Prologue

261 14 0
                                    

"Sure na bang ngayon tayo aalis? May ginagawa pa ako e."

"Gaga, hindi ko mapopostpone yung concert ni Ria. Tiyaka mamaya pa naman 'yon, kaya mo pang humabol. Hihintayin ka namin ni Tori." Sunod-sunod na sagot ni ate Erin. "Matulog ka muna. alam kong hindi ka pa natutulog."

"Natulog na ako. Grabe ka!"

Okay, it was a lie. Malapit na rin kasi yung finals namin kaya puyat talaga ako these past few days. Sinasagad ko na yung pagrereview ko para may maisagot sa exam, para na rin maging mataas ang grades ko, at para mas maging proud si mama.

Kahit paano.

"I-chat niyo na lang ako kapag nandito na kayo sa tapat ng coffee shop." Paalala ko sa kaniya bago ko ibaba yung tawag.

Nandito kasi ako ngayon sa isang coffee shop, nagsusulat din ako ng kanta dahil balak kong sumali sa isang music festival sa summer at kaya rin ako nagrereview nang sobra dahil for sure, kung hindi pasok sa standards ni mama yung grades ko, hindi rin ako makakasali sa music festival.

Ito na lang yung nakapagbibigay ng comfort sa akin ngayon. Yung pagsusulat ng kanta, minsan ng tula, dahil ito na lang yung paraan ko para mapagaan yung loob ko. Para mabawasan yung bigat ng lungkot nararamdaman ko. Ayoko na rin kasing pagalalahanin sina ate Erin.

Dalawang oras pa akong naghintay sa coffee shop bago sila dumating.

"Hi, my ate baby loves love of my life my honey bunch!" Bati sa akin ni Tori pero hindi ko siya pinansin. Kanina ko pa sila nakita sa labas kaya nagpanggap akong nagbabasa ng notes ko.

"Huwag kang maingay. Nagrereview 'yan." Saway sa kaniya ni ate Erin.

"Totoo ba? E baliktad nga yung reviewer niya." Tiningnan ko yung binabasa kong reviewer at tama nga si Tori, baliktad nga.

"Nagmukha ba akong masipag?" Tanong ko sa kaniya.

"Parang hindi mo naman na kailangang magreview, alam mo naman na yan kung nakinig ka nang mabuti sa lesson niyo."

"E ayon na nga, hindi ako nakinig. Paano ba naman kasi, may mga lyrics ng kanta na pumapasok sa isip ko noon. Feel ko kailangan kong isulat 'yon."

"Iniisip mo yung lyrics ng kanta o yung tao kung saan inspired yung kanta mo?" Tumingin lang ako kay ate Erin at pinagsingkitan ko siya ng mata. Aba naman talaga. Kapag ito ginantihan ko lagot 'to sa akin.

"Ha?"

"Hatdog." Sabat ni Tori. Sa totoo lang, wala siyang alam kung sino ba yung pinaguusapan namin ni ate Erin at mas okay na 'yon.

Mas okay na siguro yung hindi niya alam.

"Akala ko ba nakapag-move on ka na? Ilang months na ba yung nakalipas?" Tanong ni ate Erin. "Mahal mo pa?"

"Ulol." Sagot ko kaagad. "Pero namimiss ko lang... minsan."

"Sino?" Tanong naman ni Tori. Nagkatinginan lang kami ni ate Erin. Hindi niya pwedeng malaman.

"Alam niyo? Tara na. Hindi ba nagmamadali kayo? Hindi ba hindi niyo mapopostpone yung concert ni Ria? Di ba? Tara na."

"Ba't ganiyan ka? parang hindi ka masaya?" Tanong ko kay Ria. Kanina pa kasi siya wala sa focus, mukhang kinakabahan. "Huwag kang kabahan sa mga tanong nila. Chill ka lang." Ngumiti ako sa kaniya.

"Nandito kaming mga motivation mo oh." Dagdag ni Tori.

"Siya pa rin ba yung iniisip mo?" Tanong ni ate Erin at hindi nakasagot si Ria. Mukha ngang iniisip niya pa rin si Yana, yung ex niya. Ex katalking stage.

Hindi man sila naging official, alam kong hindi pa rin ganong kadaling mag-move on. Minahal niya yung tao pero hindi niya man lang nasabi na ganon na pala yung nararamdaman niya. Parang sa hangin na lang niya nasabi lahat. Ewan ko ba rito kay ate Erin, parang ang dali lang sa kaniyang mag-move on.

O baka hindi pa nakakapag-move on 'to?

"Nakita ko tweets niya. Mukhang broken." 

"Ssh." Pagsasaway ko kay Tori. "Tara ililibre kita ng paborito mong ice cream. Mauuna na muna kami ah? Mag-usap muna kayo." Dali-dali ko siyang hinatak palabas ng dressing room.

"Huy, bakit nabanggit mo pa 'yon? Gaga ka." Sabi ko agad kay Tori pagkatapos naming makalayo sa dressing room. Tiningnan niya ako na parang wala siyang alam. "Baliw ka, binanggit mo pa si Yana."

"Ah, e nakita ko kanina e."

"Nakita mo kanina si Yana?"

"Oo pero hindi niya kasama si ate Miracle—"

"Hmm. Baka kasama yung vivimo."

"Luh. Wala na foul na, wala, wala, wala. Ilibre mo na lang ako ng ice cream."

"Chocolate chip cream, di ba?" Tanong ko sa kaniya nang makapasok kami sa mall. Wala yata rito yung paborito niyang shop kaya nagikot ikot muna kami sa loob.

"Mint chocolate chip cream. Parang hindi mo naman ako kilala— ayon!" Sagot niya at bigla niya akong hinatak papunta sa nakita niyang ice cream shop.

"Wait lang, nagmamadali! Gutom ka na? Ano ba—" napatigil ako sa pagsasalita nang tumigil sa paglalakad si Tori, napatingin na lang din ako sa direksyon kung saan siya nakatingin.

At nakita ko sina Mina at Vera. Palabas na si Mina sa ice cream shop at naiwan doong nakaupo si Vera.

"Gusto mo pa bang tumuloy?" Tanong ko kay Tori. Nandito rin pala sila kaya hindi na ako nagtaka kung nandito rin si Yana kanina.

"H-huwag na lang siguro." Nauna nang tumalikod si Tori at naglakad palayo.

Agad ko siyang nilingon at tinawag, "Tori!"

"Chantal?"

Mina...

Lilingon ba ako? Okay lang, hindi naman na ako affected.

Hindi na ako affected. 

Pero bago pa man ako makatingin kay Mina ay nauna nang lumingon si Tori.

"Oh, ate Miracle? Magkakilala kayong dalawa?" Napalingon na ako kay Mina, hindi kasi alam ni Tori na magkakilala rin kami ni Mina. Si ate Erin lang yung nakakaalam.

"Magkakilala kami..." Sagot ni Mina. "Through a friend... oo. Hindi ba, Chantal?"

"Oo, Tori. Kilala ko siya."

Kilalang kilala.

starlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon