Chapter Two

137 10 0
                                    

an. disclaimer: this fic is fictional and is not affiliated with the schools mentioned in the storyline/series xD


-


CHANTAL


Agad akong nakaramdam ng kaba nang mabasa ko yung pangalan ni Miracle. Hindi ko masigurado kung kinakabahan ba talaga ako but I can literally feel my heart race.


I also didn't know na mutuals pala kami sa Instagram. Siguro ay dahil 'yon kay Yana. Nasa iisang school lang din naman kami at may possibility na mag-meet kami sa campus anytime pero never nangyari 'yon.


Nanginginig yung mga kamay ko habang nagiisip ng sagot sa reply niya sa story ko. Ngayon na lang ulit may nagmessage sa akin at hindi na ako sanay makipagusap sa ibang tao!


Miracle Naomi Jimenez
@miraclenaomi



miraclenaomi
bitin! hahaha more please 🥺


chantuhl_mp4
uy hi! thank you!

chantuhl_mp4
nahack lang ako actually 😭

miraclenaomi
it's okay! haha i love your voice

miraclenaomi
it's very soothing

chantuhl_mp4
thank you 🤍

miraclenaomi
you're welcome, Chantal!


Napangiti ako lalo nang nagsend siya ng sticker. It was a baby duck na may heart eyes. Ang cute kaso nga lang naalala ko si Yana. Lagi na lang.


Nag-react ako ng heart sa sticker ni Miracle at nag-type na rin ng isa pang reply. Wala naman sigurong mawawala kung kukumustahin ko si Yana e.


chantuhl_mp4
kumusta nga pala si yana?


Nag-seen siya agad at nag-type ng sagot. Ang bilis, ha.


miraclenaomi
she's fine naman

miraclenaomi
i think she's planning to release a new song


Naging successful na talaga siya nang manalo siya sa Music Fest noong April. Siyempre masaya ako para sa kaniya pero minsan napapatanong na lang ako sa sarli ko kung what if nag-work kami? O kaya naman what if hindi ko na siya nakilala completely?


May magbabago ba?


I stared at my phone for a long time. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Miracle. Sana pala hindi na ako nagtanong.


miraclenaomi
do you want to meet her?

chantuhl_mp4
halaaa huwag na 😆
I'm glad that she's okay.
okay na rin ako doon 🤣

miraclenaomi
ohh okay

miraclenaomi
by the way, you should
post more covers soon!

miraclenaomi
or even your original songs

miraclenaomi
there's a great possibility na
madiscover ka online

starlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon