Pagkatapos naming kumain ni eliz ay nag-aya na syang pumunta ng mall at ng makapagrelax naman daw. Ewan ko ba sa kanya kung bakit parang feeling nya ay sobrang stress na sya kahit di pa naman nagsisimula ang final exam namin..2 weeks from now palang ang finals at sanay na kaming dalawa na one week before exam ay saka kami nag-aaral na magkasama sa bahay nila. Mabuti na nga lang at nakikisabay sya sa akin sa pag-aaral kapag inaaya ko sya. Hindi kasi sya masyadong seryoso sa pag-aaral lalo na ngayon na highschool palang kami..palagi nyang katwiran sakin ay mga bata pa daw kami para seryosohin ang mga ganitong bagay. Hayy. Ano bang isip meron itong bestfriend ko!
Sumakay kami ng dyeep na ppuntang mall. Medyo marami ng tao ang sakay nitong dyeep kaya nahirapan kami sa pag-upo. Ginagalaw galaw ko ng konti ung puwit ko para sana makaupo ng ayos kasi naman pakiramdam ko kalahating puwit lang ung kasya dito sa pwesto ko e. Tumingin ako kay eliz at balak ko sanang sabihan na bumaba nalang at maghintay ng panibagong dyeep na ppunta sa mall. Pero bigla namang umandar at matuling nagpatakbo si manong driver. Bwisit na buhay to oh! Akala ko mahuhulog na ko sa inuupuan ko mabuti nalang at nakahawak ako sa bakal na nakadikit sa itaas. Napansin kong humahagikgik si eliz ng napagawi ako sa pwesto nya. pinandilatan ko lang sya at tumingin na sa may labas ng bintana.
Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na din kami sa wakas. Kahit naman pala ganoon kabilis magpatakbo si manong ay mabuti na din yun kasi mas napabilis ang pagdating namin dito at nakaalis na din sa masikip na pwesto sa bulok na dyeep na yun!
"Hoy elizabeth Luz! Are you crazy ha? nakita mo na naman na halos magpatak na ko sa letseng upuan na yun tapos tinatawanan mo lang ako?"
"hay nakuh best! Kung lilipat pa kasi tayo ng masasakyan eh baka hanggang ngayon ay nandun pa din tayo no!
"whatever! sa susunod kasi tingnan muna natin kung may magandang pwesto pa e!
"oo na, oo na! halika na dali! Mom gave me my allowance na! nuod tayo ng sine? game?
Hindi pa ko nakakasagot pero hinatak na nya ako at pumunta sa 2nd floor ng mall. Ito ang madalas naming puntahan kasi malapit lang sa school at mas malaki kumpara sa ibang mall. Nakasanayan na naming tumambay dito kapag weekend. Mabuti nalang at nakacivilian kami kaya walang problema.
Pagdating doon ay sya na din ang pumili ng panonoodin namin. At inutusan nalang akong bumili ng foods. Sya ang magbabayad ng ticket at ako naman sa pagkain. Ganito palagi kami kasi ayoko namang magpalibre parati sa kanya. Matapos na bumili ay balak ko na sanang pumunta sa direksyon ni eliz kung saan ay bumibili na sya ng ticket ng bigla ay nahagip ng paningin ko ang isang couple na parang may pinagtatalunan. Maganda at medyo may kaliitan ang babae, ngunit makinis at maputi ang kutis nito. Maamo ang mukha. Mahaba ang buhok at animoy hindi na nakapagsuklay dahil magulo ito at mukhang kagagaling lang sa pagtakbo ito dahil medyo hinihingal pa. Kung ttingnang maigi ay masasabi kong kaedad ko lamang ito o hindi nalalayo ang edad naming dalawa. Napadako naman ang tingin ko sa kasama nitong lalaki, hindi ko maaninag ang mukha sapagkat nakatagilid at medyo nakatalikod sya sakin. Matangkad at malaki ang katawan. Npansin ko din ang butas nito sa tenga. Nang bigla ay napaharap ito sa gawi ko at sa hindi alam na dahilan ay bigla akong kinabahan at bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako pedeng magkamali, ang mga matang yun. Ang mga matang dahilan ng pamumula ng pisngi ko noon, ang dahilan kung bakit nauutal ako sa tuwing magsasalita. Hindi ako pedeng magkamali! Sya na ba?
"Best! halika na, any minute from now magsisimula na daw yung movie!"
"pero best tek-
"Mamaya mo nalang balikan yun, halika na!
Habang hila hila ako ni eliz ay sa kanya pa din ako nakatingin. Sya na nga kaya yun? pero bakit parang di nya ko nakilala? baka naman hindi nya ko napansin? Pero siguradong sigurado ako na nagtama ung mga mata namin! Kelangan ko syang hanapin! Hindi pedeng mawala sya sakin ulit. I want to see him!
BINABASA MO ANG
You're still the one
RomanceSi Alice ay isang masayahin at magandang dalaga na matagal ng naghihintay sa pagbabalik ng lalaking kanyang unang minahal..si Paul at nangakong oras na magtagpong muli ang kanilang landas ay hindi na kailanman ito aalis sa kanyang tabi,ngunit sa pag...