"RIIIIIING!RIIIIIING!" - tumunog ang mala atomic bomb kong alarm clock. Lunes ngayon at kelangan kong ayusin sarili ko para sa klase ko.
"Sh*t! 7 na, late na akoooo! First day is real!"
Oo nga pala, ako si Alexis Barrozo, nag-iisang prinsesa ng dyosa kong mama at daddy kong pogi. 18 years na akong nag-eexist sa mundong ito at kasalukuyang nag-aapura dahil late na talaga. Lumipat ako ng school para mag-move on. Charr. Oo, lumipat ako para kalimutan ang past. So bale 2nd year college na ako. Masasabi ko namang maganda ako kasi nga inlove sakin aso ni kapitbahay. Sige liligo na ako. Babush muna.
8:51 am
Pagbaba ko sa jeep ay tumambad sa akin ang pagkalaki-laking pangalan ng school
"PRECIAN UNIVERSITY""Wow! yayamanin ito ah." Tangi kong nasabi pagkakita ko sa kumikinang na pinaglagyan ng pangalan dito. Tuwang-tuwa ako ng nakapasok ako sa pangarap kong school. Nang biglang......
"Hi! Im Allen Buenaventura. New student?" tanong nga nakakalaglag-pangang lalaki. Maputi, matipuno, matangos ang ilong, red lips at makakapal ang kilay. Perfect ito.
"A-alexis po" nauutal kong sagot. "Opo bago lang po ako." at ngumiti ako habang namumula. Shit ang gwapo talga niya.
"Namumula ka ah?" sabi ng poging ito.
"Ah eh hindi, ganto talga ako hehe" Palusot ko naman kahit halatang-halata na ako.
"Ahh okay. Tara samahan na kita sa gym, may meeting pa kasi para sa mga new students at ala-una pa ang klase nyo." pang aaya nya na hindi ko matanggihan. Ikaw ba naman ayain ni prince charming. Charr.
So ayun nagpunta kaming gym at nag-iisang upuan nalang sa harap ang nakabakante. May nakasulat na "Reserved for School Council President".
"Tara sa likod nalang tayo, puno na dito eh saka reserved yang isa oh, baka magalit pa." pang aaya ko.
"No. Sit there, di ako magagalit." sagot nya at ako naman ay natulala.
Holeh Shet. OMG. Gwapo, macho at school president pa. Puny*ta naman, grabehan na to. Nakaupo lang ako at nakatayo siya sa tabi ko, nakakahiya pero kakapalan ko na. Ilang beses ko na siyang inayang umupo kasi sa kanya yun pero ayaw niya. Edi bahala siya. Kapal ko noh?
Mga 2 hours na kaming nakikinig sa ka-echosan ni madam principal at naisipan kong bumili. Nagpaalam ako at hindi nanaman ata papayag kaya binilisan ko nagsalita at umalis.
On my way may nakabangga akong parang kapre. ANG POGI NIYA!. Nakakainlove. ako naman tulala nanaman. Hindi ko napansin na natapon pala sa kanya yung kape na hawak nya."Sorry po kuya." tanging nasabi ko na lamang. Nakatingin lahat ng tao sa akin. Oh diba ang pretty ko. Pero kinabahan ako sa sinabi niya.
"Di mo ba ako kilala?"
"Hindi!. Sorry na nga eh. Sungit mo." sagot ko ng umikot ang mata ko. Hinawakan niya ng super higpit kamay ko at parang mapuputol ata kamay ko.
"Richard Precian. Owner of this school" sagot niya na nanlilisik ang mata sa akin.
Parang mamamatay ako sa sitwasyon pero di ako papatibag. Sinagot sagot ko sya at akmang sasaktan niya ako ng dumating si Allen.
"Ano nangyayari?" ang tanong nya.
"Wala mr. President" sagot niya sabay akbay sa akin na animoy bestfriends kami. "Dba? Ayos ka lang din dba ate?" Tanong niya sa akin at nagsenyas na sumagot ako ng oo. Tumango nalang ako at pagkatapos ay umalis na si Richard.
Biglang nagkagulo sa gym nung wala na siya.
"MARRY ME!"
"AKIN KA NALANG ATE!"
"SHET ANG TAPANG MO!"
"TARA NA SA SIMBAHAN!"Yan ang mga narinig ko at halos lahat eh kamayan ako sa nagawa ko. Parang coronation ko as Ms. Universe. Sinulit ko ang exposure bago kami lumabas ni Allen. Tinanong ko siya kung bakit naging ganun nalang naging reaksyon nilang lahat sa nangyari.
At sinagot nya ang tanong ko habang kumakain kami.
TO BE CONTINUED...............
YOU ARE READING
Precian University
RomanceWhat if yung kinaiinisan mo noon naging love mo? What if yung nagmamahal sayo di mo magawang piliin kasi mas mahal mo yung isa? What if you'll end up broken because of that wrong decision? Read this story to know the answers of that "What If's"