya. Hindi ko mabasa kung ano pero ang mahalaga, hindi siya galit. "Sorry k-kung nagising ki-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla na namang kumidlat.    

Napasigaw ako at tinakpan ang mga tainga ko.     

Nataranta ako ng bigla akong yakapin ni Michael. Gusto ko siyang tanungin kong bakit pero hindi ko magawa. Naramdaman ko yung warmth na hatid ng yakap niya. Medyo nabawasan yung takot na nararamdaman ko. Napayakap ako sa kanya ng mas mahigpit dahil sunod-sunod na kidlat ang mga narinig ko.    

"Ssshhh.." bulong niya sa akin. Naramdaman kong pinunasan niya ang mga luha ko. "Tama na." yun lang yung sinabi niya pero ramdam ko yung pagaalala sa boses niya.    

Si Michael ba ito? Ibang-iba ang ugali na pinapakita niya sa akin ngayon. Pero nagpapasalamat ako dahil andito siya sa tabi ko ngayon. Binabawasan ang takot na nararamdaman ko.    

Pinasuot niya sa akin yung headset niya. Nilakasan niya ng kaunti yung volume. Ang ganda nung kanta. Wala na akong ibang marinig kundi yung kanta na pinaririnig sa akin ni Michael. Naramdaman ko na hinigpitan niya yung yakap niya sa akin.    

Nawala yung takot na nararamdaman ko. Nagrerelax ako sa yakap niya. Unti-unti akong napapikit. Bigla akong napangiti.. "Salamat Michael.." hindi ko alam kung narinig niya ba ako o hindi.    

Michael's POV:

Michael. Ngayon ko lang narealized kung gaano kasarap pakinggan ang pangalan ko pag siya na ang bumabanggit. Lalo na't wala ng KUYA.    

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng heart beat ko, pero masarap sa pakiramdam. Gaya ngayon, yakap yakap ko siya ng mahigpit.     

Narinig ko ang mga malalakas na iyak niya. Bawat iyak niya parang tinutusok ang puso ko. Ang sakit. Nag-alala ko. Buti na lang at kumalma na siya at malamang tulog na. Ayokong matapos ang oras na 'to pero hindi pwede..    

malapit ng sumikat ang araw.    

Kailangan ko ng itago ang lahat. Itago ang tunay kong nararamdaman, ang emosyon ko. Kailangan kong maging masama sa tingin ni Julia dahil ayokong mapansin niya na may gusto ako sa kanya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko itatago sa kanya itong tunay kong nararamdaman..    

Niyakap ko siya at inamoy ang kanyang buhok. Ayokong bitawan siya pero kailangan. Hinalikan ko siya bago pinahiga at dahan-dahang umalis sa kwarto. Naligo ako at maagang umalis ng bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ang lamig ng panahon pero tumigil na ang kaninang malakas na ulan.  

"Isa na namang araw na puro kalungkutan."

  ----  

Author's Note: At dito na magsisimula ang lahat... ;)     V

OTE. COMMENT. BE A FAN! :DD

Before The Dawn (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon