Welcome back

1.8K 47 4
                                    

Nang makauwi na si Karylle galing sa LA ay papunta naman siyang Cebu.

Bago siya lumipad papuntang Cebu ay may tumawag naman sa kanya.

Baby Pogi ❤ Calling...

Nagulat man ay agad itong sinagot ni Karylle. Medyo kinakabahan pa siya nang sagutin niya ang tawag.

K: Uhm hello?

V: Talikod ka.

Agad naman iyong sinunod ni Karylle at nagulat sa nakita. Isang matangkad na lalaki.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"May nagpapabigay po." sabi ng lalaki na kaharap ni Karylle at inabot ang isang sunflower. Tinanggap naman iyon ni Karylle at hindi agad nakapagsalita.

V: Baby, sorry na. Sorry sa pagiging seloso ko.

Malambing na tugon ni Vice sa cellphone nang makasiguro na natanggap na ni K ang pinabibigay niya. Hindi pa rin makapagsalita si Karylle at napangiti na lamang at tinanggap ang bulaklak.

V: Hindi mo ba nagustuhan, kurba?

Malungkot na tugon ni Vice sa pag-aakalang hindi ito nagustuhan ni Karylle at hindi pa din siya pinapatawad nito. Napasinghot naman si Karylle dahil umiiyak na pala siya dahil sa tuwa at sa pagka-miss niya sa kanyang nobyo.

V: K? Umiiyak ka ba? Nako sinasabi ko sa'yo, susugod talaga ako dyan.

Alalang sabi ni Vice at medyo kinakabahan na. Sa pagkakataon na iyon ay lalong na-touch si Karylle dahil handa talagang sumugod si Vice para sa kanya kahit napaka busy nito.

K: Wag kang OA. Hindi ko nagustuhan.

Sabi ni Karylle at nanlumo si Vice at parang nawalan ng gana pumasok sa trabaho. Hindi naman agad nakapagsalita si Vice.

K: Hindi ko nagustuhan kasi, sobrang sobrang nagustuhan ko. I love youu.

At sa pagkakataon ding iyon ay nagkasigla muli si Vice at parang nabuo ang kanyang araw.

V: I love you too! Buti naman nagustuhan mo.

At tuluyan na nga silang nagkabati at nagpaalam sa isa't-isa dahil kailangan na nilang magtrabaho pareho.

Lumipas naman ang nga araw at labis nilang namimiss ang isa't-isa.

<Fast Forward>

Kadadating lamang ni Karylle mula sa Cebu at excited na makita ang pamilya at syempre si Vice. Gustong-gusto na sana niya na makita si Vice ngunit nasa rehearsal pa ito para sa kanyang concert. Umuwi muna siya sa kanilang bahay at sinalubong naman agad siya ng kanyang ina.

"I missed you, K. How's vacation?" tanong ng kanyang ina na si Zsa-zsa.

"Masaya naman ma, pero how I wish na kasama ko si Vice." nakangiting sagot ni Karylle pero kapansin-pansin din ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Ate! Nasaan na?!" Bungad ng kanyang nakababatang kapatid na si Coco.

"Anong nasaan na?" Nagtatakang sagot ni Karylle.

"Ano pa ba? Edi pasalubong!" sagot naman ng isa pang kapatid ni Karylle na si Zia habang bumababa ng hagdan.

"Kayo talaga! May mga names na kayo their. Rest lang ako." conyo na sabi ni Karylle at umakyat na sa taas. Nahiga lamang sandali si Karylle at naghihintay ng text ni Vice. Papikit na sana siya nang may nagtext sa kanya.

Offcam (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon