Chapter Three

138 11 0
                                        

CHANTAL


"Thank you, Chantal." Sabi niya nang makaupo na ako, ngumiti na lang muna ako at hinayaan siyang magsalita. Ayaw ko rin kasing sumingit kapag may ibang nagsasalita. "Nagulat nga ako na nakita kita rito... buti na lang din—"


Hindi natuloy yung sinasabi niya nang may nakita siya.


"Ay, sorry... kasisimula pa lang natin pero hindi na yata kita masasamahan. Nandito na kasi yung kasama ko." Napalingon ako sa tinitingnan ni Miracle.


Heloise Cabrera?

"Louise!" Tawag sa kaniya ni Miracle. Nakasuot kasi siya ng black cap kaya muntik ko na siyang hindi makilala. Buti na lang at wala pa si ate Erin.

Hindi niya magugustuhan 'tong makikita niya at hindi ko rin gugustuhin na makita ako ni Heloise dito. Ang awkward kayang makakita ng kakilala sa ibang lugar lalo na kung ex pa siya ng kaibigan mo.

Umayos ako ulit sa pagkakaupo ko nang napatingin siya sa direksyon namin. Sana hindi niya ako nakilala. Bagong gupit naman yung buhok ko e. Sana nga hindi niya nakita yung mukha ko.

"Hinahanap ka na yata." Sabi ko kay Miracle. "Okay lang ako. Next time na lang."

Bigla siyang ngumiti nang marinig niya yung next time. "Sure ah?" Tumango ako. "Sige, set mo na 'yang next time na 'yan, ah?"

"G lang." Ngumiti na rin ako pabalik sa kaniya. Kinabahan na naman ako bigla o kinilig lang ako? Ewan ko na pero grabe yung tibok ng puso ko ngayon at hindi na rin maganda na nahahawa ako sa mga ngiti niya!

"I'll go na talaga. Bye, Chantal." Kumaway siya sa akin bago tumayo at naglakad palayo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas sila rito.

Pagkatapos ng ilang minuto ay biglang nag-vibrate yung phone ko. Baka si ate Erin na 'to.


1 new message
Miracle Jimenez (@miraclenaomi) sent you a message: I'll see you next time :)


-


MIRACLE


"Sa susunod na lang ako, guys. May pupuntahan pa ako e." I excused myself and walked out of the room. Nagaaya kasi silang lumabas mamayang gabi pero hindi naman nila sinasabi kung saan.


Nilabas ko ang phone ko at tiningnan yung messages ko. Hinanap ko ulit yung message ni Chantal at wala pa rin siyang chat.


It's been a week since Chantal and I met at the mall. At first, hindi ko maintindihan kung bakit naghihintay ako sa mga chat niya... kung bakit sobrang saya ko kapag nakikita ko yung posts niya not until nagkita kami ulit in person.



Hindi na siya mawala sa isip ko ever since.

"Mina, it's almost five. Umalis na lahat ng kasama mo. I didn't know na nandito ka pa pala." Napalingon ako at nakita ko yung may-ari ng management, si Mr. Javier.

"Pauwi na rin po ako." I smiled at him... awkwardly. Hindi na naman kasi maganda yung nararamdaman ko. "Sige po, mauuna na ako." Tumayo ako at maglalakad na sana palayo pero pinigilan niya ako.


"You should stay for a while," Sabi niya.


"It's okay po... kailangan ko na rin pong umuwi." Pinilit kong tanggalin yung pagkakahawak niya sa braso ko. Hindi siya ganoon kahigpit kaya hindi rin ako nahirapan.


Agad akong tumakbo palayo nang bitiwan niya ako. Hindi na ko lumingon pa pabalik dahil natatakot na ako.


Dalawang advice ang sinabi sa akin nang una akong makapasok sa company na 'to. Una, huwag na huwag kang magpapagabi sa building. Akala ko noon ay dahil lang 'yon sa masamang elemento na nandito. Hindi pala.


Pangalawa, tumanggi hanggang kaya at pwede pa.


Nang una, akala ko nakakabastos pa 'yon dahil halos lahat ng nagaaya sa akin o sa amin ay puro nakatataas sa amin pero ngayon naiintindihan ko na kung bakit sinabi sa amin 'to.


Kinuha ko lahat ng gamit ko sa locker at nilagay 'yon sa bag ko. Pagkatapos non ay lumabas na ako ng building.


Hindi ko na napigilan pang hindi umiyak. Palagi na lang bang ganito? Ganito ba talaga kahirap maabot yung pangarap ko?


Lumingon ako ulit sa building. Pakiramdam ko ay parang pinapanood niya yung bawat galaw ko, hindi ko na nakayanan pa at dirediretso na lang akong naglakad pa palayo.


Ayoko na munang bumalik doon. Kung pwede lang sanang hindi na bumalik doon gagawin ko kaso kailangan kong magtiis hangga't kaya ko pa. Wala akong choice kung hindi gawin 'yon. Sabi nga nila, take the risk.


Napaupo na lang ako sa isang upuan sa convenience store. Malapit pa rin 'to sa building ng company namin but I had no choice, para kasing nanghihina na yung katawan ko dahil sa nangyari kanina.


"Here." Napatingin ako sa naglagay ng bottled water sa harap ko. Si Chantal. "Hi."


"Hi." I greeted her back.


"I guess ito na siguro 'yong next time."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

starlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon