Opening pa lang ng Showtime at kasalukuyan namang nag-sspiels ang mga hosts. Nandun din sina Nanay Rosario para mapanood ang anak. Nagtama naman ang mga mata ni Nanay Rosario at Karylle at nagngitian naman sila. Nang matapos ang kanilang pagspiels ay agad dumiretso si Karylle sa pwesto nina Nanay Rosario upang makausap ang nanay ng boyfriend.
"Hello 'nay, andun pa po si Vice nagreready na for his prod." Sabi ni Karylle at ngumiti kay Nanay Rosario at nagmano dito. Nagbeso naman sila ng mga pamangkin ni Vice. Umupo ito doon at nagsimulang makipagchikahan nang may nagtext.
From: Baby Pogi ❤
Baby, andyan sina nanay. Nakita mo na ba?To: Baby Pogi ❤
Yes baby, kausap ko nga si Nanay eh. Goodluck sa prod mo baby! Galingan mo ;) I love you!From: Baby Pogi ❤
Ako pa. I love you too, baby."Lalo kang gumaganda karel ah."
Puri ni Nanay Rosario kay Karylle.Sa kabilang banda naman ay napangiti si Vice nang malamang magkausap na naman ang nanay niya at ang nobya niya. Naalala niya noong nagsimulang magkaroon ng something sa kanilang dalawa ni Karylle.
<Flashback>
Kasalukuyang nagcocomment ang mga hurado at turn na ni K para magcomment."Sampol! Sampol" Sigaw ng Madlang Pipol kaya naman tumayo si Karylle at nagsimulang kumanta ng "I'm officially missing you" Napatulala naman si Vice sa ganda ng boses ni Karylle.
"Sasayaw na yan! Sasayaw na yan!" Sigaw ng Madlang Pipol kaya muli ay tumayo si Karylle, kinuha ang jacket at tumabi sa gilid ni Vice at sumayaw. Nagpagiling-giling ito at dahil nga nasa tabi niya si Vice ay kitang-kita ni Vice ang sayaw nito at parang nakaramdam naman si Vice ng kakaiba. Nang matapos ang sayaw ay parang nag slow-mo naman ang paningin ni Vice nang papunta sa kanya si Karylle ngunit bumalik siya s kanyang ulirat nang bumalik lang pala si Karylle sa pwesto niya.
"Sexy 'tol 'no?" Sabi ni Vice nang may malalim na boses kay Vhong kaya naman pati si Vhong ay nabigla dahil hindi naman talaga nabibighani si Vice sa babae.
"Oo, brad. Type mo ba?" Pagpayag ni Vhong kay Vice.
"Pagdating 'tol eh. Pwede eh!" Lalo namang nagulat si Vhong dahil hindi naman talaga ganito si Vice sa mga babae. Tumawa na lamang siya at iniisip na isa na lamang itong biro ni Vice.
"Kasi hinahamon ko si Vice pero slightly nag-iiba yung tingin niya sakin, natatakot ako." Sabi ni Karylle na natatawa din sa mga sinasabi ni Vice.
BINABASA MO ANG
Offcam (ViceRylle)
FanfictionMagkaibigan? Yun ang akala mo. Paano kung malaman mong pagkukunwari lang pala ang lahat sa harap ng camera? Paano kung hindi naman pala sila magkaibigan? Ito ang storyang puro kahopia-an.