Commercial break pa lamang ay sama-sama na ang mga hosts sa Lounge. Nagtatawanan at nagkukulitan ang mga hosts nang mapansin ni K na pangiti-ngiti lamang si Vice habang nagcecellphone. Tinitigan lamang ni Karylle ang kasintahan at nagtataka kung bakit tuwang-tuwa si Vice habang nagcecellphone.
Maya-maya pa ay hindi na nakatiis si K at sinilip ang ginagawa ni Vice. Nakita niya namang nasa gallery ito at naghahanap ng pictures. Pasimple lamang si Karylle na kunwari ay nakikitawa sa kwentuhan nina Vhong pero nakatutok pa din siya sa ginagawa ni Vice. Nagulat na lamang siya nang makitang picture niya ang tinitingnan ni Vice. Muli ay tiningnan niya ang mukha ni Vice at ngiting-ngiti ito. Napangiti na lamang din siya at nagpatuloy sa pakikipagkwentuhan kina Vhong at dinaan na lamang sa pakikipagtawanan ang kanyang kilig na nararamdaman. Maya-maya pa ay nakikipagkwentuhan na din naman si Vice ngunit hindi pa rin mabitawan ang cellphone.
Nang sinilip muli ni Karylle ay nakita niyang pictures naman nilang dalawa ang tinitingnan nito. Nagkunwari si Karylle na walang nakita at dumampot ng tinapay at kumain na lamang.
"Brad, tinapay oh." Pag-alok ni Vhong kay Vice ngunit dahil nga busy si Vice ay umiling ito.
"Pogiii" napatingin naman agad si Vice nang marinig niya ang mahal niya.
"Gusto mo?" Pag-alok ni Karylle sa kinagatang tinapay. Agad-agad namang kumagat si Vice sa inalok na tinapay ni Karylle.
"Wow brad! Hindi mo naman sinabi agad na tinapay ni Karylle pala ang gusto mong kagatin." Kunwaring nagtatampong saad ni Vhong ngunit pangiti-ngiti.
Agad-agad namang binato ni Vice ng unan si Vhong dahilan na din upang maitago ang kilig niya. Sa isang banda naman ay nakikipagkwentuhan si Karylle kay Anne kaya kinuha na ni Vice ang pagkakataon upang magtingin na naman ng pictures na iwawallpaper niya. Lingid sa kaalaman ni Vice ay nakikita naman ni Karylle ang kanyang ginagawa. Nang nakapili na siya ng wallpaper ay pumunta naman agad siya sa Phonebook at pinalitan ni Vice ang pangalan ni Karylle. Pinalitan ni Vice ng "Mahal❤" ang pangalan ni Karylle na dating "Kurba ko" sa phonebook niya. Naisip naman ni Vice na mas maganda pag English kaya pinalitan niya ito ulit. "Love❤". Hindi pa din siya natuwa kaya nag-isip ulit siya ng ipapangalan kay Karylle. Pinalitan niya ito ng "Baby Kurba". Napangiti muli siya at pinatay na ang cellphone niya. Nakita niya naman na busy din si Vhong at Billy sa paglalaro sa cellphone kaya kinulit niya ang mga ito.
Makalipas ang ilang oras ay pinatawag na sila para pumunta na ng stage. Naghanda na sila dahil patapos na ang commercial break.
"Babyyy" tawag ni Karylle sa kanya. Nagulat naman siya at napatingin agad siya kay Karylle.
"Baby, lipstick mo." Sabi ni Karylle at inayos ang lagpas ng lipstick ni Vice.
"Anong tawag mo sakin?" Gulat na tanong ni Vice kay K.
"Baby." natatawang sabi ni Karylle. Napatingin naman si Karylle sa cellphone ni Vice kaya na-gets naman agad ni Vice na nakita ni Karylle ang ginawa niya. Hindi na nakaimik si Vice dahil nagsimula na ang show.
Minime 2 Segment...
Kinakausap naman nina Vhong, Billy, Anne, Vice at Karylle ang batang contestant.
"Pero sana paglaki mo hindi ka ganyan." natatawang sabi ni Vhong sa bata habang nakaturo kay Vice. Napasimangot naman agad si Vice.
"Uy ang sama ng sinabi niya." kunwaring may halong pagtatampong sabi ni Vice at akmang lalayo kina Vhong.
"Uy grabe naman. Kasi... nag-iisa ka. Gusto ko wala kang kapareho." pagbawi ni Vhong sa sinabi niya.
"Tama." pagsakay ni Billy sa pagpapalusot ni Vhong.
"Ganun ha?" napangiti namang naniwala si Vice sa sinabi ni Vhong.
"Oo. 'Yang gandang 'yan nag-iisa yan" pag-push pa ni Vhong sa pagbawi.
"OO!" pagsakay pa ni Karylle sa ginagawang pambobola ni Vhong at Billy. Napatingin naman si Vice kay Karylle."Huwag ganun, babyy." kinikilig na sabi ni Vice kay Karylle. Napakapit naman agad si Vice kay Vhong dahil sa pagkakilig.
"Hindi naman, baby." Sabi naman ni Karylle at tumawa pa.
"Direk, si Karylle nambabasa ng text!" Sabi naman ni Vice.
"Ginanun mo yung phone mo eh. Nabasa lang." sabi naman ni Karylle na inaakto pa ang pagpapakita ng phone ni Vice. Pinutol naman ni Anne ang chikahan at pinagpatuloy ang show.
"Baby, babyy, ikaw na." pagtawag muli ni Karylle kay Vice dahil siya na ang magsasalita.
Nang matapos ang show ay nag-ayusan na ng gamit ang mga hosts. Agad namang pinuntahan ni Vice si Karylle sa dressing room nito.
"Psst. Baby" pagtawag ni Vice kay Karylle.
"Baby?" napangiting tanong ni Karylle.
"Tara na." pagyaya ni Vice kay Karylle.Lumapit naman agad si Karylle kay Vice at sabay na lumabas. Nang makarating na sa labas ay nagpaalam na sila sa isa't-isa.
"Byeee." yumakap naman si Vice kay Karylle at bumulong. "I love you, babyy." Napangiti naman si Karylle at nag-wave na sa paalis na kasintahan.
Nang makaalis naman si Vice ay agad kinuha ni Karylle ang cellphone niya dahil alam niyang magtetext agad si Vice. Ilang segundo lamang ay may natanggap na siyang mensahe.
From: Pogi ❤
Ingat, baby. I love you.Napangiti naman si Karylle at umiling-iling sa ka-sweetan ni Vice.
To: Pogi ❤
Yes, babyyyyyyy. I love you too. Hahahaha.From "Pogi❤" to "Baby Pogi ❤"
------------------------------------------------------------- A/N: AFTER 123456789 YEARS, NAKAPAG-UPDATE NA DIN AKOOO. Hehehe. Sorry mga sibs. 😭 Medyo lame pero pagtiisan niyo na po. Hehehehe. Labyu all. ❤❤❤
BINABASA MO ANG
Offcam (ViceRylle)
FanfictionMagkaibigan? Yun ang akala mo. Paano kung malaman mong pagkukunwari lang pala ang lahat sa harap ng camera? Paano kung hindi naman pala sila magkaibigan? Ito ang storyang puro kahopia-an.