"Ayoko nang bumalik nang basement! Bitiwan mo ako!" Panay ang panlalaban ko habang hinihila niya ako papasok ng bahay.
"Shut up!" Dinuro niya ako sa mukha kaya natigilan ako. Sa tono niya at sa anyo ng mukha niya parang tototohanin niya nga ang banta niya na pasasabugin ang puso ko gamit ang mga live wires. Hinila niya ulit ako sa braso, pakiramdam ko isa lang akong manikang kinakaladkad niya, malapit nang mapigtas ang braso ko. Nakayuko ang mga tauhan niya nang madaanan namin. Hindi makatingin kay Drico ng maayos. Marami sa kanila ay halata ang bukol sa mukha dulot ng tadyak at suntok ko.
Ang buong akala ko ay ibabalik niya ako sa basement at doon ikukulong na parang isang busabos na preso, pero nagkamali ako dahil ipinasok niya ako sa isang malaking kwartong katabi ng master's bedroom. Katabi ng kwarto niya.
Drico Antonio DiVanne was a mass of contradiction. Kung gusto kong manalo dito, kailangan kong mabasa kung ano ang iniisip niya. At 'yon ang isang bagay na alam kong mahihirapan akong gawin.
"Bakit dito mo ako dinala? Hindi ba dapat sa mainit na basement? Total hayop naman ang turing sa sa 'kin, 'di ba? "
"Sino ang nagbigay sa 'yo ng karapatang magtanong?" Malamig na sagot niya. " Ang sabi ko nga sa 'yo, kailangan kita sa palabas ko."
"Hindi mo ila-lock ang pinto? Hindi mo man lang ba ako itatali?" Habol ko nang akmang lalabas na siya ng kwarto.
Kunot noo siyang lumingon sa akin. Sa pagkakataong iyon tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "You're just an ordinary service girl in a club, how the hell did you manage to injure almost half of my professional bodyguards?"
"Dahil para sabihin ko sa 'yo, hindi ako service girl doon. Bouncer ako!" Taas noo kong sagot.
Hindi makapaniwala ang mukha nito. Umangat pa ang gilid ng labi para sa isang makahulugang ngisi. "Really?"
Pero hindi pa rin niya isinara ang pinto. Sa halip ay iniwanan niyang nakaawang iyon, napaisip ako kung anong klaseng laro ang nasa utak ng demonyong 'yon. Anong ibig sabihin niya noong sinabi niyang kailangan niya ako para sa isang palabas? Ano naman kayang klaseng palabas 'yon? Horror ba? Thriller? O Baka naman romance? Natawa ako sa sarili, nakuha ko pa talagang mangarap sa ganitong sitwasyon. Iba din talaga ang pagkakasalansan ng utak ko eh.
Yaman din lamang na binigyan na niya ako ng kalayaan kahit man lang sa loob ng pamamahay na ito. Mas maigi kong gagalugarin ko ang lugar, baka malay mo parang sa Beauty and the Beast may tinatago pa lang rosas ang taong 'yon dito at 'yon ang kahinaan niya, 'yon ang magpapaluhod sa kanya.
Bago lumabas, kwarto ko muna ang sinuri ko. Nahagip ng tingin ko ang life size mirror sa isang sulok. Noon ko lang napansin ang itsura kong parang isang linggong walang ligo at walang kain. Nakasuot pangkatulong pa ako dahil hindi na nga ako nagkaroon ng pagkakataon na palitan iyon. Inamoy ko ang sarili, nakagat ko ang ibabang labi nang maalala ang dalawang insidenteng nakapulupot ang braso ni Drico sa katawan ko. Lechugas, ang bango pa naman niya, tapos ang baho ko! Nakakahiya!! Ngayon ang problema ko pa, ay kung saang kamay ng langit kukuha ng damit na pwedeng isuot kapalit ng damit ko!
Bukod doon, kumukulo din ang tiyan ko sa gutom. Ilang oras na akong walang kain kinakain na ng tiyan ko ang bituka ko, sumasakit na nga iyon. Sa sobrang pagod, nahiga na lang ako sa malaking kama na naroon. Habang nakatitig sa kisame hawak ang humihilab na tiyan naisip ko ang tungkol sa goblet na tinutukoy niya. Ano nga kayang itsura no'n at gaano kahalaga ang bagay na iyon para sa mga DiVanne? Meron kayang impormasyon sa internet? Baka alam ni Google?
Pero malabo, halos lahat ng bagay tungkol kay Drico DiVanne na nakalathala sa internet ay kabisado ko na. At ni isa sa mga kakarampot na article tungkol sa kanya ay walang nabanggit na goblet na tinatago ng pamilya nito sa loob ng mahabang panahon. Mas maniniwala pa ako kung imbento lang ni Drico ang tungkol sa goblet ek-ek na 'yon. Sa kabilang banda, may punto naman siya nang sabihin niyang wala naman siyang mapapala kung gagawa siya ng drama, sino ba naman kami ng kapatid ko para pagaksayahan niya ng panahon di ba? Sabi pa nga niya, hindi siya nakikihalubilo sa mga mabababang uri ng tao. Tsk. 5'9 kaya ako. Mababa pa ba yon??
BINABASA MO ANG
The Devil's Stolen Heritage
FantasyHannah has always had unconditional feelings for Drico Antonio Divanne. But with the ancient goblet stolen and a prophecy in place, is Hannah willing to accept her and Drico's fate? Or will they have to sacrifice their love to change their destiny...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte