chapter 4

29 1 0
                                    

Pigil hiningang yumuko ako habang kagat ang ibabang labi upang pigilin ang nagbabadyang pagpatak ng luha ko. Isang kurap ko lang siguradong mag-uunahan na ito sa pagpatak. Hindi ko mawari kung anong dapat kong gawin. Wala ako sa posisyon para masaktan, pero hindi ko masisi ang sarili ko sa nararamdaman ko ngayon. Masyadong masakit para sa akin ang eksenang nasa harap ko. Matagal akong naghintay. Matagal na nagtiis. Umasa. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na mangyayari ang ganitong klaseng sitwasyon sa buhay ko lalo na kung sya ang dahilan ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

"best, ahmm.. Samahan mo naman ako sa cr oh, bigla kasing sumakit yung tyan ko e..tita, excuse lang po ah." halata sa boses ni eliz ang pagkataranta.

Hindi na nya inintay pang makasagot si tita Jessie at agad akong hinatak patungo sa kung saan. Ewan ko kung alam ba ng babaeng to kung saan ang cr pero wala akong pakialam, ang mahalaga ay makalayo muna kami saglit sa lugar na yun. Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga kung hindi ako didistansya sa kanila.

Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ko ng makarating kami sa cr. Impit akong napahikbi ng rumehestrong muli ang eksenang nakita ko kanina. Palakad lakad naman at tila nasilihan ang puwit ni eliz at nakalagay ang isang kamay sa noo at pawang maiiyak na din.

"hindi pwede to best. Hindi ka naghintay ng 8 taon para lang masayang ang lahat. Umiyak ka lang ngayon but dont worry. I will help you para maging kayo. Promise! Iiyak mo ng lahat ngayon at mamaya paglabas natin, we will start our first step to catch his heart!" deklara nya na animoy isang reyna sa isang palasyo.

"eliz, are you crazy? kitang kita ng dalawang mata ko kung gaano sya kasaya sa kanya. I dont think he still remember me." sagot ko na mangiyak ngiyak pa rin. Kumuha ako ng isang rolyo ng tissue sa isang cabinet doon. Buong lakas akong suminga at humagulhol muli.

Napangiwi si eliz sa inasta ko. Alam kong diring diri na sya pero walang magawa dahil naiintindihan nya ang pinagdadaanan ko. Bumuntong hininga sya at lumapit sa akin. Niyakap nya ako ng mahigpit at dahan dahang hinaplos ang likod ko na naging dahilan ng lalo ko pang pag-iyak. Naiinis ako. Bakit may mahal na syang iba? Hindi na ba nya ako matandaan? Its so unfair. I've been loyal kahit na wala kaming communication dahil umasa ako. Nangako sya. Kahit napakabata pa namin noon alam kong totoo ang nararamdaman ko sa kanya.

"Mahal mo sya diba? Kahit ngayon mo lang sya nakita ulit, alam kong mahalaga sya talaga para sayo. Diba nga may quotes na "If you love the person, then fight for it!" kaya wag kang mawawalan ng pag-asa. Handa akong maging bitch sa paningin nila, maging masaya ka lang. I will help you on him. Hindi tayo susuko hanggat hindi nagiging kayo. Ok?" Aniya at tinulungan akong mag-ayos ng sarili ko.

Alam kong kaya nyang gawin ang mga nasa isip nya ngayon. Sya ang kasa-kasama ko sa loob ng mahabang panahon kaya sa kanya ko lahat kinukwento ang mga bagay na may koneksyon kay Paul. Napakaswerte ko sa kaibigan kong ito. 

"Thanks eliz. I really dont know what to do if youre not here with me. Na-iistress ako My God!" pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang mga kamay at mariing pumikit. 

Narinig ko syang humagikhik sa tabi ko.

"You know, you really can count on me best!" she winks and pointed herself.

"i know! niyakap ko sya ng mabilis at dali daling nag-ayos ng sarili. 

Ngayong alam ko na may kaunting pag-asa pa para maging posible ang matagal ko ng pinapangarap ay nagkaroon ako ng lakas ng loob. Inaamin ko sa sarili ko na nagiging selfish ako. Na mali itong gagawin ko. Pero masisisi mo ba ako? Nagmamahal lang ako at handa akong sumugal maging akin lang sya. Ako ang nauna. At alam kong bata pa lang kami ay nararamdaman kong sya na talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're still the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon