chapter 2

37 0 0
                                    

CHAPTER 2

Pakiramdam koy may libo libong kabayo ang tumatakbo ngayon sa puso ko. Di ko maintindihan kung anong mararamdaman ko pagkatapos sabihin ni eliz na nandito na ulit sya! Mixed emotions ika nga nila, Masaya, naeexcite at kinakabahan.

Maluha luha akong tumingin kay eliz matapos ang ilang minutong pagkatulala.

"best, gusto ko syang makita! Hindi alintana ang pagbubulungan ng mga kaklase ko..wala akong gusting gawin kundi makita sya!

"pero best ma-

"GOODMORNING CLASS" ay ano ba yan! Wrong timing naman si mam..kung kelan nagdadrama ako dito e.

"I think, mamaya nalang natin pag usapan ang pagbabalik ni paul best! Omg, I am so happy for you! Finally!

"san mo ba nabalitaan yan ha? Tsaka sigurado ka ba? Baka mamaya mapaasa na naman ako ha!

Madaming beses na din kasing nangyari to, sasabihin nya saken na bumalik na daw sya pero false alarm lang pala (wow, parang pregnancy lang ang pinag uusapan diba?)

"nope best! Si mom na mismo nagsabi sakin! Remember? May business din kami so syempre nababalitaan nya din na bumalik na ang valdez family!

Tanging ngiti nalang ang naisagot ko sa kanya. Taimtim akong nagdasal na sana totoo talagang nandito sya, grabe..after 8 years! Hindi ko na halos maintindihan ang dinidiscuss n imam dahil okupado na ni paul ang buong isip ko, total isang bwan nalang din naman at graduation na at finals nalang ang kulang para magpapetik petiks ako..nagseself study naman ako sa bahay tsaka, ehem ehem..hindi ko pa ata nkkwento pero kung sakaling ako ang may pinakamataas na score sa finals ay ako na ang magiging VALEDICTORIAN..naks naman! Kahit naman inlove ako syempre hindi ko pa din napapabayaan ang studies ko, in fact I consider him as my inspiration of course pati ang parents ko..

Lumipas ang 4 hours at sa wakas.

RIIINNNNGGGGGGGGGGGG!

"best! Lets go na! sa kfc na;ang tayo maglunch then diretso tayo sa SM! Dun natin pag usapan ang prince charming mo! Hahah

"anong pinagsasasabi mo dyan? May klase pa tayo best!

"ohmy! Don't tell me hindi mo narinig nung announcement ni mam kanina na halfday ngayon kasi may meeting ang faculty members? Hmmm, nagdadaydream ka na siguro kanina no? yieeeeeee!! Kahit kelan talaga tong bessy ko! Medyo namula naman ang pisngi ko kaya alam kong nakuha na nya ibig sabihin nun..

"oh sya sya, halika na at ng makakain na tayo, medyo nagutom ako dun ah, bat kasi hindi tayo magkatabi ng upuan e! Yan din ang pinagpuputok ng butse ko minsan, kasi naman ung mga katabi naming parang alien! Grabe, di ko maexplain! Saka lang kasi sila iimik kapag "mam, may I go out?" o kaya "goodmorning mam!" gets nyo? Kaya ramdam ko talaga ang paghihinagpis ni eliz sa tuwing nagrereklamo sya sa katabi nya!

Sumakay na kami ng dyeep na ppuntang kfc, medyo malapit lang to sa school namin. Isa ito sa mga bagay na hinahangaan ko kay eliz, kahit na mayaman sya ay napakadown to earth nya at kahit anong trip ko ay nasasakyan nya kaya nga naging magbestfriends kami e. nameet ko na din ang parents nya and I can say that they are good naman at mabait kagaya nya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung paano napapayag ni eliz sina titan a dun sya mag aral sa school namin. Hindi naman sya public school, pero sa tingin ko kasi di bagay ang isang katulad nyang rich kid sa school na to. Pero palagi naman nyang sinasabi sakin na ayaw nya dun sa school ng mga mayayaman, hay ewan ko ba dun!

Pagdating namin dun ay sya na ang nagprisintang mag order ng food, sinabi ko nalang sa kanya ang sakin at naghanap na ko ng mauupuan. Medyo madaming tao, at halos ay mga studyante din at mga nagttrabaho dahil lunch break na. napadako ang tingin ko sa isang batang babae mga nasa edad 4 o 5. Ang cute cute nya. Nasa isang tabi lang sya at mukhang nawawala. Medyo palinga linga kasi ang tingin nya at mukhang iiyak na sya. Balak ko na sanang puntahan sya at itanong kung nasan ang mommy nya pero may isang batang lalaki ang agad na yumakap sa kanya at hinaplos ang buhok. Wow. Natouch naman ako dun. Biglang nagliwanag ang mukha ni baby girl nung nakita nya si baby boy. Mula sa pwesto ko ay narinig ko pa na may sinabi si baby boy sa kanya.

You're still the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon